Kabanata 34

2K 101 68
                                    

Saturday

~•~

Inangat niya ang kumot at mas lalong sumiksik dito sa sobrang lamig. But she groaned when the blanket didn't cover her cold feet. Dumilat siya at tinignan ang kumot. She was ready to fight with it but she was confused when she saw a coat instead. Kinapa niya ang salamin at sinuot iyon.

Slowly, she sat down from the comfortable matress she's in. She looked around and was confused for a moment. She was in the chaise lounge. Kumunot ang noo niya at inalala ang nangyari. Ang huling memorya niya ay nagbabasa siya roon sa may isang lamesa. It was the second book in the series. She was so hooked.

Buong araw siyang nasa library. Bago mag-lunch, pumasok doon si Scott. They had their lunch there. And even dinner! Nagbabasa lang din ang binata. They never stayed in one place, lalo na siya. Lahat yata ng upuan doon ay naupuan niya na. Pero ito, kung hindi sa lamesa ay nasa wingback chair ito.

"You have no plans today?" she asked. She's been holding back earlier but the wine might have done some magic on her. Nilingon siya nito mula sa lamesa. Nakasalampak siya ngayon sa bean bag at katatapos pa lamang mag-merienda. Akala niya, pagbalik niya, wala na ito.

Kumunot ang noo nito. Parang naumid ang dila niya. Gusto niyang sapukin ang sarili. Ano naman sa‘yo kung aalis siya, Fatima?!

"Why? You're going out tonight?" malamig na tanong nito.

This time, she frowned. Huh? Despite her confusion, she shook her head. Kasasabi niya lang noonh agahan na wala siyang plano ngayong araw. Isa pa, nasa kalagitnaan na siya ng librong binabasa niya kaya walang dahilan para tumayo siya mula sa bean bag na kinasasadlakan.

Inirapan siya nito. "Nagtatanong lang e." Ngumuso siya at binalik na lang ang atensyon sa binabasa.

Ganoon maghapon ang ginawa nila. Sometimes she would rest her eyes by volunteering to bring their coffees. Nahihiya lang din siya kay Valdis na ilang beses nang bumalik sa library para lamang sa kape nila. Kung hindi nagbabasa ang boss niya ng mga dokumento, nagtitipa naman ito sa laptop nito.

She tried to tell her boss that she would encode instead, but he sternly reminded her that she's in a vacation. Naaasiwa man, nagpatuloy na lamang siya sa pagbabasa. Just a few minutes later, she's hooked once again to the story inside her own little bubble. Wala na siyang pakialam pa sa paligid, kahit na ang titig ng boss niya sa kaniya. Lumipat lamang siya sa lamesa nang maramdaman ang pangangawit. Iyon ang huling naalala niya.

She raised the coat and realized it was her boss'. Nilibot niya ang tingin at tumigil iyon sa may lamesa kung saan nakasubsob ang kaniyang boss. Nakasuot na lamang ito ng puting shirt. Sinilip niya ang cell phone para tignan ang oras. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang alas kuwatro na ng madaling-araw.

Lumapit siya sa boss. Mahimbing ang tulog nito. She raised her hand to tap his bicep—este shoulder. But she stopped and bit her lip. Hindi niya kayang istorbohin ang boss. Mukhang maganda pa naman ang panaginip nito dahil payapa ang mukha nito. In the end, she carefully draped the coat over his shoulders.

Tahimik siyang lumabas sa library papunta sa kuwarto nito. Pero hindi niya kayang pumasok nang walang pahintulot kaya sa kuwarto niya siya tumuloy. Kumuha siya ng bagong kumot. Bumalik siya sa library at kinumutan ang natutulog na boss.

Para iwas pulmonya. Siyempre kapag nagkasakit si boss, baka mawalan ako ng trabaho.

Ngayon, hindi niya na alam ang gagawin. She's had nine hours of sleep. Kaka-compute niya lang. Bumalik siya sa kuwarto niya at nagpasyang maligo na lamang.

Bumaba siya sa kusina pagkatapos niya. Bukas na ang ilaw. Ibig sabihin, gising na si ang kanilang kusinera. Pagpasok niya, hindi nga siya nagkamali. And she discovered Galina was not alone. The head butler was there, sipping on his tea cup.

Mr. BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon