--Part Two--

106 5 2
  • Dedicated kay Kuya Muning (^_^)V
                                    

--Part Two--

Pero, nang bakasyon na namin, nalaman ko na lang na lumipat na pala sa bahay ng lola nya si Ken malayo sa amin kasi mag-a-abroad daw parents nya. Dapat nga daw lilipat na sya ng school kaso ayaw nya kasi maganda ang opportunity sa school namin.

Nang magstart na ang pasukan, nagkaroon kami ng sitting arrangement according to our surnames pero hindi hiwalay ang girls sa boys. Malayo kaming tatlo sa isa't isa. Malapit noon si Rene kina Kate at Ales. Si Ken naman ay katabi si Kallen na di nagtagal ay naging bagong best friend nya. Sila na ang magkakasabay umuwi at nakalimutan na nila ako na palagi na lang mag-isa. Si Louis na lang nga ang palagi kong kusap noon eh.

Then, one day nang free time namin, habang naglalaro sila ng truth or dare umamin si Kallen na gusto na nya si Ken, mahal na nga daw nya eh. Nabigla ako dun. Nasaktan ako at nangamba na baka tuluyan na syang mawala sa akin lalo na't lumayo na sya sakin ngayon. Hindi ko to matatanggap. No!

Madalas na silang tuksuhin ng mga kaklase ko. Ngunit para matago ang sakit, nakisali na lang ako sa panunukso sakanila. Naaalala ko pa nga yung araw na nakisali ako sa pagbabasa ng quotes sa mga kaklase ko. Pero, parang pinaglalaruan ako ng tadhana, ayon kasi sa quote na binasa namin, 'Ayie ng ayie nasasaktan at nagseselos na pala.'.. Sapul yun sa akin. Kaya naman napatigil ako sa pagbabasa. Umalis na lang ako dahil baka di ko pa kayanin.

Then, nang 3rd grading na namin, ewan kung ano ang sumapi sa adviser namin at pinalitan nya ang sitting arrangement namin. Napunta ako malapit lapit sa harap at sa aking pagkagulat naging katabi ko si Ales na best friend ni Rene. Nang tumalikod ako, nakita ko si Rene. At sa harap ko naman ay si Ken. Nasa malayo si Kallen. Palagi namang absent si Janine na katabi ni Ken kaya lumilipat ako sa pwesto nya para mas mapalapit sa board upang luminaw ang nakikita ko.

Minsan nga, nagtangka si Kallen na lumipat doon ngunit nauna ako. Sinubukan nya akong paalisin pero nagmatigas ako.

Nagbalik ang pagkakaibigan naming tatlo nina Rene especially ni Ken. 

Nalaman kong gusto pa rin ni Ken si Fey. Wala na akong pakialam doon mahalaga lang sa akin ay malapit na ulit ako sakanya.

Ngunit, isang araw nalaman ko na gusto rin ni Louis si Fey. Nagulat ako, pero hindi ako nairita kay Fey dahil alam kong mabuti syang tao kaya normal lang na maraming nagkakagusto sa kanya. Nagsabi sa akin si Louis kung pwede ko siyang tulungan kay Fey.

Ewan, ano bang dapat kong gawin? Kapag tinulungan ko sya baka akalain ni Ken na pinagtataksilan ko siya bilang kaibigan.

Kaya naman tinanong ko muna si Ken kung may balak ba syang manligaw kay Fey.

"Uhm.. Uy Ken, matanong ko lang."

"Hm?"

"Anong balak mo kay Fey?"

"What do you mean?"

"I mean, liligawan mo ba sya?"

"Well, I don't know. Ewan."

"Wala kang balak na manligaw sa kanya?"

"Actually, I guess, not."

Oh, yes! Atleast now that I know na wala syang balak matutulungan ko na si Louis. Pero, hindi lang yun yung ikinasaya ko. Masaya ako kasi nagkaroon ng slight chance ang puso kong matagal ng gustong sumuko.

Kaya, ayun, dinadaan ko sa biro ang pagtatanong kay Fey kaso di naman sya sumasagot kasi nga akala talaga nya joke lang. :(

Pero, habang tumatagal, napapansin kong naiinis na sa akin ang mga kaklase ko kasi daw hinaharang ko ang lovestory nina Ken at Kallen. Paki ko? At saka di totoo yun dahil alam kong wala naman silang lovestory. xD

Seating ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon