Chapter 2

1 0 0
                                    

Maxine's POV

Tae naman oh. Nagpapakilala ako tas biglang sisigaw si Maam. Sino ba kasi itong Mr. Gonzales na ito na ang lakas ng loob mangdistorbo sa pagpapakilala ko?

Nilingon ko siya and what the hell?! Siya ang nambulabog ng pagpapakilala ko? Yung gwapong lalake na nakabungo saken kanina. Siya yun. Kung minamalas nga naman.

"I'm sorry Maam" da hell?! Marunong naman pala siyang magsorry eh. Bat saken kanina di niya ginawa yan? Ano to? Gaguhan? Tangna!

"Okay Miss? Argh. Just continue."

"Hello! Ako nga pala si Maxine Angel Lazaro. 16 years old. Nice to meet you!"  ayan tuloy nawalan na ako ng gana. Peste kase!

"Okay. So sa mga tranferees makukuha niyo ang uniform niyo by next week. And dahil first day ngayon wala munang discussion okay? Goodbye class."  buti naman at wala pang discussions ngayon.

"Aira! Tara punta na tayong canteen." 5 minutes pa man bago magbell pero lumabas na kami ni Aira.

"Ugh! Kainis! Bat ba naging kaklase pa natin siya? Tangina lang!" reklamo ko. Nilingon ko si Aira at nakita ko yung reaksyon niya alam ko naguguluhan yan.

"Huh? Ano ba yang sinasabi mo? Sinong kinaiinisan mo dahil naging classmate natin siya?" tanong ni Aira

"Ahh! Kase kanina nung hinahanap natin yung bulletin board may nakabunggo saken ayun napaupo ako pero wala man lang sorry sorry yung hinayupak na yun. Tas ang kapal niya pang sabihan ako na pinagnanasahan ko siya. Kadiri ha!"

"I'm sure siya yung guy na nalate kanina noh? At ang kinaiinis mo ay yung pagpasok niya habang nagpapakilala ka? Am I right or Am I left?" pano niya nalaman? Eh hindi naman niya nakita yung hinayupak na yun kanina?

"Di ko nga nakita nung nabunggo ka niya personal na nakita ko naman siya kanina sa classroom. Engot ka ba?! Saka halata kaya sa pagmumukha mo na badtrip na badtrip ka."  ay? Mind reader? haay. Wala na talaga akong maitatago dito sa bestfriend ko.

"Oo na siya na. Gwapo na sana pangit naman ng ugali." nakarating na kami sa canteen naghanap na kami ng mauupuan nang makahanap na kami inutusan ko na si Aira ang magpila kase badtrip ako baka mamaya eh may sumingit jan baka makasapaka ako.

Inilibot ko yung tingin ko sa loob ng canteen. Tae. Ang ganda ng canteen nila ang luwang tas para kang nasa isang café na restaurant. Pero sa kasamaan palad may nahagip ang aking mahiwagang mata. Pucha. Yung walang hiyang hinayupak na yun nakatingin saken. Nandun sa sa malapit sa counter at nakita ko na papunta na dito si Aira.

Nakita ko kung paano ngumisi itong hinayupak na ito. Bigla na lang natumba sa Aira. Napatayo ako sa nakita ko. Tangina. Wag yung bestfriend ko. Lumapit ako dun at tinulungan na makatayo si Aira. Wala na yung pinamili niyang pagkain namin. Tsk.

"Ayos ka lang ba bes?" tanong ko kay Aira.

"Ayos lang bes. Sandali ha?" lumayo siya saken at lumapit dun sa hinayupak na yun.

"Oh? Ilang minutes na ang nakalipas wala pa rin?" tanong ni Aira sa lalake.

"Huh? Anong wala parin? Nagaadik ka ba?" sagot din nung lalake.

"Max! Diba siya yung nakabunggo sayo kanina? Diba?" tanong sakin ni Aira. Tumango naman ako. Alangan naman itanggi ko pa. Ano yun gaguhan?

"Oy! Ano?! Wala?! Wala talaga?!" sumigasigaw na si Aira. Hahaha. Warfreak talaga tong babaeng to. Ako rin naman kaso tahimik akong makipagaway. Yung bang hihintayin ko munang mapuno ako bago ako babanat o kaya'y iinisin ko muna.

"Wala nga Miss! Ano ba pinasasabi mo?" nakisigaw na rin yung lalake.

"Tangina! Sorry lang di mo pa masabi? Ayos ka rin noh?! Sorry ha?" sabay walk out ni Aira. Tss. Iniwan ako ng gaga. Tinititigan ko pa rin yung hinayupak na to.

"Oh?! Anong itinitingin tingin mo jan?!" Takte. Makasigaw ha! Nginisihan ko lang siya saka naglakad papuntang coubter para bumili ulit ng makakain. Tangina kasi.

Nang makabili na ako naglalakad na ako papunta ke Aira ng nakita kong nakangisi yung gagong lalake. Huh. May binabalak nanaman ito. Nginisian ko lang siya saka nagiba ng dadaanan. Bale parang inikot ko yung buong canteen makaabot lang kay Aira.

Nang makaupo na ako tinignan ko si Aira ang sakit ng tingin saken.

"Oy! Wag mo kong tignan ng ganyan wala ako kasalanan sayo."

"Nakakainis lang kasi yun! Banas!"

"Bes, hindi lang ikaw ang naiinis. Nandito pa kaya ako. Ako nauna."

"Bes, gusto mong bumawi?" tanong saken ni Aira. Why not? Isa pang pangaasar niya makakatikim na talaga siya.

"Sige, pero hintayin muna natin na mangasar pa siya. Makakatikim na rin yun" may pagkawarfreak talaga kaming magbestfriend. Pero saka lang naman kami mangaaway kung alam naming mali yung ginagawa nung tao o kaya ay may binubully siya tumutulong kami. Marunong rin kase kaming makipaglaban ni Aira. Pano kami natuto? Basta mahabang story.

Nung natapos na kaming kumain bumalik na kami sa classroom sakto naman at kararating lang nung teacher.

"Hello class! Ako si Bb. Lorna Lencio. Ako ang teacher niyo sa Filipino subject. So since its first day naman magpapakilala muna kayo."

Naknampucha oh. Pakilala nanaman? Diba pwedeng siya na lang magpakilala o kaya ay sasabihin na lang namin pangalan naman habang nakaupo wag na yung pumupunta sa harapan.

Maghapon na ganun ang nagyare. Nung tumunog na yung bell tumayo na kami ni Aira at nagayos ng gamit nang biglang lumapit samin yung isa naming classmate na babae.

"Uhmm. Hi! Pwede makipagkaibigan?" tanong niya.

"Uhm. Sure. Tara sabay na tayong lumabas. Magkwentuhan muna tayo."

Nang lumabas kami pumunta kami sa garden at umupo sa damuhan. Nagkwentuhan kami ng kung ano anong bagay.

"Ah. Oo nga pala. Nakita ko yung nangyare kanina sa canteen. Kakabilib ka Aira. Kayong dalawa pa lang ang kumalaban dun kay Grey. Nakahanap ng katapat." so ibig sabihin talagang bully na yung gagong yun? Grey? Parang narinig ko na yun ewan ko lang kung saan. Since brining up niya yung issue na yun. Magtatanong na tanong na nga rin ako. Para may kaalam alam na naman ako sa gagong yun.

"Ano ba pangalan niya?" tanong ko ke Hannah.

"Siya si Grey Ethan Gonzales. Anak siya nang may ari ng Gonzales Corp. Rich kid. Gwapo pero bully. Mabait rin naman kung close kayo."

Bakit parang familiar yung pangalan niya? Bat parang narinig ko na dati? Aissh. Bat ko ba prinoproblema? Ano bang pakealam ko sa gagong yun? Tae lang.
----------------------------------------------------------------- Sabaw! Sorry! Namemental block ako! :)



I Will Always WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon