"HINDI, miss, " pagtatama ng ale. "Naka-motor din kasi 'yung snatcher kaya siguro akala mo siya."
Napakagat siya sa lips niya habang nakatingin pa rin sa lalaking napailing-iling na lang.
"Sige, ha, dadalhin na namin 'to sa presinto," paalam ng babae at umalis na kasama ang pulis at ang totoong snatcher.
Hindi pa rin makakilos si Rain habang nakatingin sa lalaki. Sa hiya, wala na siyang masabi. Listo na lang niyang niyang inayos ang motorsiklo niya, sumakay rito at pinaharurot iyon palayo sa lalaki.
"Thank you!" sigaw nito. "Salamat sa suntok mo!"
Muli siyang napakagat sa labi. Hiyang hiya siya. Pero hindi niya mapigilang hindi pangarapin na sana muling mag-krus ang mga landas nila at doon pa lang siguro siya makakahingi ng sorry. Iyon ay kung may mukha pa siyang maihaharap dito pagkatapos ng mga nangyari.
"HINDI KA na virgin?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Mandy matapos maikuwento ni Rain ang mga nangyari. Nasa restroom na sila at pilit na nitong inaalis ng wet tissue ang mga duming kumapit sa dress niya. Bigla tuloy napatingin sa kanila ang ibang mga nasa ladies room.
"Mandy naman, 'yang boses mo," nahihiyang saway niya sa kaibigan na anak ng best friend ng mama niya at ninang niyang si Crizzy. Minana rin nito ang pagiging kikay ng mama nito.
"Sorry naman. Ang ibig kong sabihin, hindi na virgin ang lips mo?"
"'Di ka naman nakikinig, eh. Sabi ko, muntik na akong mahalikan pero hindi natuloy."
"Eh ba't parang nanghihinayang ka? Guwapo, no?" napakindat pa nitong biro.
"Hindi, no! Tsaka, may pagka-bastos 'yun. Ayoko ng pag-usapan 'yun. Mabuti pa pumunta na tayo sa multipurpose hall. Sina mama at papa nand'yan na ba?"
"'Yung mama mo pa lang. Are you sure dadating si Tito Sidd? Parang hindi naman. Sa taas ng pride ng parents mo, I'm sure hindi na nila gugustuhin pang makita ang isa't isa."
Bigla siyang nalungkot sa sinabi ng kaibigan. May maiksing alaalang sumagi sa isip niya. Parang nakikita pa niya ang mama at papa niya, sina Louella at Sidd. Masayang magkayakap nang magkabalikan ang mga ito nuong thirteen years pa lang siya.
"MAHAL DIN kita, Sidd. Kahit kelan hindi nawala 'yun. Wala na akong ibang minahal kundi ikaw," luhaang sabi ni Louie at hindi nito napigilan ang sariling hindi yakapin nang mahigpit si Sidd. Niyakap din ni Sidd si Louie. Mas mahigpit. Habang nanonood sa mga ito si Rain na nakangiti pero nag-uunahan din sa pagpatak ang luha sa mga mata. May ngiti sa mga labing inabot ni Louie ang pisngi ni Rain at pinahiran ng luha. Lumuluhang yumakap siya sa mga magulang niya na nagkahiwalay man noon pero nagkabalikan din.
"Hindi ka na aalis sa tabi namin, Louie," sabi ng daddy niya habang masuyong hinahaplos-haplos ang buhok niya.
"Hindi mo na kami iiwan ulit, Mama," luhaan namang sabi ni Rain.
"Hindi na," sagot ni Louie. "Hinding-hindi ko na mahahayaang mawala pa ang tanging kaligayahan ko. Kayo." At mas hinigpitan pa nito ang yakap sa kanila ng papa niya. Naisip niya noon, wala nang kasingsaya ang mga susunod na araw para sa kanya dahil kapiling na niya ang dalawang taong pinaka-importante sa buhay niya. Ang mama at papa niya. Wala na siyang mahihiling pa.
PERO NOON iyon, naisip ni Rain nang magbalik siya sa present. Natagpuan niya ang sarili na malapit na sa mama niyang si Louie na nakaupo sa audience area sa harapan ng stage sa multipurpose hall. Nag-mature man ang mukha, hindi nawala ang kagandahan ni Louie. At kung may nawala man, iyon ang saya sa mukha nito. Ang ngiti.
Nabuhayan siya ng loob nang matanaw niyang paparating ang papa niya. Hindi pa rin ito nakatiis na hindi panoorin ang presentation niya. Guwapo pa rin at batang tingnan ang papa niya. Pero kagaya ng mama niya, wala na rin ang sigla nito. Nang makita ang mama niya, hindi ito lumapit. Sa ibang upuan ito naupo, malayo sa mama niya. Hindi na nga siguro maibabalik ang masayang pagsasama ng mga magulang niya. Malabo na.
A year ago, masayang masaya pa sila kasama si Trisha, ang little sister niya na five years old noon. Ang bunso niyang kapatid. Ang munting prinsesang nagbigay ng tuwa sa pamilya nila. Walang umagang hindi sila naging masaya.
Pero nawala ito... nawala ang anghel na nagbigay ng kulay sa mundo nila.
"Trish..." bulong niya sa mga matang pinanlabo ng luha.
Parang nakikita pa niya ang cute na cute na si Trisha na nakatayo sa harapan niya at pinupunasan siya ng luha. "Don't cry na, ate," malambing nitong sabi. "Okay lang kung di ka like ng crush mo. Basta I'm here. I will always love you. Gusto mo buy na lang tayo ng ice cream?" At saka siya nito pinupog ng halik.
Tuluyan nang nalaglag ang luha ni Rain sa pagkakaalala kay Trisha.
"I hate you!!!" parang naririnig pa niyang sigaw ng mama niya.
"Ikaw pa ang may ganang magalit sa akin?" ganting sigaw ng papa niya. "Kasalanan mo 'to dahil pabaya kang ina! Kagaya nu'ng pinabayaan mo si Rain! Kasalanan mo kung bakit nawala si Trisha! Kasalanan mo!!!"
Parang mabibingi si Rain sa sigawan ng mga magulang kaya napatakip siya ng mga kamay sa magkabilang tainga.
Wala na si Rain. Wala na ang anghel na nagpasaya sa pamilya nila. At kasabay ng pagkawala nito, ang pagkawasak ng pamilyang pinangarap niya.
***
BINABASA MO ANG
Minsan May Isang Musmos Na Puso Book 2
RomanceNakitawa at naki-iyak tayo sa kuwento ng pag-iibigang Louella at Sidd sa MInsan May Isang Musmos Na Puso. Sana ay matutunan din nating mahalin ang kuwento ng pag-ibig ng anak nilang si Rain. Si Rain na kung kumilos ay parang lalaki, hindi pa nakakat...