*Chandria's P.O.V.
I'm on my way to manila, ayoko nang makialam sa buhay ni Stanley. Umalis ako ng umiiyak and I promise to come back fine. Masakit at kumikirot, pero tama naman si Kathrene I need to step out of Stanley's life, kasiyahan na nga lang ng anak nila ang hinihiling ni Kathrene, ako pa ang sisira. Habang bumibiyahe ako iniisip ko kung anong problema nanaman ang haharapin ko.
But this time I'm ready to accept everything without running. Nagvibrate ang phone ko.
From Stanley:
Nasaan ka na babe? Ba't wala kana dito sa hotel?
Hindi ko na nireply, gaya nga ng sabi ko, I'LL STEP OUT OF HIS LIFE at paninindigan ko toh! Kakayanin ko to...
Nakarating ako sa bahay, nakita ko si mommy nakaupo at umiinom ng kape. Nang nakita niya ako hinug niya ako.
"Anak, where have you been, I'm so worried, I'm ready to help you find your twin, just trust me this time. Nagpadala narin ako ng mga investigator para hanapin ang twin mo" sunod sunod na sabi niya.
Nagpasalamat ako sa kanya, atleast that way gumaan ang pakiramdam ko, dahil this time may katuwang na ako sa pagsubok na ito. Ilang araw nalang magpapasukan narin kami.
Pumunta ako sa table ko para ayusin ang gamit ko, habang inaarrange ko ang books ko nalaglag ang isang envelope na binigay ni Andrea. Hinawakan ko ang envelope, and I know nakita ko na to, I just don't know when and where, tinitigan ko ang envelope, biglang may pumasok sa room ko, it's my mom. Nagulat ako kaya nalaglag ang envelope.
"Anak nandito ang investigators, at meron na silang info. About your twin" bumaba ako para malaman ang info.
"A ma'am may isang tao pong nakakaalam kung nasaan ang kakambal mo, according sa research namin si Flerida Santos ang nakaka-alam kung nasaan ang kakambal mo dahil ayon sa source namin siya ang naging katulong ng mag-asawang umampon sa kakambal niyo"
"S-salamat" masaya ako dahil atleast may kaonting impormation ako sa kapatid ko. Gusto ko siyang mahanap dahil malaki ang parte niya sa buhay ko at pagkatao ko, baka siya rin ang makasagot sa kung ano ang nangyare sa amin dahil nung bata pa kami kinausap daw kami ng isang babae na di umano'y nanay daw namin, nakalimutan ko dahil sa amnesia ko. Umalis narin ang mga investigator at bumalik na ako sa kwarto ko. Nagvibrate ang phone ko...
From Stanley:
Babe? Nasaan ka, Im really worried
Rereplayan ko na sana pero hindi pwede, binuksan ko ang phone ko and tinapon ko ang sim card ko. Yun lang kasi ang magagawa ko para maiwasan siya.
##############
Ilang weeks na ang nakalipas, simula nung naka-uwi ako sa Manila. Medyo masaya na naman ako sa buhay ko despite sa mga nangyari. And hindi ko rin minamadali ang paghahanap sa twin brother ko kasi I know things will happen if it's meant to happen. Ok narin ang kalagayan ni lola, as in stable.
" Anak!! May bisita ka!" Sigaw ni mommy.
"Ok" inayos ko muna ang buhok ko. Nang bumaba ako nakita ko si Stanley, bumalik ako sa itaas at nilock ko ang room, by that way maiiwasan ko siya.
"Babe! Buksan mo to please! Tinatawagan kita hindi ka sumasagot, ni isang reply sa mga txt ko wala" Sabay katok sa pinto.
"Go away! I don't need you!" Sigaw ko, hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. Ganun pala kasakit pag pinagtatabuyan mo ang taong mahal mo.
"W-wait, kaya natin toh, ikaw, ako, tayong dalawa, kung ano ang problema mo, just let me in your life at matulungan ka sa kung ano ang hinaharap mo ngayon." Sunod-sunod na sabi niya.
"Stanley! Wala nang TAYO, there's no you and I cuz I'm breaking up with you! I hope you'll understand, go and be a good father to your son, mas kaylangan ka niya, more than I need you. Just go, I don't want to see you again" habang sinasabi ko ang mga salitang yun kumikirot ang dibdib ko.
"Babe! Ano ang nangyayari sayo, I will only accept that break up, pag may acceptable reason ka!, you cant do this, alam mong mahal kita, at di ko kayang iwan ka!"
"Just Go!"
"Hijo, umalis ka muna, kausapin mo nalang pag ok na siya" narinig kong sabi ni mommy.
"P-pero--" pagbabakasakali ni Stanley
"Sige na hijo, hindi parin kayo magkaka-usap niyan"
"S-sige po, mauna na po ako"
"Sige hijo"
Masakit dahil wala na ngang kami, pero yun lang ang naisip kong paraan para iwasan niya na ako.
Hiniwalayan ko siya hindi para kay Kathrene, para sa anak nila dahil alam ko na kung ako ang nasa sitwasyon ng bata malulungkot din ako.
Mabuti na ang maglet go, atleast ako lang ang nasaktan, kaysa naman maghold-on na marami naman ang masusugatan. I think my life is a big joke.
Pero handa akong harapin iyon dahil alam kong malalampasan ko ang lahat ng iyon.
##############
Tatlong araw na ang nakalipas, wala akong gana sa pagkain. Hindi rin ako makatulog sa gabi dahil iniisip ko parin siya.
Minsan nagdradrawing ako para makalimutan ang problema. Pinuntahan narin ako ni Gracie sa bahay, nag-usap kami ng medyo matagal, at ngayon nandito si Andrea.
"Best? Ano ang problema, hindi ka nanaman pumasok kahapon?"
"A-eh wala akong gana e"
"Bakit? Dahil ba sa break up niyo ni Stanley?"
"H-hindi, ginawa ko lang ang dapat."
"So, kung tama ang ginawa mo, bakit ang tamlay mo?"
"Dahil, gusto kong mahanap ang twin brother ko"
"Really? O baka naman nilet go mo na siya physically pero kaylan man hindi mo pa siya nalelet go jan" sabay turo sa dibdib ko.
"H-hindi, masaya ako dahil nilet go ko siya. TAPOS." Pagmamatigas ko.
" O baka, sad kapa dahil hindi mo ginusto ang ginawa mo sakanya?"
"Baka" mahinang sabi ko
"WOW!!! AND THE AWARD GOES TO CHANDREA!!!! Girl alam mo ba ang ginagawa mo?, nasasaktan kana sa mga pinag-gagagawa mo e"
"Kakayanin ko to OK? Tiwala lang."
"CHANDREA GISING!!! Dahil ba'to sa anak niya? O dahil sa EX niya?!"
"Both" sabay yuko
"Chandrea, sabihin mo, sure ka na ba sa ginagawa mo?"
"Oo" mahinang sabi ko
"Yan ang decision mo kaya yan din ang desision ko" sabay hawak sa kamay ko.
"Thank you" sabay hug sa kanya.
"Susuportahan kita sa lahat, dahil bestfriend kita, at tutulungan kitang maka move-on dahil gusto kong maging masaya ka" nagpapasalamat talaga ako sa diyos dahil nakilala ko si Andrea. Sa ginawa niya gumaan ang pakiramdam at nagkaroon ng lakas ng loob sa lahat.
BINABASA MO ANG
My Only You
Teen FictionWill you let go with the past if you know it's never the end? Mahal mo man ang isang tao dapat bang ilet go mo siya dahil sa tingin mo yun ang tama at ang makakabuti sa inyong pagsasama? What if there's something in the past that cannot be undone? W...