--Part Three(finale)--

96 6 4
                                    

--Part Three--

"Shan, mag-usap tayo pls."

"Bakit ka andito... Ken?"

"Nandito ako para pigilan kang umalis. Pls. Don't go."

"Sinabi ba sayo yun ni Rene?"

"That doesn't matter anymore. Shan, bakit ka aalis?"

"Wala ka ng paki doon."

"Meron. Sabihin mo sa akin ang dahilan."

"Bakit ba gusto mong malaman?"

"Because I don't want you to go."

"Eh bakit nga? Di ba wala ka namang pakialam sa akin? Pumunta ka na sa prom at magpakasaya kasama yung taong gusto mo."

"No. I will not go til you say your reason for leaving."

"Bakit ba ang kulit mo?!"

"Kasi nga gusto kong malaman."

At dahil hindi ko na kinaya, sumabog na ako. Tumulo na ang aking mga luha na simbolo ng lahat ng hinagpis na nararamdaman ko.

"Tanong mo, bakit? Kasi Ken, pagod na ako!"

"Pagod saan?"

"Pagod na mabalewala na lang palagi. Pagod ng masaktan sa katotohanang kaya mong mahalin ang ibang tao maliban nga lang saakin!"

"Wait, so you mean.."

"Oo, Ken. Mahal kita, matagal na. Matagal na rin akong nagtitiis sa sakit. Di mo lang alam kung anong sakit ang dinanas ko. Simula noong 1st year tayo hanggang ngayon na gagraduate na tayo, tinitiis ko yung sakit ng katotohanang di mo ako kayang mapansin."

"Shan.."

"Nagulat ka? Kasi kahit kailan di mo naman pinapansin ang damdamin ko eh."

"Nagkakamali ka Shan. Bakit ba hindi mo agad sinabi sa akin?"

"Bakit, pag sinabi ko bang I love you, sasabihin mo ring I love you too?"

"Oo!!"

O_O

Dun sa sinabi nyang iyon napatigil ako.

"H-huwag mo nga akong l-lokohin."

"Hindi ako nagbibiro. Shan, mahal kita."

"Sinungaling!"

"Totoo yun. Bata pa lang tayo gusto na kita. Nung 1st year pa lang tayo, di ko pinapakita sayo sulat ko para kay Shane dahil ang nakasulat lang doon ay ang pag-ayaw ko sakanila ni Lynn at pilit kong sinasabi na ikaw ang gusto ko. Yung papel na may nakasulat na 'I like you' sa iyo ko yun binibigay kaso inakala mo na pinapapasa ko lang iyon kay Shane. Noong 2nd year, practice lang yung ginawa kong pagkanta kay Rene, para sa iyo talaga yun kaya nga lang ng ikaw mismo yung nanunukso sa amin, nawalan ako ng gana na kantahan ka. Yung mga gifts ni Jill, binibigay ko sa iyo para ipakita na ayaw ko sa kanya. 

Pero, kahit na anong gawin ko parang wala rin eh. Kaya naman naisipan ko nalang ituon ang pansin ko kay Fey noong 3rd year natin. Lalo na nung napansin ko na malapit ka na kay Louis. Kaya noong 4th year na tayo, sinubukan kong lumayo sa iyo at napalapit ako kay Kallen pero dahil sa sitting arrangement natin nagbago ang isip ko at lumapit sa iyo. Kaya naman nagdesisyon ako na ituloy na ang nararamdaman ko. Nung napansin ko na binabastos ka ni Yael, galit na galit ako noon, binugbog ko siya at binantaan na kung uulitin pa niya iyon, baka mapatay ko na siya. Kaso, kahapon na handa na ang lahat para sa pagtatapat ko, hindi ka naman dumating.." pag-amin nya sa akin na di ko mawari kung paniniwalaan ko ba.

Seating ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon