Pagkauwi ko kahapon sa bahay namin binuksan ko na yung bag ko, wala naman akong nakita kaya hinayaan ko nalang, ano kayang pinagsasasabi nun ni Mccoy?
tatanungin ko sana siya ngayon kaya lang absent siya eh, bakit kaya?
half day lang kami ngayon, tapos nagimbita si Janelle na mag-movie marathon sa bahay nila.
Nanood kami ng mga romantic movies, magaganda naman yung mga pinanood namin, nakalimutan ko na nga lang yung mga title.
"Alam niyo, masakit talaga yung ganun eh, yung pag nag break kayo nung boyfriend mo" -Janelle
"hugot ah hahaha" -Jade
"diba nagka-boyfriend ka na? bakit kayo nagbreak?" tanong ko kay Janelle
"wala, magulo kasi kami, lagi kaming nag-aaway kahit maliliit na bagay lang" -Janelle
"ahh, pero mahal mo siya?"
"Oo naman!" -Janelle
"eh sinong nakipag break? siya o ikaw?"
"siya, kasi daw lagi nalang kaming nag-aaway, hindi na daw kami masaya, pero tama naman siya, pero alam mo nung una, hindi kami nagaaway, nung tumagal lang saka na kami nag away"
"eh ilang months kayo?"
"One year"
"ah matagal din naman pala"
Tanungin ko kaya kung sino yung ex niya? hindi naman siguro masama diba?
"eh-" magtatanong na sana ako pero biglang nag ring yung phone ko, tumatawag yung mama ko.
Sinagot ko yung tawag ni Mama, pinauuwi na ako, kasi daw aalis siya, walang bantay sa bahay at saka maggagabi na daw, kaya umuwi na ako, sayang hindi ko natanong kay Janelle! hayaan mo na may next time pa!
BINABASA MO ANG
The Adventures of Falling in love (McRis FanFiction) [Completed]
Fanfiction[Completed] MCRIS FanFiction STARTED: March 24,2016 FINISHED: April 1, 2016