Kabanata 18

16.1K 487 77
                                    


PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT..


-TINA'S POV-

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin habang suot ang wedding gown sa aking kasal. Napangiti ako.

I still have curved kahit apat na ang anak ko. At sa edad kong ito, maganda pa rin ako. Umikot ikot pa ako ng ibang beses, may kung ano akong hinahanap na di ko maintindihan. Parang di kumpleto, maganda naman ang gown na ito pero parang may kulang.

"Mam, meron pa ba kayong ipapaiba sa gown?" Tanong sakin ng gumawa.

"Hindi ko alam eh, parang nakukulangan ako kahit ang ganda ganda naman ng paggagawa mo." Pag-aamin ko pa.

"Wala naman kasi sa gown ang kulang, sa nararamdaman mo." Pagsisingit ni Nessin. Tiningnan ko ang gumawa ng gown na tumungo lamang sa sinabi ng aking kaibigan.

"Aminin muna kasi, magpapakasal kalang dahil kailangan ng anak mo ng ama, pero hindi mo naman mahal si Jake."

"Nessin!!" Pananaway ko rito. Nahihiyang umalis ang designer at iniwan kami sa loob.

"Ano ba yang pinagsasabi mo?" Inis kong sabi.

"Hooy Cristina Sabordo Buenaventura at soon to be Mrs. Lopez, alam ko yang style mo, hindi ganyan ang nararamdaman mo kay Nilo noong ikakasal kayo, Walang wala nga yan eh." Walang habas na pananalita pa nito.

"Ikaw Nessin ha, nakakarami kana. Tigilan muna ako dyan sa pagkokontra mo, can't you see naghahanda ako."

"Naghahanda for what? Sa kamatayan ng pag-ibig mo kay Nilo? Sa ending ng Love story niyong dalawa? Wag ako Tina ha, Don't me." Tinuro pa ako nito ng binilot na dyaryo.

"Ewan ko sayo, bagay nga kayo ni Zeke, pareho kayong baliw." Sabi ko pa sa kanya.

"Eh teka nga, ba't ba tayo nagkokontrahan dito." Sabi nito bigla.

"Aba malay ko sayo, ikaw itong panay ang kontra dyan eh."

"Eh kasi nga, kung di ka pa naman talaga sigurado eh di wag muna ituloy. Malay mo, biglang bumangon mula sa hukay si Nilo dahil dyan sa kabaliwan mo." Natahimik ako sa kanyang sinabi.

"Hindi magandang biro yun Nessin." Sabi ko na lamang. Lately, palagi kong pinaaalalahanan na kailangan kung bigyan ng chance si Jake. Mahal ko naman siya, hindi nga lang kasing tulad ng pagmamahal ko kay Nilo.

Dapat bang magkasing tulad ang nararamdaman ko sa kanila pareho?

Tinanggap ko ang alok na kasal ni Jake dahil ayaw kong makitang madisappoint ang mga bata. Bago ang sarili kong damdamin ay kailangan isipin ko muna sila. Mahirap na, lumalaki ang mga ito at mas kailangan nila ng gabay at hindi ko magagawa yun ng mag-isa.

Sa isang linggo na ang kasal at abala na kaming lahat sa paghahanda. Alam kong hindi na ito bago sakin, pero parang ako lang ata ang bride na hindi excited.

"Eh ito na nga, sigurado ka na ba talaga dito Friend?" Sinundan ako nito sa dressing room para magbihis.

"Nessin mahal ko si Jake. Oo aminado ako na hindi ganun ng katulad kay Nilo pero mahal ko siya. Mahal siya ng mga bata.."

"Hindi sapat na mahal mo lang Tina, kailangan buong puso mong mahal, hindi yung dahil mahal siya ng mga anak mo."

" It doesn't matter anyway. Darating din naman sa point na ganun ang mangyayari diba."

A war with the Tycoon ( The Unforgettable Ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon