Matapos mangyari ang nangyari kahapon ay hindi ko na muli pang nakita yung gwapong lalaki. Hindi na siya pumapasok sa silid na kinalalagyan ko, hindi rin naman ao nakakalabas dito. Dinadalhan lang ako palaginung mga maid ng pagkain, pagkatapos ay umaalis din sila kaagad. Kanina lang ay sinubukan kon lumabas pero nagulat ako ng makita kong may dalawang guwardiya sa labas ng kwarto. Wala na kong nagawa kundi ang pumasok muli, ayoko pang mamatay no.
Narinig ko ang paglangitngit ng pinto at nakita ko ulit yung maid na nagdadala saakin ng makakain. Pero iba ngayon dahil may kasama pa siyang dalawang babae na pakiwari ko ay katulong din dito sa malaking mansiyon.
"Kumain na po kayo." Inilapag niya ang tray na naglalaman ng pagkain at umalis naiwan naman ang dalawa pang babae.
"Uhm, ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko.
"Inaantay po namin kayong matapos kumain, paliliguan na po namin kayo at aayusan mamaya." Sabi nung isa na kulay brown ang buhok. Napansin kong may dalang kahon yung isa niyang kasama na naglalaman siguro ng gamit na kakailanganin ko. Ewan. Hula ko lang.
"Mga ate, bakit ba ko nandito? Bakit sabi nung gwapong lalaki ay prinsipe daw siya? Nasaan ba ako?"
"Wala po kami sa tamang posisyon para magsabi. Ngunit maaari ko pong ibahagi ang ilan."
"Ano... sige" tugon ko, nakita ko namang nagtinginan silang dalawa at nagsalita yung babae.
"Mayroon pong tatlong makapangyarihang bayan dito. Ang MarLia, Oceania, at ang Clandea."
"Opo binibini, nandito po kayo sa bayan ng MarLia na pinamumunuan ng aing prinsipe. Si Prinsipe Black Wynchester. Namatay po ang ama niyang hari sa paglalakbay noong bata pa lamang siya at ang anyang ina naman po ay namatay sa panganganak sakanya."
Seryoso? Prinsipe? Hari? Ano?
"Maliliwanagan din po kayo sa tamang panahon."
"Itutuloy ko na, ang Oceania ay ang bayan sa ilalim ng karagatan. Sila ang kaalyansa ng bayan na ito. Sila ang gumagawa ng mga sandata at patibong, sila ay magagaling sa ganoong bagay." Pagpapatuloy niya.
"At ang Clandea?" Tanong ko.
"Sila ay tuso at makapangyarihan. Katulad dito sa MarLia ay pinamumunuan iyon ng isang napakagwapo at napaka kisig na si Prinsipe---"
"Ano ka ba naman Merinn! Hindi ka na nahiya sa binibini. Patawarin niyo po ang kalapastanganan niya, binibini. Huwag niyo po kaming ipapatay."'
"H-ha? Anong ipapatay?"
"Halina po kayo at maligo. Nandito na po ang damit ninyo."
Inilapag niya ng kahon na hawak niya kanina at nakita ko ang isang peach colored na bestida. May mga sequence ito sa bandangang itaas hanggang bandang baywang. May ribbon din sa may waist line. Ang ganda naman nito... Ngayon pa lang ako makakapagsuot ng ganito. Feeling ko tuloy prinsesa ako sa isang fairytale.
BINABASA MO ANG
He's A Prince
FantasyYudi Athalia was simply a normal girl. A normal girl with normal life Normal friends And a normal world. But because of her curiousity she found herself lying on the grassland. A not so normal grassland. A not so normal grass. A not so normal world...