KABANATA 27

18.8K 526 18
                                    


PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT.


-TINA'S POV-


Hindi ako mapakali habang naghihintay sa paglabas ng doctor na gumagamot ngayon sakin asawa. Tahimik akong nagdadasal at nananalangin na sana'y maging matagumpay ang lahat. Ilang araw na akong nababahala dahil dito at ngayon nandito na ang lahat, tanging magagawa ko na lamang ay magdasal at maghintay.

"Magpahinga ka muna Ate, kami muna ang magbabantay kay Kuya. Hinahanap ka na rin kasi ng mga bata. Sabi ni Mama ay nag-aalala rin ang mga ito." Nginitian ko si Nealsa. Gustuhin ko man damayan ang aking anak ay hindi ko magawa. Gusto kong hintayin hanggang sa matapos ang operasyon ni Nilo. At least kung magigising siya ay narito agad ako.

Maiintindihan naman ng mga bata kung hindi ako makakauwi muna ngayon. Alam nila na ngayon ooperahan ang kanilang Ama kaya maging sila ay nababahala rin.

Hindi rin pwede sa ospital ang mga anak ko. Gustuhin ko man na sama sama kami ay hindi muna maari.

"Maghihintay lang ako Nealsa. " Tipid kong sagot. Tumango lamang ito at di na namilit pa. Mukhang naiintindihan niya rin ang kagustuhan kong gawin ito.

Maya maya lang ay nag-abot ito ng mainit na kape na di ko naman tinanggihan abutin.

"Salamat." At humigop para mainitan ang aking pakiramdam.

Nakiupo siya sakin tabi at hinawakan nito ang aking balikat.

"Ang swerte swerte talaga ng kuya ko sayo. Salamat Ate at hindi ka sumuko sa kanya. Ngayon mas lalo kong naiintindihan kung bakit mahal na mahal ka rin ni Kuya."

Masayang sabi ni Nealsa. Bata pa lamang ito noong una ko siyang makilala. Hindi ito katulad ng kanyang mga magulang na mataas ang mga tingin sa sarili. She was like Nilo. Inosente subalit puno ng kaseryusuhan sa buhay.

"Ako ang maswerte sa Kuya mo. Kasi hindi siya marunong sumuko samin dalawa. Ganun naman talaga dapat kapag mahal na mahal mo ang isang tao diba. Hindi ka pwedeng tumigil, hindi ka pwedeng bumitaw. Magkataon man na magkaron ng malaking problema, mananatiling nakatali ang mga sipi ng inyong pagsasama. Patuloy ninyong panghahawakan ang kamay ng bawat isa."

"Naniniwala kasi ako na higit sa nararamdaman, ang Pagmamahal ay pagpili sa pananatili rito. Iyon, iyon siguro ang wagas na Pag-ibig. Ang piliin mong manatili pa rin, wala sa tagal ng pagsasama iyan, nasa iyong desisyon ang lahat. Kaya si Nilo, kahit na anong kalabasan ng operasyon ito, pipiliin ko pa rin ang mahalin siya. Kasi ang mahalin ang Kuya mo ang pinakamasarap sa pakiramdam sa mundo." Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha na agad ko naman pinahid.

Malaki ang ngiti ni Nealsa na tila naiintindihan ang bawat leriko ng awit ng pag-ibig ko kay Nilo.

Hinding hindi ako kailanman mapapagod sa Pag-ibig ko sa kanya at kahit umabot man ang maraming taon, hinding hindi ko pa rin ipagpapalit ang Pag-ibig ko sa kanya.

Minsan na kaming nilinlang ng mga taong gustong sirain ang aming pagsasama, pero kahit kailan ang paggawa ng kasamaan ay hindi magtatagumpay laban sa kabutihan.

Ang pagsira ng pag-iibigan ay di kailanman papanigan ninuman. Kahit ang Diyos, hinding hindi niya papayagan na mawasak ang paniniwala ng dalawang tao para rito.

Kaya alam ko, kaanib namin ang Diyos. Kasama namin siya sa lahat ng pagsubok na aming kinakaharap.

Tumingala ako at tumayo agad ng Makita ko ang mga kaibigan ni Nilo. Si Cyrus, alam kong kagagaling niya lang sa pamomroblema sa panganay nitong anak na babae na si Cristine. Nalaman ko galing mismo kay Anna na may lihim na relasyon ang mga ito at ang pinsan si Tristan, bagay na tinututulan ng lahat.

A war with the Tycoon ( The Unforgettable Ending)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon