Daniel Lorenzo Angeles
"Enzo!" Dinig kong sigaw ng isang matinis na boses mula sa may pintuan ng kwarto ko. "Pangalawang balik ko na to sa kwarto mo, nakahilata ka padin diyan! Bumangon ka na ngang bata diyan."
Naramdaman kong niyugyog ng malalambot na kamay ang braso ko at tinanggal ang kumot sa pagkakabalot sakin at dumapo naman ang lamig ng electric fan sa mga binti ko.
"Opo..." Ungol ko.
"Ay susmaryosep! Bumangon ka na diyan, dahil hindi na uli ako babalik para gisingin ka!" Naramdaman ko siyang lumalayo papunta sa pintuan ko. "Bilisan mo na!" Sigaw niya bago niya tuluyang isarado yung pintuan ko.
Nag-inat muna ako at nagkusot na mata saka bumangon at paliko-likong naglakad palabas ng kwarto ko papunta sa banyo.
Wala pang ilang minuto ay sunod-sunod na katok na ang nadinig ko. "Kuya Enzo! Bilisan mo, male-late na ko!" Sigaw ng isang boses ng batang babae sa labas.
"Kapapasok ko lang diba? Edi sana nauna ka nang maligo!" Sigaw ko sa kanya pabalik. Nag-tuloy na ako sa pagliligo habang sigaw lang siya ng sigaw sa labas.
Nang matapos na ako ay nagulat siya nang bukasan ko ang pinto. Agad niya akong nginitian at binati ako. "Good morning," saka siya tumawa at nagdire-diretso sa loob ng banyo.
Bumuntong hininga nalang ako at pumasok na sa kwarto ko para magbihis. Matapos kong mag-bihis at mag-ayos ng gamit ay lumabas na ako at naupo sa kusina para mag-almusal.
Naabutan ko pa si tiyang na aligaga sa pag-aayos ng mga baon ng mga anak niya. Sa totoo lang parang ate lang ang turing ko sa kanya. More or less nasa sampung taon lang ang pagitan namin dahil maaga nabuntis ng ng gwapo kong ama na pinagmanahan ko ng lahat ng kabutihang meron ako, ang magaling kong ina na iniwan kami ni Papa noon at hindi ko na alam kung nasaang lupalop na siya ng mundo.
Itong si tiyang na mas nakakabatang kapatid ni Papa ang nag-aalaga sakin ngayon dahil nauna na si Papa sa paraiso. Si Tiyang na may dalawa nang makukulit na anak, at dumagdag pa kong gwapo niyang pamangkin. Si kuya na asawa ni tiyang ay nagtatrabaho sa isang oil rig sa abroad.
"Tiyang, kain ka na," alok ko sa kanya.
Saglit niya akong tinignan at bumaling uli sa pag-aasikaso sa kusina. "Sige lang. Bilisan mo nang kumain at pumasok ka na."
Sumubo na ako at binilisan ang pagkain saka ako nagpa-alam sa kanya.
"Una na ko Tiyang," hinalikan ko ang noo niya at tinanguan niya ako saka ako binilinan na mag-ingat.
Naabutan ko sa labas ng classroom yung iba kong mga kaklase dahil hindi pa dismissed yung klase sa loob. Sinalubong naman ako ng mga tropa ko na parang mga tangang aligaga na naghahabol mag-aral para sa long quiz namin ngayon.
Naupo nalang ako sa tabi nila at nakigulo na din. Oy nag-aral ako. Di ako pwedeng magpabanjing-banjing lang. Iskolar ako ng tiyahin kong hulog ng langit. Nakikigulo lang talaga ko sa tropa para fun-fun.
Maya-maya ay nadinig ko ang hele ng mga anghel sa langit at pagtingala ko ay nakita ko ang isang kapwa-anghel nila na naglalakad papalapit samin habang tumatawa kasama ang kanyang girly girl friends.
Nag-slow mo nanaman yung paningin ko habang naglalakad siya papalapit. Nasilaw ako bigla sa kagandahan niya at napa-nga-nga nalang sa pagtitig. Grabe, ang ganda niya talaga.
Unti-unti na siyang lumalapit at para akong nahahandugan ng sandamakmak na bulaklak. Ang bango niya pati. Malayo palang siya, amoy mo na yung bango niya.
At nung dumaan siya sa harapan ko, parang dumaan si Aphrodite sa harapan ko at inisnob lang ako. Di siya suplada. Di niya lang talaga ako napansin. Kasi di naman ako nagpapapansin. Ang ganda niya talaga, sobra.
BINABASA MO ANG
Deceitful
General FictionPaano kung ang isang bagay na tanging nagpapabangon sa'yo araw-araw, ay hindi pala yoong bagay na inaaakala mo? Si Daniel Lorenzo Angeles ay isang dakilang lover boy. Anak ng pinakamamahal niyang ama at nang ina niyang magaling na hindi na matagpuan...