Hashtag 5

24 1 0
                                    

Published Part 5:

Dear K,

Kailangan kong kumalma. Ang bilis ng tibok ng puso ko, kanina pa. Nararamdaman ko rin ang mga weird na nilalang sa tyan ko, kanina pa. Gusto kong sumigaw sa kilig, kanina pa. At gaya ng sabi ko kanina. KAILANGAN KONG KUMALMA. Dahil as much as possible, ayokong maging baboy yung diary ko dahil. . .

NAPANSIN MO NA AKO!.

Alam kong Oa na ako.. Kasi diba napansin mo lang ako, grabe na ako mag-react. Pero iba yon!.

Iba kapag napansin ka ng gusto mo..

Iba yung feeling na dati, hanggang tingin lang ako, pero ngayon, kinaka-usap mo na ako samantalang since fifth grade, mag-kaklase tayo. Hindi mo man lang ako napansin?!. At noong kinausap mo ako kanina, ginawa ko lahat para lang hindi mag-over think at gumawa ng paraan para kumalma dahil deep inside, halos mag-happy dance nako!.

And as much as possible, gusto kong i-cherished tong moment dahil minsan lang ako sumaya, na gusto kong gawing worth it ito dahil alam ko na hindi rin 'to magtatagal..

Na darating yung panahon na titigil ka sa pakikipag-usap sa kin..

Haay.

Love,

Kylie

P.S:

Kung itanong ko sa isang tao kung may galit siya sa'kin, may posibilidad kaya na parehas yung sagot niya sa tanong na'to?.

P.S ulit:

Nevermind :/

Love, KylieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon