FanGirl [Binnie's Story]- Part 1/2

92 5 1
                                    

Bae Yoo Bin a.k.a Binnie. Normal Teenage Girl who loves Kpop. Oo, Kpop is life.


Lots of boys involve in my life but sadly, ni hindi nga nila ako kilala. Yes, I was talking about my Biases.


Sinong Bana? Ako. Sinong Starlight? Ako. Sinong Exo-L? Ako. Sinong Aroha? Ako. Sinong Inspirit? Ako. Sinong Army? Ako. And so on. Sa sobrang dami ni hindi ko namalayan, ang talino ko pala sa pagmemorize ng mga pangalan, kanta, album, birthday, favorite ant kung ano-ano pang related about sa kanila.


Not to mention na top 1 pa ako sa klase. Hanep diba? Puro Spazz lang naman ako pero di ko din namamalayan na nag-aaral nga pala talaga ako ng maigi. Syempre sabi ni Bias, aral ng mabuti. Magkikita pa kami! Ah, lagi nga pala kaming nagkikita! Nakakalungkot lang kasi isa lang naman ako sa milyon-milyon niyang babae!


"Binnie! Binnie!" Tawag ni Ate Hyo Jung.


May isa pa pala akong ibubulgar! Ang sipag ng magulang namin, akalain mong may walo silang anak!


"Bakeeet?"


"Kunin mo nga yung gunting sa kwarto ko."


"Binnie! Pupunta ka na rin naman pala, kunin mo na rin yung libro ko!"


"Paki-kuha na rin nung eraser ko Binnie, Thank youu~"


Napapa-irap na lang ako dahil bakit ba ako inuutusan nila? Ni hindi na lang sila tumayo at pumunta sa mga kwarto nila?!


Nakita ko si Arin na bababa pa lamang ng hagdan. "SANDALI ARIN!" sigaw ko at nagulat naman siya.


"Bakit po?"


"Huwag kang gagalaw!"


"H-ha?"


"Dahil ikaw na man lang ang nandiyan malapit sa mga kwarto natin, kunin mo daw yung libro ni JinE, Eraser ni YooA, at gunting ni Mimi. Mabait ka kasing bata hehe. Salamaaat Arin~ Ililibre na lang kita mamaya." at nagflying kiss lang ako sabay takbo palabas ng bahay.


Ba't nga ba ako lumabas ng bahay? Ah! Para tumakas. Kawawang Arin, tsk. Mabilhan nga yun ng paborito niyang Ice Cream.


Di bale ng maraming kapatid basta ba't masaya at mababait sila. Except na lang pag nag-o-open up na sa Kpop. Lahat po kami ay nababaliw at kahit parents namin hindi na kami matitigil dahil sa ingay ng agawan, bangayan, at minsan umaabot pa sa pagpupunit ng kani-kaniyang poster sa kwarto.

Oh My Girl's One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon