Chapter 8: Moving On Part 2

12 2 0
                                    

*Chandria's P.O.V.

Day 2 ng moving on. Kaya ko ito!!!!

Itapon lahat ng nagpapa-alala kay Stanley and keep away from places na nagpaparemember kay Stanley and NEVER SAY THE WORD STANLEY, if not avoided, you must face consiquences.

Waw.... ang galing din nitong si Andrea, gusto niya atang itapon ko ang mga ibinigay sa akin ni Stanley.

"A-eh p-pwedeng itago ko nalang o ilagay sa box at ibaon sa lupa?, para di ko makita?" Pajoke na sabi ko.

"Ok" seryosong sabi niya. Nakoooo mukhang di na mabiro tong si Andrea.

"A-e s-sigurado ka? I-ibabaon sa lupa?" Grabe na talaga tong si Andrea.

"Oo, bakit hindi ba pwede?" Waw, bigla lang siyang nagseryioso ngayon.

"P-pwede"

"Simulan na natin" sabi niya. Sinimulan na namin sa bahay. Kinuha niya lahat at linagay sa box.

"T-teka, sure ka na ba na ibabaon natin yan?" Tanong ko.

"Oo" siguradong sagot niya.

Matapos namin ibaon ang mga gamit na nagpapalala kay Stanley, Sinimulan na namin ang sunod sa check-list.

Eat sweet foods with Andrea...

Alam kong gusto ni Andrea ang part na'to...

"Ok, bilang balato mo sa mga ginagawa ko, kumain tayo" sabi niya. Haha sabi ko na nga ba eh, gusto niya talaga ang part na'to.

"Sige, dun tayo sa moonbox mag snack" sabi ko

"Owkay!!!!" Sinabi niya na pataas ang intonation ng KAY. Sinimulan na naming maglakad papunta sa moonbox.

"CH-CHandrie, B-balik tayo gusto mo?" Tanong ni Andrea na nakatingin sa isang direksiyon.

"B-bakit?" Sabay tingin sa direksiyon na tinitingnan niya, at dun nakita ko si Stanley.

"Ano? Babalik tayo?" Sabay turo sa likod niya.

"Wag, kaylangan hindi tayo mailang, isipin natin na normal lang siyang tao. Nothing more, nothing less."

"Ok" sagot niya at dumirecho na kami sa paglalakad. Habang naglalakad kami, ramdam ko na nakatingin pa rin siya. Binilisan namin ang lakad hanggang sa makarating na kami sa moonbox.

"Ako na ang oorder" sabi ko habang papunta sa counter at iniwan si Andrea na nakaupo sa table.

Nang naka-order na ako umupo narin ako sa harap ni Andrea.

Nang makarating na ang order namin, kumain agad si Andrea at halata naman na gutom na siya. Pinagmamasdan ko lang siya

"Andrea salamat ha?" Sinabi ko sa kalagitnaan ng silence.

"B-bakit naman?" Nagtatakang tanong niya.

"Kasi dahil sa ginagawa mo, para ka na ngang beer sa buhay ko e"

"Bakit naman?" Nakangiting tanong niya.

"Kasi dahil sayo, nakakalimutan ko ang mga problema ko, sumasaya ako sa maikling panahon at nagiging confident ako na malalampasan ko ang lahat ng pagsubok sa buhay ko"

"Aba! Ang galing mo din sa ganyan ha?!" Impressed na sabi niya.

"Hehehe thank you talaga"

"Your welcs" sabi niya.

At ipinatuloy nanaman namin ang pagkain.

"Chandrie bakit hindi mo iexplain kay Stanley ang nangyari?" Sinabi niya out of the blue.

My Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon