Dearest - Seunghee's Story [Last part]

66 3 7
                                    

[Continuation]



Sandeul's POV



Nakarating na kami sa ampunan. Ba't nga ba hindi ko naisip na puntahan 'to?



"Jung Hwan-ssi."



"Sister." 



"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.



"Ano po... 'yang...pumunta po ba dito si Seunghee?" tanong ko. Bigla niya namang iniwas ang mga mata niya.



"Ano...kasi..."



"HYUNG!" sulpot naman ni GongChan.



"Bakit?"



***



Sa di kalayuan, nakikita ko siya.



Sa di kalayuan, niyayakap niya ang mga bata.



Sa di kalayuan, umiiyak siya.



"She has Alzheimer's Disease. Ayaw niyang sabihin ko 'to sayo pero...wala na siyang iba pang makakasama kundi ikaw lang. Please, take care of her."



As I wipe my tears, napansin kong napansin niya na rin  ako. Naglakad ako sa direksyon niya...



"Seunghee..." sambit ko sa pangalan niya. Tinignan niya lang ako sandali...



"Sino ka po?" Again. Tatlong salitang mas masakit pang marinig mula sa taong mahal mo. Tatlong salitang mas masakit pa sa 'Let's break up'.



"O! Ajhussi!" natawa lang ako. Ahjussi pa rin tawag nila sa akin. Yung mga bata...



"Ahjussi?" tanong niya. Nginitian niya ako at ilang sandali rin ay nawala ang mga ngiti niya sa labi.



"Jung Hwan-ah" kasabay nito ay ang mga luha niyang naguunahan na naman sa pagdaloy.

Oh My Girl's One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon