Chapter 5

1.9K 19 3
                                    

NOTE: EDITED AND REVISED. Kindly bear with the typos. Gonna edit typos after the whole revision. Thanks!

----

Matalim na tingin ang binato ko kay Louie. Siya lang ang natatanging dahilan ng pagkasira ng araw ko.

"Sabay na tayo. Same way lang naman bahay natin."

At totoo. Kung mamalasin ka halos same na direction lang ang bahay naming dalawa kaya hindi malabo na magpanagpo ang mga landas namin.

"Who you po?" At tinabig ko ang kamay nitong nakahawak din sa pintuan ng taxi. "I don't ride with strangers. Sorry." Ambang sasakay na ako nang iharang niya ang buong braso niya.

Ipitin ko na kaya siya?

"Ang sakit mo sa heart Arianne. Ganiyan ka na ba kasama sa admirer mo?" Stalker kamo. Ang kapal talaga ng mukha nito. "Sasabay lang naman ako. Ayaw mo non bonus na gwapo kasabay mo."

Napahawak ako ng mahigpit sa pintuan dahil muntik na kong liparin. Napakahangin niya. Grabe! Hindi ko mareach confidence level ni Louie.

"Ano may sasakay ba? Kung wala iyong nasa unahan na lang papasakayin ko." At dahil mukhang madaling madali na si manong ay pinaalis na namin. Tutal wala naman gustong magpaubaya sa aming dalawa.

"Epal ka kasi." Irita kong asik dito.

"Gwapong epal." At humalakhak pa ito. Hindi niya naman ikinagwapo.

"Hala siya. Baka lagnatin ka sa pinagsasabi mo." At dahil makapal talaga ang mukha ng loko ay nagpogi points lang ito sa harap ko. Pahingi po pasensya Lord. Mga isang swimming pool.

Nagulat pa ako ng umakbay ito sa akin. Sakto rin namang napatingin ako sa harapan. Hindi kalayuan, nakatayo roon si Harvey. Kunot ang noo nito.

Ambang magsasalita ako ng bigla itong tumalikod.

"Arianne to Earth." At ang bilis ng reflexes kong lumayo kay Louie.

Harvey's POV

I just had a meeting with the student council. Hindi naman ako ganoon kainteresado sa pagsali doon. However, that's a good thing in my track record so I just have to deal with it.

Dumiretso ako sa theatre club after ng meeting. Sobrang perfectionist ng mga tao doon kaya wala silang sinasayang na oras. Ang akin lang naman gagampanan ko ang role na binigay sa akin, after that wala na silang masasabi.

I took a small break. Hindi na kinakaya ng ulo ko na magsaulo pa. I just had an argument with Arianne earlier though maybe not really an argument. Just usual misunderstanding na ayaw na naming palakihin.

I talk with her earlier pero hindi sapat. Gusto ko siyang makita.

"Lalabas lang ako sandali." Paalam ko sa isa sa mga nandoon. Tumango naman ito at nagpatuloy sa ginagawa.

Nagmabilisang lakad pa ako at baka maabutan ko pa si Arianne sa labas. Gusto ko lang siyang makita saglit. Just to calm my senses. She's my only comfort whenever I feel so pressured with my life and with everyone's expectation.

Nakita ko naman siya pero agad akong napahinto. She's not alone. She's with someone. Nakaakbay ito sa kaniya. Then it strucked me. Narealized ko yung mga bagay na hindi ko kayang gawin para kay Arianne. I just have step back. Kasi baka makasuntok ako. Nagtama ang tingin naming dalawa. And I saw how shock she was.

Alam kong wala sa lugar kung magseselos kaagad ako. I didn't ever hear her explanation. Pero nang nakita ko sila. I knew I wanted to do the same way with her.

To just casually talk. To just hold her hand in public. To just make our world only ours. Na hindi ko pa magagawa sa ngayon.

I'm sorry Arianne.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Status: In a Relationship but it's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon