CHAPTER ONE

1.5K 24 20
                                    

"PARATING NA!  Lumilipad na nga, eh!" 

Halos lumipad na nga ang motorsiklong minamaneho ni Rain habang kausap niya sa cellphone ang kaibigang si Mandy.  Sa sobrang tulin ng takbo, halos sumabit na siya sa mga sasakyang hindi makausad sa traffic.  

Nakasuksok sa may parteng dibdib niya ang cellphone niya.  Nakakabit sa cellphone ang earphone niya na siyang ginagamit niya habang kausap si Mandy.  Pero kung pinagtitinginan man siya ng mga tao ngayon sa kalye, hindi iyon dahil sa tulin ng takbo niya.  Dahil iyon sa suot niyang evening dress habang nagmamaneho ng motorsiklo.

"Oh my God, gurl, mag-i-start na ang presentation!"  tinig ni Mandy sa kabilang linya ng cellphone.  Best friend niya ito sa pinapasukang university.   Pareho silang first year sa kursong BS in Mechanical Engineering.  "Are you sure makakahabol ka pa?"

Sasagot pa sana si Rain nang may maririnig siyang malakas na sigaw.

"Tulong! Snatcher!  sigaw ng babae sa gilid ng kalye.  Mangiyak-ngiyak na ito.            Kahit nagmamadali, hindi pa rin matiis ni Rain ang babae.  Kaya tinapos muna niya ang pakikipag-usap kay Mandy at itinigil ang motorsiklo sa harapan ng babae.  

Inalis niya ang helmet at kinausap ito.  "Ano hong nangyari?"

"Yung bag ko in-snatch nung naka-motor!" napaiyak nang sagot ng babae, sabay turo sa papalayong lalaking nakasakay rin ng motorsiklo.  "Nandu'n lahat ng pampa-ospital ko sa nanay kong may sakit, eh!"

"'Wag na ho kayong mag-alala.   Ako nang bahala sa ungas na 'yun!"  

Iyon lang at muling pinaharurot ni Rain ang motorsiklo.  Pero sa pagkakataong ito, hindi upang habulin ang dadaluhan niyang event kundi para sundan ang snatcher.  Hindi lang isang beses na nangyari ito.  

Bata pa lang siya ay inis na siya sa mga magnanakaw.  Nagkita silang muli ng mama niyang si Louella na inakala niyang nang-iwan sa kanila ng papa niya nang minsang nanakawan din ito.  Siya ang humabol sa snatcher at dahil dito ay nagkalapit sila ng mama niya.   Wala siyang kamalay-malay noon na ina na pala niya ang natulungan niya.

Mas matulin pa sa takbo ng motorsiklo niya kanina ang takbo ng motorsiklo niya ngayon.  Hanggang sa mapantayan niya ang motorsiklong itinuro ng babae.  "Huy, tigil!  Ibalik mo 'yung bag nu'ng ale!"  

Sinulyapan lang siya ng nagmamaneho.  Hindi niya nakikita ang mukha nito dahil kagaya niya ay naka-helmet din ito.  Sa halip na pakinggan siya ay parang mas binilisan pa nito ang pagpapatakbo ng motor.

"Nanghahamon ka, ha?!  inis niyang sabi, sabay mas binilisan niya ang pagpapatakbo ng motor.    Lumiko sa maliit na iskinita ang snatcher.  Lumiko rin siya.  Kumanan ito sa isa pang iskinita, sumunod pa rin siya.  

Dahil sa ginagawa nito ay lalo lang siyang nainis at nanggigil na maabutan ito.  At kapag naabutan niya ito, hindi lang isa kundi isang milyong suntok ang ipapatikim niya rito hanggang sa mawasak ang mukha nitong hindi na mareremedyuhan ng kahit na ano pang reconstructive surgery.

Pagdating sa mas maluwag na kalsada at ayaw pang huminto ng lalaki, buong tapang na niyang binunggo ang motorsiklo nito sa tagiliran.   Pero mukhang wala talagang planong huminto ang lalaki.  Inulit niya ang pagbunggo pero hindi sinasadyang napalakas ang bunggo niya. Pareho tuloy silang nawalan ng kontrol sa pagmamaneho.  

Hanggang sa halos sabay pa silang tumilapon sa gilid ng kalsada.   Pareho ring tumalsik ang mga helmet na suot nila.   Pahiga ang pagbagsak nito at siya naman ay bumagsak sa ibabaw nito.   

Ramdam niya ang sakit ng katawan niya dahil sa nangyari.  Pero hindi iyon naging dahilan para hindi niya singilin ang lalaki sa atraso nito.  

"Nakita mo na ang ginawa mo?  Hindi ka lang nagnakaw, nakasakit ka pa—"  pero bigla siyang natigilan nang mapagmasdan ang mukha ng lalaki.

Minsan May Isang Musmos Na Puso Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon