Hashtag 6

4 1 0
                                    

Published Part 6:

Dear K,

Hindi ko alam kung bakit ko pa 'to isusulat, alam mo yon, bakit ko pa isusulat yung nangyari sa araw ko kung alam ko naman na kapag nabasa mo 'to balang araw, maaaring magselos ka. . .

Pero para na rin siguro pasalamatan mo siya balang araw sa ginawa niya :)

Ngayon ginanap ang Christmas Ball, pero hindi ko magawang malungkot kahit hindi kita nakasayaw dahil sa kanya . .

Today's my monthly period kaya hindi ako nakapunta ng Ball. Para akong pinagtulungan na kilitiin at pinuntirya nila yung puson ko kaya ang sakit. . . Hindi rin nakatulong yung masakit kong ulo kaya suka ako ng suka. . .

In short, may sakit ako.

At kanina, hindi ako makabangon sa panghihina. Ang swerte ko pa dahil wala si Kyrie, kapatid ko na nasa school camp, at yung magulang ko, na nasa trabaho. Kaya wala akong nagawa kundi humiga. . .

But then he came. . .

Of course, my first reaction is to be frighten. For my sanity's sake, may lalaki sa kwarto ko at kahit gusto ko ng mag-aalaga sa'kin, he's definitely not that person dahil una; ikaw yung gusto kong mag-alaga sa'kin kung sakali man, at pangalawa; hindi ko siya kilala.. Joke, hindi ko lang pala alam pangalan niya -.-

Tsk. . .malay ko bang magnanakaw, kidnapper, o chainsaw murderer pala siya at naisipan niyang mag-disguise bilang isang model para makapasok at bwisitin ako maghapon?.

And then after my internal freaking, I asked him to leave. Pero matigas ang skull ni Kuya at ayaw paawat. He smirked and his brows suddenly furrowed, probably noticed me wincing in pain kaya pinaalis ko ulit siya at nagtalukbong. Seriously?. Anong mahirap intindihin sa salitang 'leave'?.

I sighed in relief nang hindi ko na maramdaman ang presensiya niya. And curled up when the pain started again. At noong mga oras na 'to, hiniling ko na sana nandito ka para alagaan ako. . .

Lumipas ang ilang minuto, binulabog niya ulit ako. And I can't help but to scream like a lunatic but then held my screaming. . .nagulat ako sa totoo lang dahil may dala siyang mga napkin, medicines, chocotales, at kung ano ano pa sa plastic bag.

I gaped but then don't do questioning nang alalayan niya ako para makatayo. Bumaba kami papunta sa kusina at mas nagulat ako dahil. . . nagluluto siya. Kaso hindi masarap ;) Joke lang.

Pagkatapos, pumunta kami ng sala para manood. At gusto ko sanang tanungin kung anong ginagawa niya rito at bakit wala siya sa Ball. . . At gusto ko rin sanang idagdag kung nasan ka. But then decided against it.

We chatted and hindi ko alam. . .the last thing I remember was that my head is on his lap, a hand gently brushing my head, and the. . .the smile trailing on my lips. At unti-unti na akong linamon ng antok.

Nagising ako at nakita ang nanay ko. Talking about something pero wala akong maintindihan. Sobrang laki kasing distraction na nasa kitchen counter siya, kausap si Papa at Kyrie. Nagkakatuwaan.

At hindi ko alam. . .for once na nakita kong masaya sila kahit na noong mga nakaraang araw, nararamdaman kong may mali, hindi mapigilan ng damdamin ko na maging masaya para sa kanila. . .kahit kasama nila yung sa tingin kong 'pinaka-lecheng' lalaki na walang ginawa kundi mambwisit sa buhay ko.

Love,

Kylie

Love, KylieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon