Hashtag 2

32 3 0
                                    


Published Part 2:

Dear K,

Kanina, akala ko hindi ka pumasok kasi wala ka sa klase. Nawalan ako ng gana pero noong nakita kita sa cafeteria noong lunch, bumalik agad yung sigla ko. Pero bakit nga ba wala ka?. Bakit hindi ka pumasok sa mga klase mo?.

Siguro nahihiya ka na makita kita dahil crush mo rin ako 'no?. :">

Tsk. Assuming ko talaga -.-

Anyway, noong nakita kita sa cafeteria akala ko papasok ka na sa last period pero hindi. Napagalitan nga ako ni Maam dahil nakatunganga daw ako, pero hindi ko pinahalata na nagalit ako 'no. Tsk. Sino ba namang hindi magagalit na ako, nakatunganga, papagalitan niya. Pero yung lecheng lalaki na'yon hindi man lang niya nakita, eh humihilik na nga 'yon eh. Asar.

Pero saan ka kaya nagpunta samantalang kanina nasa puso ko lang ikaw?. he he. K, ang korni ko. -.-

Dismissal na nung pinapunta ako ng faculty room ni Mr. Gonzalez, yung gwapong teacher hehe. Pinadala lang sa'kin yung mga papers na sinagutan namin.

Paglabas ko, naglakad-lakad ako dahil hindi ko pa feel umuwi. At gusto ko ring magpahangin kaya napunta ako sa likod ng building pero hindi ko akalain na makikita kita sa ilalim ng puno. Ang lalim ng iniisip mo. At kahit naka-kunot ang noo mo, ang pogi mo pa rin. :">

Feeling ko tuloy tinadhana na magkita tayo don. Yung parang sa mga Korean novellas.. hihi lande -.-

Pero parang nang-aasar ang tadhana ng may humatak sa braso ko. Sobrang inis na inis ako non dahil alam kong papalingon ka na sa'kin non. Magtatama na ang mga mata natin at mararamdaman ko na ang tinatawag na spark.

Sinamaan ko ng tingin yung humila sa'kin pero nag-multiply ata yung inis ko nang makita ko na si leche guy yun. Huhu nakakaasar siya. Noong binalik ko yung tingin sa'yo, wala ka na sa ilalim ng puno.

Haay. Kailan kaya tayo magkaka-moment?.

Love,

Kylie

Love, KylieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon