KABANATA 10

16.1K 468 23
                                    


PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..



Love is a Promise.

Ito yung pangakong kahit wala na ang nagbigay sayo nito, nakahawak ka parin. Nakagapos pa rin sayong puso ang mga salita, ang mga galaw, ang mga paghili, mga pag-iyak at mga pag-awit. Love leaves us memories that no one can steal.

Nung araw na iniwan niya ako, nahati ang puso ko sa dalawang bahagi. Yung isa, naiwan nagluluksa kasama ng mga alaala, samantalang yung isa naman ay namatay kasama niya.

Yung mga gabing nagigising ako basa ang aking pisngi dahil sa mga pagluha, dahil sa mga pangakong pilit kong pinanghahawakan. Ang maalala ka ay hindi mahirap gawin pero ang malaman di ka na magbabalik ay mahirap tanggapin.

Kasi alam ko, kahit nawala na ang isang tao, they will continue participating in our life. Makikita natin siya sa mga taong kasama niya rin noon, sa mga bagay na hinahakawan niya, sa mga lugar na pinupuntahan niya.

Napatingala ako sa lalaking lumapit sakin. Kasing lapad ng langit ang kanyang ngiti. Inabot ko sa kanya ang isang puting bulaklak.

"Akala ko di mo ako lalapitan eh." Sabi niya na may himig na pagtatampo.

"Pasensya na, hindi ko kasi alam kung magugustuhan din ba ng mga bata ang pagbibigay ko sayo nito." Kinuha niya iyon mula sakin kamay pero hindi lang siya natigil mula roon. Hinaplos niya ang aking palad.

"You know the kids will love to see us together." Tumawa siya ng bahagya. Siguro ay iyon ang paraan niya para matanggal ang kabang nararamdaman.

"Jake you know where I stand about this." Pag-aamin ko sa kanya. Tumungo ito sakin sinabi at kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Your Honesty broke my heart." Tumawa uli si Jake. Ngumiti ako sa kanya.

"Yeah, stupid me. I'm sorry I shouldn't push you to love me, pero kasi naisip ko lang na baka maging katulad din tayo ni Rafael and Jocel. Binigyan sila muli ng pagkakataon para maging Masaya, and I thought iyon din ang gusto mo, ang maging Masaya."

"I will always be happy Jake, hindi man ako buo dahil sa pagkawala niya but I'm happy for my kids."

Sandali kaming nagkatitigan. Narinig ko ang pagsabog ng fireworks sa buong paligid. Lahat ay abala sa makulay na paputok sa kalangitan pero kami, nanatili pa rin ang tingin sa isa't-isa.

"You know how it feels like to search someone in a crowded place, then all of a sudden, that person you are looking at is looking to someone else and not you."

"Jake." Umiling ito ng lalapitan ko sana siya.

"Hindi ka para sakin, pero minsan dahil baliw ako, naiisip ko na akin ka. Iniisip ko na gusto mo rin ako, na mamahalin mo rin ako. But I am too fool for my own lies, you're not mine and you will never be." Tinalikuran niya ako at kasabay ng pagsabog ng huling paputok ay ang paglayo niya sakin.

Huminga ako ng malalim. I felt guilty about him. Ang alam lang ni Jake ay mahal niya ako at alam niya rin na hindi ko siya Mahal.

Hindi dapat ganun, hindi dapat one sided ang Pagmamahalan ng dalawang tao. Kailangan dapat equal, kailangan patas.

Tiningala ko ang langit na ngayon ay nilamon ng malaking usok dahil sa Fireworks. Abala na naman muli ang mga tao sa kani kanilang naiwan Gawain bago ang Fireworks.

"Tina.." Napalingon ako sa lalaking nagsalita sakin likod. It was Anthon. Katabi niya rin sila Kelvin. May hawak siyang isang case ng Beer.

"Would you mind joining us?" Pag-iimbita nito sakin. Tumango ako. Hindi ko alam kung may ideya sila sa napag-usapan namin ni Jake.

A war with the Tycoon ( The Unforgettable Ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon