Accident
~•~
"Bilisan mo na anak. Kahapon ko pa kasi sinabi na mag-impake ka na." pagmamadali sa kaniya ng nanay niya.
Tinapos niya pa kasi ang mga reports niya sa kumpanyang pinagtratrabahuhan, she filed a one week leave. Dapithapon na nang matapos siya.
"Opo, Nay. Mauna na po kayo. Susunod na lang ako." sabi niya habang kinukuha ang mga damit na kakailanganin sa kaniyang closet.
"Sige at tutulungan ko pa ang Itay mo." paalam ng nanay niya.
Lumabas na ng kwarto niya ang kaniyang nanay kaya pinagpatuloy niya na ang pagbabalot.
Natigilan siya nang bigla siyang kabahan. Sa totoo lang, ayaw niya talagang tumuloy sila sapagkat masama ang pakiramdam niya sa bakasyon na ito ngunit mapilit ang nanay niya. Nasa ospital kasi ang natitira niyang Lola sa probinsiya kaya kailangan nilang dalawin ito bilang huling kahilingan daw nito. Isa pa, hindi naman siya close sa mga pinsan niya at mga kamag-anak nila.
Nang mailagay niya na lahat ng dadalhing gamit sa kaniyang maleta, bumaba na siya tulad ng sabi ng kaniyang ina.
"Akin na anak nang mailagay natin sa compartment." Kinuha sa kaniya ng tatay niya ang maletang dala.
"Salamat po."
Nag-renta sila ng van para sasakyan pauwi sa probinsiya at pabalik dito sa Manila.
"Nay, hindi ba talaga ako pwedeng magpaiwan?" tanong niya.
"Nak, gustong-gusto kang makita ng iyong abuela. Gusto mo bang mamatay siyang nagtatampo sayo? Mumultuhin ka 'nun." pananakot niya na may halong biro at pangungunsensiya.
Napanguso siya. "Nay naman eh, nanakot pa."
"Hay nako Fatima Grace Trinidad, hindi sa'yo bagay ang mag-pout." natatawang turan ng ina.
"Oo nga! Mukha kang bibe, ate." panggagatong ng kaniyang nakababatang kapatid na lalaki
"Tara na?" Nabaling ang atensiyon nila sa kaniyang ama na nasa entrance ng main door.
Ilang oras ang lumipas at nasa kalagitanaan na sila ng thoroughfare papuntang Batangas.
Masayang nagkakantahan ang mag-anak. Hatinggabi na kaya naman solong-solo nila ang kalsada. Ngunit maingat magmaneho ang tatay niya kaya napanatag ang loob niya at isinantabi ang pangambang nararamdaman.
"Living louder!!! Living louder tonight!! Ohhh Ohhhh!!!" sabay nila sa kanta sa radyo.
"Patty, Bernardo! Aba! Ke-iingay ninyo." natatawang saway ng kaniyang ina.
"Mama! Hindi ako Bernardo! Ben na lang po!" reklamo ng kapatid.
"Bakit ayaw mo sa pangalan mo? Pangalan pa iyan ng Lolo mo! Bernardo Trinidad III hindi ba't ang ganda pakinggan?" tumatawang sabi ng kaniyang itay na nagmamaneho.
"Whatever." irap ng kapatid niya at ipinagpatuloy ang paglalaro sa kaniyang PSP.
Hindi bakla ang kapatid niya. Sadyang 'cool' lang ito.
"Ben na kung Ben." sabi ng nanay niya. "Mga kabataan nga naman ngayon, gusto lagi silang cool at in."
"Patty, anak. Ang tahimik mo yata. Ayos ka lang ba diyan sa likod?" maya-maya'y puna ng ama niya.
Sa likod siya pumwesto para mas kumportable at makahiga siya.
"Opo, tay."
"Iniisip kasi niyan ni ate si Osman, tay." nakangising baling ng kapatid niya.
Binato niya ito ng maliit na unan na yakap niya. "Maglaro ka na nga lang diyan!" irap niya.
"Sino naman ang Osman na ito? Manliligaw mo ba, Patty?" seryosong tanong ng tatay niya.
Muntikan na siyang mabilaukan sa sarili niyang laway. "Hindi tay! Kaibigan ko lang iyon." Kaibigan nga ba? "Maniwala kayo kay Bernardo." pambubuska niya sa kapatid.
Nasa may pa-curve na silang bahagi ng highway at medyo madilim sa parteng ito dahil walang masyadong streetlights.
"Ang mga lider nga naman ng bayan, nagpapakasasa sa yaman ng bansa samantalang ni streetlights nga hindi maipagawa." naiiling na puna ng tatay niya.
"Tapos sasabihin nila na marami na silang nagawa. Ni simpleng bagay nga hindi mapagtuonan ng pansin." dagdag ng nanay niya.
"Oldies' talk." bulong ng kapatid niya pero nakaabot sa kaniyang pandinig.
Pabiro niya itong hinampas. "Huwag kang maingay. Baka marinig ka nila nanay."
Napatawa sila ng malakas. Kahit madalas silang mag-away, magkasundo naman sila sa mga kalokohan.
Isa pang pa-curve na bahagi ang nakaabang sa unahan. Sa kabilang dulo ay mayroong truck na nawawalan ng kontrol. Gumegewang ang truck at sinasakop ang dalawang lane.
Masayang nagtatawanan ang mag-anak sa kabilang dulo. Walang kamalay-malay na may panganib na nakaabang.
Saktong pagliko nila sa curve nang pumailanlang ang tunog ng busina galing sa dalawang sasakyan...
"Nay!"
"Aaaaahhhhh!!!!"
Isang malakas na pagsabog ang maririnig.
BINABASA MO ANG
Mr. Billionaire
Ficción GeneralWhen plain-Jane Fatima "Patty" Trinidad left the country to find an inspiration for her novel, she didn't know she'd find more than just what she's looking for. Slow-paced. Written in Filipino. ©Taciturnelle