Chapter 1

2.2K 47 3
                                    

M A R I S

"Oy Maris ha? bukas wag mong kalimutan!" - pagpapaalala sakin ng best friend ko na si Louriz

bukas kasi debut ng pinsan niya na ka-close ko din, at kailangan naming magsabay papunta sa venue.

"oo na, sige na umuwi ka na baka hinahanap ka na ng mga magulang mo"

"sige byee!"

pagka-alis niya sa tapat ng gate namin pumasok na ako agad, at pagkapasok ko nakita ko yung mga pinsan ko na nag you- youtube sa bahay namin, aba talaga namang dumayo pa dito ah?

"Hi Maris, pa-net ha? ang bagal ng net samin eh" - Andrea, pinsan kong baliw

"Ate Maris may pagkain diyan, kumain ka na" -Sabrina, pinsan kong praning

Hindi ko sila inimik, dumiretso nalang ako sa kusina para kumain, gutom na kasi ako eh.

"woooow!" wooow carbonara! sino kaya nagluto? si Andrea kaya? nako kung siya ang nag-luto baka walang lasa 'to, kung si Sabrina naman nako baka may nahalong kung ano dito at baka malason pa 'ko, KASO GUTOM NA TALAGA AKO EH. hayaan mo na kakainin ko nalang, pero aalokin ko din sila para pag nalason ako may kadamay ako hahaha joke, mabait lang talaga ako kaya ko sila aalokin hahaha.

"Oy kain tayo! safe naman 'to diba?"

"omaygashhh ang gwapo"

"omaygashhh ang galing sumayaw"

anong pinagsasasabi nung mga 'yon? ang gwapo daw dung Carbonara? ang galing daw sumayaw? weh Maris ang corny mo!

"huy? anong pinagsasasabi niyo? "

"EH KASI NAMAN MARIS EH BUSOG NA KAMI SA PINAPANOOD NAMIN ANG GALING KASI NETONG LALAKI SA YOUTUBE EH" -Andrea

"OO ATE MARIS ANG GWAPO PA, MCCOY PANGALAN, HALIKA PANOORIN MO" -Sabrina

lumapit ako sa kanila para mapanood yung video na pinapanood nila, ang gwapo nga nung lalaki, ang galing din sumayaw, tapos madami na din siyang videos sa youtube at madami na ding views pati mga likes and Comments.

Pero kung sila nabusog sa pinapanood nila ako hindi, kaya kumain nalang ako, and thank God, safe naman, hindi ako nalason,hindi din sumakit ang tiyan ko, atsaka masarap naman siya, so hindi nga yata sila yung nagluto.

The Adventures of Falling in love (McRis FanFiction) [Completed]  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon