Part 2

19 0 0
                                    

[2]Meet the Lucky 13..yayy
"Nastroke ba sya?" "Sabagay uso ang stroke ngayon." "Di ba sya giniginaw?" "Psh. Baka nagulat dahil biglang umulan. Summer pa naman tapos biglang umulan." "Eh kung businahan mo kaya?" "Oo nga. Basang basa na sya oh." "Bakit? Gusto nyo ba syang isakay?" "Grabe ka naman!! Anong akala mo samin kasing sama mo? Syempre gusto. Kawawa naman eh. Muka pa namang nanay! Hehe." "Oo nga. Atsaka ang lakas na ng ulan. Baka magkasakit pa yan!" "As if you guys care. Tss. K. Fine." *BEEEP!!! BEEEEP!!!* O___O Huh?! Bumalik ako bigla sa katinuan. Nakatingin pa rin kasi ako dun sa dinaanan nang sasakyan ng bastos na nilalang na iniwan ako sa gitna ng daan habang umuulan. Di pa rin ako makapaniwala sa nangyare. Ang bilis eh. In 3 minutes, nawala yung taxi na sinasakyan ko at hiniram ng isang goddess na hulog mula sa langit at pagkatapos ay iniwan ako ng ungentle man na lalaki galing sa impyerno. What a life. Poor Renesmee. Haist. (_ _") Napatingin ako sa sasakyan na nasa tabi ko ngayon. May isang lalaking nakadungaw sa bintana ng sasakyan. "Miss you okay? Hop in." sabi nya tapos nagwink. "No thanks." agad kong sabi. Ayoko nga. Malay mo rapist pa yan. Kita nyo naman, kinindatan ako. Psh. Perv. -___-" Nagsimula na kong maglakad palayo sa sasakyan. Natigilan ako ng bigla na lang humarang yung sasakyan sa harap ko. HANO BUH?! Nang-aasar ba tong mga to?! "Miss sumakay ka na lang. Nagmamalasakit lang kami oh. Basang basa kana sa ulan." sabi nya na sounded sincere naman. Yeah. He's right. I am totally soaked in the rain. At wala akong ibang sinisisi kundi si Liloree at yung lintek na mukang ipis na ungentle man na yun! Weh? Mukang ipis? Parang kanina lang sinabi kong cool sya ah? Aish. Oo na. Cool talaga sya. And he's admirable. Kaso nga lang bastos. Errr. Bakit ba di sya maalis sa isip ko?! Nakakainis. Maybe this is the first time na may gumawa sakin nun kaya di ako makaget-over. And duh?! My pride. Pakiramdam ko natapakan ang pride ko! Yeah. Parang bumaba yung tingin ko sa sarili ko. Nakakainis talaga! Amph!! Grrr. Bumukas yung pinto ng sasakyan sa bandang likod tapos sumenyas yung nakadungaw na lalaki sa harapan na sumakay nalang daw ako. K. Pero pag sila may ginawang mali, bubugbugin ko sila. Swear!! Pagpasok ko sa loob napatingin agad sakin yung tatlong nakasakay sa sasakyan. Ngayon ko lang napansin, ang gwapo nila. At ang angas ng dating. Ang hot din nila. Wow huh? Ang dami atang hot ngayon? Sumasabay pa sa panahon, hot! Tapos yung tumutugtog naman ngayon yung pang gangster na kanta? Yung maangas. Yung kanta ata yun ni Eminem eh. "Cool! ^___^" sabi ko. Napataas sila ng kilay. Ang astig din kasi nung sasakyan eh. As in super cool! Pero syempre, mas cool pa rin yung Red Porsche ko. >:) Inabutan ako nung lalaking nasa tabi ko ng jacket. Wow. Buti pa tong mga to gentle man. Di tulad nung letseng mukang ipis kanina! Nakakaurat eh. Hmp! >.< "Manang oh. Suot mo. Bakat kasi eh." 0____0!!! Ano daw?! Manang?! Abay. Loko tong hampas lupang to ah! Eh kung ihampas ko kaya sya sa lupa?! Asar. Teka. 0___0!!!! Ano raw?!! Bakat?!! Napayuko ako at tumingin sa dibdib ko. Bakat nga yung bra ko. "Perv!" sigaw ko at kinuha agad yung jacket na inaabot nya at isinuot. Nagtawanan naman sila. Psh. -___- "Huhulaan ko, mahilig ka sa zebra." sabi nung lalaking nakaupo sa tabi ng nagdridrive. Sya yung nagpasakay sakin kanina. Nagtawanan ulit sila. Nakakainis na huh?! Gusto ko na atang bumaba. "Something funny?!" pagtataray ko. Eh ano kung stripes na black and white yung design ng bra ko? Ibigsabihin ba nun I love zebra? Mga ungas pala tong mga to eh. Kainis! -____-++ "By the way, I'm Vin." sabi ng katabi ko at inabot yung kamay nya sakin. Nakipagshake hands naman ako. "I'm Renesmee." naiilang na sagot ko Lumingon naman yung nagpasakay sakin kanina na nakaupo sa tabi ng driver's seat. "Oh and I'm Red" sabi nya. "Red?! Weh?! Bakit?" tanong ko bigla. "Huh? Anong bakit?" tanong naman nya na parang naguguluhan. "Bakit Red name mo eh wala namang red sayo." sagot ko naman. Napakamot sya ng ulo nya. "Jared kasi pangalan nyan." said Vin. "Shut up Alvince!" said Red. Hala mag-away daw ba? Tsk. "Ako din minsan Red tawag sakin! ^___^" sabi ko. Napakunot yung noo ni Vin at Red. "Bakit?" tanong nila pareho. Tinanggal ko yung wig ko at sinuklay yung totoong buhok ko gamit yung daliri ko. Napatulala naman sila. "Nakawig ka pala?" tanong ni Red na parang naamaze. Tumango ako. "At hindi pala sya manang!" dagdag naman ni Vin. Aba! So manang pala tingin nya sakin?! -___-++ "And her hair is red." biglang singit nung nagdridrive. Yeah. Pula ang buhok ko. Gustong gusto pa nga ng inay ko eh. Pareho kasi kaming mahilig sa red. :) Napatingin ako sa may salamin, nakatingin sakin yung nagdrdrive. Kanya kaya tong sasakyan? Ang astig eh. Di ko alam kung anong tawag dito sa sasakyan nya. Basta ang cool. Gusto ko rin nito. ^^ Ambilis nya magpatakbo ng sasakyan. Car racer ba sya? Pero mas mabilis akong magpatakbo sakanya. >:) "Eh sya? Who is he?" tanong ko na nakatingin dun sa nagdrdrive. Napatingin sila Vin at Red dun sa nagdridrive. "Ako ba?" tanong nung nagdridrive. "Ay hindi. hindi. yung manibela siguro! Psh. -____-++" Natawa naman yung dalawa. Ay ano ba yan. Ang weweird naman nila. Tsk. Eto namang katabi ko, biglang di mapakali. Nilabas nya yung i-pad nya. "Uy bago ah!" Red "Si Ales kasi eh! Ayaw na ibalik yung laptop ko!" sagot naman ni Vin Sinong Ales? Girlfriend ba nya? "Anong ginagawa mo?" Red "FB. May Wi-Fi kasi dito sa sasakyan ni Kyo! ^^" Vin Kyo? Yun ba yung name nung nagdridrive? Astig. Kanya pala tong sasakyan. Wow! Tapos ang cool kasi may Wi-Fi! "Naadik ka na ata dyan ah?" Red "Di ah. Kachat ko lang si Aril. ^^" Vin Biglang sumama yung timpla ng muka ni Red at padabog na sumandal sa upuan nya. "Si Aril nanaman. Kainis." narinig kong bulong ni Red pero di narinig ni Vin. Sino si Aril? I smell love triangle. Hmmm >:) Ang cool ng mga kasama ko ngayon. Wala akong masabi. Lalo na si Kyo. Ang cool ng dating nya kahit ang suplado. Di namamansin. -____- " *kru. kru* 0___0!! Oh no! Not now. Please. >.< My tummy. Kyaaaah. It hurts!! I need CR. Waaaaah!! Nakakahiya. Huhu. >3< "Ayos ka lang? Bat parang namumutla ka?" Vin "Huh?! Oo nga noh!" Red Aish. >.< What should I do? Bat ba ang malas ko ngayon? Nagsabay-sabay na lahat ng kamalasan ngayon ah! Nyetaaaa >:| "Uhm.. Kuyang nagdrdrive!" tawag ko dun sa nagdridrive Tumingin sya sa salamin. "Ako ba?" tanong nya Ay hindi! Yung manibela ulit. Kaurat. May iba pa bang nagdrdrive?! Aish. >.< "Oo ikaw." sabi ko na medyo nanginginig na yung boses. Ang sakit na sobra! Waaaaaaah!! >.< "Oh bakit?" tanong nya na tinaasan pa ko ng kilay. Ay ang sungit?! Hmp. "Pwede bang ako nalang ang magdrive?" tanong ko Halatang nagulat sya at bigla nyang tinapakan yung break kaya napasubsob kaming tatlo pareho nina Vin at Red. "Bakit naman?!" pagalit na tanong nya. Bakit ba ang sungit nya? "Wag ka ng magtanong. Pumayag ka nalang. Please???" pakiusap ko Nagbuntong hininga muna sya at saka bumaba ng sasakyan. Ibigsabihin ba nun ay payag na sya? Whew! Yes! :D Lumabas na rin ako ng sasakyan at pumunta sa may driver's seat. Padabog namang sumakay si Kyo sa likod. Nilingon ko sya at nag V-sign. "Kamshahamnida." (thank you) sabi ko. "Aniyeyo." (it's nothing.) sagot nya 0____0 "Korean ka?" gulat na tanong ko "Half." matipid naman na sagot nya Weeee. Kaya pala ang cool ng dating nya kaso ang sungit pffft -.- Amph. Di ako Korean huh? 100% pinoy ako. Ay. Hindi pala. Fil-am ata ako? Si itay kasi fil-am eh. Pero salitang thank you lang alam ko sa Korean language. Si itay kasi marunong magkorean pero ayaw nya ko turuan. Anyway, nandito na ko!! :) Este nandito na kami. Uh-huh. Nasa hospital na ko. Hospital namin. Dito ko nalang ilalabas ang sama ng loob ng tyan ko. Hahaha >:) Swerte nalang at medyo malapit lang ito. Napatingin ako sa mga kasama ko sa sasakyan. Si Red nakakapit sa seatbelt nya. Teka. Parang di naman sya nakaseatbelt kanina ah? Sa likod naman si Vin nasa baba. "Huy anong ginagawa mo dyan!" sigaw ko. "Huh?! Buhay pa ba ko? Di ba tayo naaksidente? Nasa impyerno na ba ko?" *Pak!* Binatukan sya ni Kyo. Nakatulala sya sakin at namumutla din sya tulad nung dalawa. May ginawa ba kong mali? Nagdrive lang naman ako eh. Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Amph. Thanks sa ride huh." sabi ko at bumaba kaagad ng sasakyan. Pumasok agad ako sa loob ng hospital namin. "Oh young lady! Ano hong ginagawa nyo rito?" tanong sakin nung nurse. Amph naman oh. Nakalimutan ko yung wig ko. Kainis! -___-++ Nakilala tuloy ako. "Alam ho ba nilang nandito kayo?" tanong pa nya. "Aish. Oo alam nila! Sige na. Babush na. natatae ako. Okay?" sabi ko at tumakbo kaagad. "Teka young lady!!" narinig ko pang sigaw nya. Hay naku. Wala akong pakialam sakanya. Basta ang alam ko, kailangan ko magbanyo. Nakakaurat din minsan maging anak nila inay at itay. Ang daming nakakakilala sakin. And they keep on calling me young lady. Asar. -___-++ I'm no longer young kaya. Pssssh Pagpasok ko ng banyo, ginawa ko na ang dapat gawin. Wala namang tao sa loob ng banyo dahil pinalabas ko silang lahat at nilock yung pinto para walang makapasok. Oh diba. Ang bait ko? Paglabas ko ng banyo ang daming tao sa tapat ng pinto. Alam ko. Ang tagal ko sa loob at ang tagal nilang naghintay. Kawawa naman sila. Haha. Pasensya na kung ang saya ko ah? Yun kasi ang happiness ko eh. Happiness ko ang manakit o mang-asar ng iba. I'm a bitch. Papalabas na ko nung mapansing may pinagkakaguluhan yung mga tao sa may lobby ng hospital. Pasyente kaya yun? Eh bakit nagtitilian sila? Baka pasyente yun na bumukas yung tyan at naglabasan lahat ng intestine? Hala. Ang exaggerate ko naman. Haha. :DD "Renesmee!!" Pangalan ko yun ah? Tumingin ako sa paligid. Wala naman akong makitang nakatingin sakin. >.< Napatingin ako dun sa side ng nagkakagulo. Eh?? Nakatingin silang lahat sakin? Napansin kong may mga lalaking pilit umaalis sa gitna ng crowd. May kumakaway. Kinakawayan ako. Teka. Pamilyar yung kumakaway sakin. Si Kyo. Wow. Kinakawayan nya ko? Ayiiehh. Hala. Bat parang ang saya ko? Aish. Bad Renesmee. Don't tell me type mo yan? NO! Napansin kong nadagdagan na sila. Parang biglang dumami sila? At teka. Makalaglag panga naman ata ang dating nila. Ang cool at ang angas! Ang tatangkad nila at ang gwagwapo. At higit sa lahat. Ang init!! Ang init nilang tignan! Wow. Papalapit sila sakin. Teka. Sakin? Ang ganda ko naman ata? Ay ang feeler ko! >.< "Sya ba yung tinutukoy nyo?" tanong ni guy 1. "Oo. Sya yun." Red "Pano ka naman nakakasiguradong mananalo tayo?" tanong ni guy 2. "Believe me. She's fast." Vin "Okay. Kung ganun, edi isama na natin sya." sabi naman ni guy 3. Teka. Ako ba yung tinutukoy nilang isasama nila?! Saan naman. At tsaka baka kung san pa nila ko dalhin! >.< "Uhm. Renesmee." Kyo. "Huh?" parang bigla akong kinilabutan nung tinawag nya ko. Aish. I hate this feeling! "Meet the Lucky 13. I'm Kyo" "Hello. I'm Mond. :)" "Sun." "Jun!" "Dos." "Pip" "Six" "Seven" "Red" "Vin" "Omi" "And Jack." Wow. Ang dami nila. "Teka. Kala ko ba lucky 13? Eh bat isang dosena lang kayo?" tanong ko. "Ah. Wala kasi si Top. Ang gang leader." sabi ni uhm. Omi? "Wow. So gangster pala kayo! Kaya pala ang astig!!" "So tara na?" tanong ni Kyo. "Huh?! Saan?" agad na natanong ko "Basta sumama ka nalang." Red "Oo nga. Pero bago yan. Bili muna tayo ng damit mo. Basang basa na rin kasi yung jacket ko eh." Vin Ha? "Pero saan muna tayo pupunta?" tanong ko. "Sa lugar kung saan kikita kami ng maraming pera. $__$" Sun "Kayo lang? Pano ako? Anong silbi na isasama nyo ko dun?" Biglang binatukan ni Jack si Sun. "Oo nga. Dapat isama mo sya! Kaya nga natin isasama eh. Sakim ka talaga. -___-" Jack Ay naku. Mag-aaway away ba sila? "O sige. Ganito nalang. 80%-20%." Red "80% sakin at 20% sainyo?" tanong ko. Biglang nanlaki mga mata nila. "HELL NO!!!" sigaw nilang sabay sabay. Kailangan talagang sumigaw?! Oh edi hindi! "Pero teka. Baka naman yang pagdadalhan nyo sakin ay sa beer house at yung tipong sasayaw ako sa gitna habang walang damit!" sigaw ko na napatakip sa katawan ko. Bigla namang namula ang mga muka nilang lahat at pagkatapos ay nagtawanan. Yung tawa nila yung tipong parang wala ng bukas. Napahawak pa talaga sila sa tyan nila. -___-++ "Di ka namin dadalhin sa lugar na tinutukoy mo noh!" Red "Oo nga! Kasi kung dadalhin ka namin dun for sure malulugi yung beer house!" Vin Nagtawanan ulit silang lahat. Tang-inek naman. Nang-iinsulto ba sila?! Pero sige. Parang gusto kong sumama. Gusto kong sumama dahil sa 1.5M na kailangan kong bayaran. Kailangan ko ng pera. "Sige. Sasama ako." Ngumiti naman silang lahat na parang bang nanalo silang lahat sa lotto. Weird. -___-

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon