Chapter 2

12 0 0
                                    


Chapter 2

* June 14, 20-- *
* Tuesday *

Carl's POV

Hello. Good morning! Tuesday ngayon and 2nd day of our class.Eto ako ngayon naka upo sa bed ko. Kakasend ko lang kase ng long sweet message ko kay Kath (Katherine) wala eh! Tinamaan na talaga ako sa kanya. Grabe dati, loko loko ako nun. Pero nung nakilala ko siya, nag bago ako bigla. Hindi na ako loko loko. Hindi na ako madalas mag LoL. Nang dahil lahat yun sa kanya.

Tumayo na ako at nag unat unat bago pumasok sa banyo at na ligo. After ko maligo, tinignan ko kung may message si Kath, wala pa. Tulog pa siguro. Bumaba na ako at dumeretso na agad sa kusina para kumain.

"Hi, mom! Hi, dad! Good morning." sabi ko sa kanila. Medyo nagulat pa nga sila nang bigla akong sumulpot at sumigaw. Hinug ko naman sila bago umupo sa tabi ng baby sister kong si Carla. Binati ko rin si baby ng hello. 4 years old pa lang siya.

"Grabe ka naman. Bigla na lang sumusulpot. Tsaka makasigaw, umagang umaga eh." sabi ni dad. Hehehe. Yep marunong siya mag tagalog, slang nga lang. Ngayon ngayon lang siya natuto mag tagalog eh. Kakauwi lang kase namin last year bakasyon. Marunong na ako nun mag tagalog. Kaya nung grade 8 ako, sa Dream University na ako nag aral at nakilala si Kath. Naramdaman ko namang namula ako, lakas ng tama ko talaga sa kanya.

Buti hindi na pansin nila mama na namula ako. Busy kase kumain eh. So, yun. Kumain na rin ako. After ko kumain. Sumabay na ako kay dad na pumasok. Bali idaan muna ako ng driver sa school bago niya ihatid si dad.

Tinext ko naman sila Richard at Calvin na papunta na akong school. Nagreply naman sila ng ok at see you. Si Kath naman, ayun nag good morning siya at see you na lang daw mamaya. Habang tinitignan ko picture namin ni Kath bigla ako kinausap ni Dad.

"Hey, lakas na talaga ng tama mo sa batang iyan ah? Sa saturday night, imbitahan mo siya ah? Kasama na mga friends mo. Matagal tagal na rin since nung nag dinner sila dito. Balita ko may new friends kayo."

"Yes, dad. Mahal na mahal ko na talaga siya. :) Sure dad, I will invite them pati na rin yung new friends namin." sagot ko.

Sakto namang huminto na yung kotse sa harap ng school namin.

"Oh sge dad. Bye, see you later." sabi ko at hinug si dad bago bumaba ng kotse. Well, hindi naman nakakabakla yung ginawa ko kay dad, right? Wala namang masama.

So, yun na nga. Pumunta na ako sa lobby at umupo muna dun sa upuan habang hinihintay sila. Naunang dumating yung dalawa. Tapos maya maya sila Kath, JD at Jake. Tumatawa nga sila eh. Si Kath naman namumula. Hmmm. Ano kaya pinag uusapan nila? I mean sino? Pinagpalit na kaya ako ni Kath? Hindi pa naman kayo ah? Sabi ng konsensya ko. Oo nga, wala nga palang "kami". Bigla akong nalungkot kaya nag paalam muna ako sa dalawa na magc cr lang. Hindi ko na nga hinintay si Kath, kahit nakita ko siya na parang may gustong sabihin habang nakangiti. Hay. Masyado kase akong seloso. Kainis! May iba na kayang mahal si Kath? Sana wala. Sana ako lang.

xxx

Kath's POV

Babatiin ko sana si Carl dahil papalapit siya samin nang bigla niya lang akong lagpasan. Ouch. Biglang kumirot yung puso ko dahil sa ginawa niya. Hay. Ang saya pa naman namin nila JD at Jake kanina dahil inaasar nila ako sa kanya. Nabasa kase nila yung long sweet message sakin ni Carl kanina. Kaya ayun. Kaso dahil sa pinakita, nawala yung saya ko. Napalitan ng sakit.

One of the BoysssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon