Hingal na hingal ang isang binata. Tumatakbo siya patungo sa direksyon ng kagubatan. Sa kagubatang iyon lamang siya makakapagtago.
"Habulin ninyo siya! Huwag ninyong hayaang mawala siya sa paningin natin!"
Natigilan ang binata sa sunod-sunod na mga yabag di-kalayuan sa kanyang kinatatayuan. Hinahabol pa rin siya. Gusto siyang patayin. Hindi niya alam kung bakit, pero nasaksihan niyang walang awa nilang tinadtad ng saksak ang kanyang kakambal.
"Huli ka!"
Laking gulat ng binata dahil hindi niya namalayang nasa harapan na pala niya ang mga taong kanina ay naulinigan lang niya. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Sa halip na sila'y titigan pa nang matagal, agad siyang tumalima ng takbo.
"Hindi ka makakatakas!"
Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa isang hakbang na lamang ay mahuhulog na siya... sa bangin.
"Ha-ha. Wala ka ng matatakbuhan. Ang mabuti pa ay sumuko ka na! Magiging masaklap at mapanganib para sayo ang bangin na iyan."
"Kung ito lamng ang tanging paraan upang makalayo ako sa inyo, hindi ako natatakot! Ngunit, bago ako tumalon, tatandaan ko ang mga pagmumukha ninyo! Isinusumpa kong ako'y magbabalik at hahanapin ko kayo! Pagbabayaran ninyo ang ginawa ninyong pagpatay sa aking kakambal!"
"Ang dami mong satsat! Ang mabuti pa ipuputok ko na lamang itong hawak ko sa ulo mo para... Bang! Bang! Mamatay ka at hindi na mabubuhay kailanman!"
Matapos pagsabihan ang binata, kinalabit ng lalaki ang gatilyo. Bago pa man makatalon ang binata, tinamaan siya sa likurang bahagi ng kanyang dibdib ng bala mula sa baril. Kasabay ng pagtama ng bala sa kanya ay ang pagkahulog ng binata sa bangin.
BINABASA MO ANG
A-Ba-Ka-Da #Wattys2016
HorrorIba't ibang uri ng pagpatay. Kakaibang nilalang na pumapatay. Limang alpabetong Pilipinong binigyan ng buhay. Paghihiganti at kamatayan ang mahuhukay.