"Saan ba 'yan galing?"
"Kakaiba ang suot niya"
"Bakit siya nakahiga diyan?"
"Baka ipapatay siya ng prinsipe."
"Ipagdadasal ko ang kaluluwa niya"
Ugh... kaluluwa? Ipagdadasal? Prinsipe? T-teka?
"Ugh" napabangon ako at napaupo mula sa pagkakahiga ko sa Damuhan?! Pinagmasdan ko ang paligid ko, may mga taong nakatingin saakin na parang sinusuri ako. Nababakas ko sa mata ng mga bata ang matinding takot nang tumingin ako sakanila at nagkunot noo.
Kakaiba kasi ang suot nilang damit. Parang villagers sa isang Fairy Tale.
Ugh. Nababaliw nanaman ako.
"N-nasaan ba 'ko?" Tanong ko sakanila. Malawak na damuhan at mga bahay ang nakikita ko, sa bandang dulo ay malalawak na taniman.
"Nasa MarLia ka, taga saan ka ba? Ngayon ka lang namin nakita dito." Sabi ng isang matandang babae. Sasagot sana ako ng bigla silang nagsitabi at nagsi yuko. Sa paparating.
Sinenyasan ako ng isang babae na yumuko kaya ginawa ko. Nababakas sa mukha nila ang matinding takot, kaya natakot din ako. Ano bang meron? Paa ng kabayo ang nakikita ko. Mali mga kabayo at may mga bumaba mula rito.
"Tumayo ka" Rinig 'kong sabi ng isang baritonong boses ng lalaki. Ako ba ang kausap niya?
"Bingi ka ba? Ang sabi ko---" Nagangat ako ng tingin at nakita ko siyang humugot ng..
Punyetaaaaa! Baril?!
Tinutok niya iyon saakin kaya napapikit ako ng mariin.
"Gaius." Isang boses ng lalaki ang naring ko.
"Prinsipe..."
Naramdaman kong lumalapit saakin ang lalaking tinawag niya prinsipe, naka yuko parin ako at nakapikit. "Open your eyes." Ma awtoridad niyang sabi. Naamoy ko ang mabango niyang hiniga. Ibig sabihin malapit lamang siya saakin. Unti-unti 'kong iminulat ang mga mata ko at hindi nga ako nagkamali. Nakaluhod siya at magkatapat kaming dalawa.
Pair of two grayish eyes, black hair,perfect jaw line and fair white skin, pinkish lips, fierce. Oh shet! Ang gwapo niya! Yumuko ako at naramdaman kong hinawakan niya ng baba ko sabay angat nito para magpantay muli ang paningin namin. Nakaramdam ako ng pagkailang kung kaya't naitlak ko siya at lumayo ako.
"Lapastangan!"
"Gaius." Huhugot sana muli ng baril yung lalaking mukhang isang Knight, nang pigilan siya ng gwapong nilalang sa harap ko. Teka? Sino ba siya?
"Ako ang prinsipe ng bayang ito." Simula niya.
Ang sarap niya lang barahin na 'E anong pake ko?' ang kaso natatakot ako. Walang mababakas na emosyon sa mga mata niya, at tila bawat bigkas niya ng salita ay napaka mapanganib.
"P-prinsipe?"
"Oo. I am Prince Black Wynchester. Prince of MerLia." Sabi pa niya.
"Pfft... hanggang dito ba naman uso na ang pagsinghot ng Rugby?"
Tumayo siya.
I saw him smirked.
"Kill her." He commanded and the one named Gauis pointed a gun at me.
"W-wait, WHAAAAT?!"
Hanggang sa naramdaman ko nalang ang sakit sa kaliwang braso ko, and everything went black.
-----
Nagising ako sa isang malambot na kama. Malambot na kama?! Dapak! Buhay pa 'ko?
"AWW" Naramdaman ko ang sakit sa kaliwang braso ko at nakita ko itong nakabenda. Iyon parin naman ang suot ko. Yellow PJ's at sando. Nakita ko yung hoodie ko na nakapatong sa may lamesa.
Maya maya pa ay may pumasok na babae sa silid na kinaroroonan 'ko. Base sa suot niyang damit ay isa siyang katulong sa kung saan mang lugar narororon ako.
May dala siyang tray ng pagkain. "Kumain na po kayo." Sabi niya at inilapag ang tray sa isang maliit na lamesitang babasagin sa gilid ng kama, pagkatapos ay umalis din siya kaagad.
Pinagmasdan ko ang paligid ko. Malaki ang kwartong kinarororonan ko. Halata mong mayaman ang nagmamayari nito. Ang mga gamit ay parang mga antique pa.
NASAAN BA AKO?
*gruuu~*
Punyemas naman. Gutom na ko.
Tinitigan ko ang pagkain na mukhang masarap na nasa gilid ko. Hindi ko magawang kainin dahil ano bang malay ko kung may lason pala iyon? Kailangan ko munang malaman kung nasaan ako.
Tumayo ako at hinawi ang makapal na kurtinang bumabalot sa malaking bintana na narito. Hapon na pala. Kaya pala gutom na ko. Mula sa bintana ay tanaw ko ang mga kabahayan at malawak na taniman. May nakapalibot na napakataas na pader sa lugar na kinalalagyan ko. Mababakas kong hin diito simpleng bahay kundi isang mansyon. May mga parang knights na nakatayo sa isang napakalaking gate may malawak dding hardin sa lugar at malinis na paligid.
Naramdaman kong bumukas ang malaking pinto ng kwartong kinalalagyan ko. Nanatili akong nakatalikod sa pinto at naka harap sa bintana kung kaya't hindi ko alam kung sino ang pumasok. Nagumpisa akong kabahan. Kanina lang ay muntik na akong mamatay.
Binalot ng takot ang sistema ko ng bigla niya kong yakapin mula sa likuran. Ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. Nanginginig akong humarap sakanya at nakita 'ko ang pares ng abong mata na nakatingin saakin. Y-yung gwapong lalaki kanina! Kagaya ng una naming pagkikita ay wala paring emosyong mababakas sa mga mata niya. "I love staring at your eyes. Dont close it."
Nakaramdam ako ng panlalambot ng tuhod ng magsalita siya. Ngumisi lamang siya ng makita ng reaksyon ko. Maya maya pa ay kumalas siya mula sa pagkakayakap at lumabas na ng kwarto. Hanggang sa marinig ko ang pag-click ng doorknob.
Napaupo ako sa sahig at napahawak sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok nito.
*************************************************************************************************************************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
He's A Prince
FantasyYudi Athalia was simply a normal girl. A normal girl with normal life Normal friends And a normal world. But because of her curiousity she found herself lying on the grassland. A not so normal grassland. A not so normal grass. A not so normal world...