[7]SMILE(^.^)
Kinaumagahan maaga akong pumasok. "What's wrong with your face?!! Waaaah!! Scary! bungad ni Ericka "Ampanget mo sis! Ay nakakalurke!!!" dagdag pa ni Khrystal "Nakatulog kaba?!!" tanong ni M "Ang iingay nyo!" reklamo ko Haist. Ayaw naman nilang sumigaw? Katabi ko lang sila oh. Psh. -___-" Ang totoo kasi nyan, di ako nakatulog ng maayos kagabi. Ginugulo kasi ako ng kunsensya ko dahil sa lintek na... TEKA! Napatayo ako at binagsak ang kamay ko sa lamesa. Nasa cafeteria kami ngayon at pakiramdam ko napatingin sa table namin ang mga taong kasalukuyang kumakain dito. Nanlilisik ang mga mata ko habang isa-isang tinitignan sila Ericka, Khrystal at M. "ANONG KALOKOHAN NANAMAN BA TO MEAN GIRLS AT PATI AKO AY PINAPAHAMAK NYO?!!" sigaw ko. O___O!! Ganito naman mga reaksyon nila. "Huh?!" Ericka "What?!" Khrystal "Ano?!" M -___-+ "Oh sige. Sige! Ideny nyo! Anong pakulo nanaman yung nilagay nyo sa bulletin board kahapon?!" galit na galit na tanong ko Masyado nila kong pinapasikat! AY! Di pala. Masyado nila kong pinapahamak! Aish. "BULLETIN BOARD??!" sabay sabay sila. "Oo. Gusto nyo i-spell ko pa? B-U-L-L-E---adgjmptw" Di ko na natuloy pa ang sasabihin ko. Tinakpan kasi nila ang bibig ko. "Okay. Okay. Chill. Inhale. Exhale. Inhale---araaaaay! Okay! Okay. Serious na. Ano ba kasi yun?" Ericka Ay jusko! Kailangan pa talagang sinasaktan bago magseryoso?! Lintek. "Uhm. Excuse me? You guys are kinda noisy kasi eh. So if you don't mind, can you please minimize your voice?" sabi nung kikay kikayang babae na lumapit sa table namin. "Wow huh? Ang tapang mo naman te para lumapit samin. Di mo ba kami kilala?" Ericka Tumaas ang kilay nang babaeng lumapit samin. "Ow. Sya lang kasi yung kilala ko eh.." sagot nya at tinuro ako, "Diba ikaw yung dahilan ng break up ni Sol at Aliyah? You're Renesmee. Right?" Nanlaki ang mga mata namin pare-pareho. What the. How did she know?! Napatingin ako sa paligid. Everyone is staring at me then after a while they started murmuring. Ayoko na neto. I don't want anyone's attention! >__< "Oh my. RENESMEE MARIE CLARKSON. Ang haba ng hair mo sis!" tuwang tuwang sigaw ni Khrystal "KYAAAAAAAAH!!" sigaw naman ni M at nagtatalon talon "Grabe! Akalain mo yun? Ikaw ang dahilan ng break up ng di matibag tibag na love team dito?!" dagdag pa ni Ericka *Sigh* Kung alam kaya nila yung totoong dahilan, kiligin pa kaya sila? (_ _") "Oh by the way. Ayaw mo ng maingay diba? Try mo pumunta sa sementeryo. For sure walang manggagambala sayo dun. Dun ka! Bagay ka dun. Chupi. Chupi! Mag-uusap pa kami dito!" pagtatabuyan ni Ericka sa babae. Muka namang napikon ang babae kaya umalis nalang. Haist. (_ _") "Uy sis! Bat naman ganyan muka mo? Di kaba masaya dahil ang haba ng hair mo??" tanong ni M "Ay ganun? Sige papagupitan ko na to mamaya." sagot ko "HUH?! ANO BA YAN!" sigaw nila "Look guys. Wala ako sa mood." walang ganang saad ko "Pansin ko nga. Bakit ba? Dahil ba sa break up ni Taeyang at Aliyah?" tanong ni Ericka "Huh? Sinong Taeyang?" tanong ko "Eeeeeh?! Sang bundok ka ba talaga galing?!" Ericka I glared. "Di joke lang. Kaw talaga di na mabiro. He-he." Ericka Sinubsob ko ang muka ko sa lamesa. Ayoko na neto. Naguguilty pa rin ako. Huhu "Uy sis. Okay ka lang ba?" tanong ulit ni Khrystal Pang-ilang beses na bang tanong yan? Daming tanong eh. Nakakaloka. -___-" "Pero ano ba talagang nangyare kahapon? Magkwento ka naman! Bat ka sinundo ni Taeyang? Yiiiieeh." tanong ni M na kinikilig pa. Sino bang Taeyang yan? Ambantot ng pangalan eh. Tae. Haha. Joke lang. But I know someone used to call Taeyang before. "Sino bang Taeyang yan? Di ko kilala yun!" sagot ko Nagkatinginan naman silang tatlo. "Taeyang. Yung kumanta ng even if it kills me to see you in your wedding dress. Oh. See you in your wedding dress. Ooooh.." Khrystal Huh? Kumakanta sya at sumayaw. Sumabay naman sakanya ang dalawa. Mga baliw na ata tong kasama ko. (-___-)?? "Sis di mo talaga sya kilala?" M Umiling ako. *PAK!* "Aray! Ano ba yan?!" reklamo ko Tama bang batukan ako. Loko tong mga to ah?! "Di mo kilala si Taeyang eh kahapon magkasama kayo!!" Ericka "Uh-huh! At may nakakita pa sa inyo na holding hands lumabas ng school kahapon!" Khrystal "At sinakay ka pa nya sa sasakyan nya! Alam mo bang si Aliyah lang ang sinasakay nya dun?" M Ano raw? Sinong.... O___O "Si SOL ay si TAEYANG!!" Ericka "Baon ka te? Baon?!" Khrystal "Psh. Ano ba yan. Taga palasyo kasi eh. Sige ikaw na. Ikaw na may palasyo!" M Upakan ko na kaya tong mga to?! Tsk. "Makikisagap na nga lang kayo ng balita mali mali pa!" Ako "Huh?! What do you mean?! Magchickanes ka kasi! Kulugo ka rin eh noh!" Ericka "Sinong kulugo?!!" Ako "Huh? May sinabi ba ko?! Si M ata yung sinasabihan ko!" Ericka "Anong ako?! Takte ka ah?! Ako kulugo?? Eh kung gawin kaya kitang bulutong dyan?!" M Hay nakoooo. Eto nanaman sila. Ang ingay ingay nila. Buti sana kung magagandang term yung ginagamit kaso hindi eh. Ang dami pa namang kumakain. Tsk. =__= *CLICK!* O___O "Ano ba yan!! Dyan ako napapahamak eh. Kuha kayo ng kuha ng picture! Aish. Kainis oh?!" reklamo ko "Aaaaaaayyyy. >___<" Silang tatlo "Kainis. Oo alam ko maganda ako at habulin ng mga networking site. Pero di na kailangan picturan pa ako para madiscover! Sikat na sikat na ko oh?!" "Ay. Feelingera! Eh kambal mo nga yung pader eh. FLAT. Hahaha!!" Ericka -____- "Hoy Renesmee walang personalan huh?! Ikaw kasi masyado kang highblood. May tinira kaba kagabi?" Khrystal Isa pa to. -____- "Pero teka. Balik na tayo sa usapan, ano naba talagang status nyo ni Taeyang a.k.a SOL? Nililigawan ka ba nya?" tanong ni M "Oo nga sis. Ang lakas naman ata ng karisma mo. Hinalikan mo lang sya nalink na agad sya sayo! Yiiieeh!!" Ericka -___-a "At eto pa! Nagbreak pa sila ng gf nya!" Khrystal "Di nya lang long time gf yun. Ang alam ko first love nya yun eh." Ericka "Balita ko nga rin yun lang yung babaeng kinakausap ni Taeyang eh. Wala syang ibang nakikita kundi yung Aliyah lang na yun. Ni hindi nga raw sya tumitingin sa iba eh!" M Sige. Dagdagan pa nila ang balitang nakalap nila. Mas lalo akong naguiguilty eh. >___< "That's not all. Aliyah is very special to him." "Aliyah is his life." "Aliyah is everything to him." Sabay sabay kaming napatingin sa mga taong sumingit sa usapan namin. Napatayo kami pare-pareho. "BIGBANG??!!" Ericka "Omo. Omo. Papicture! Kyaaaah!!" Khrystal "Gosh!! Pahug pwede?!!" M "Stop it guys." pigil ko sa mean girls Umupo ako. Ganun na rin ang Mean Girls. Bigla kasing sumulpot ang BIGBANG sa tabi namin eh. "Can we share a table?" tanong nung isang member ng BIGBANG "Sure. Sure!! Dito ka sa tabi ko. Want mo?" Ericka Amph. Ayan nanaman po sila. Umupo silang tatlo sa tabi ko. Ganito yung posisyon namin: Ako - Ji Yong - Guy 1 - Guy 2 Tapos sa tapat namin ang mean girls. "So. Can we start the discussion?" Ji Yong "Huh??" Mean girls "Let me introduce ourselves first. I'm Ji Yong, beside me is Seungri and the one at the end is Daesung." pagpapakilala ni Ji Yong "Alam namin! We are your fans!! *___* I am Khrystal." "I am M. Penge autograph! *___*" "Akin ka nalang Seungri! Pwede iuwi na lang kita? Akin ka nalang! Ay ay. Ako nga pala si Ericka. Can I call you babe? *wink*" Ang lalande talaga neto. Pag pasensyahan nyo na. Ganyan talaga sila. Haist. Sino ba ang BIGBANG? Honestly, di ko talaga sila kilala. >.< Humarap sakin si Ji Yong. "He did not went home last night." saad nya "Ay! Ay! Sino? Si Taeyang? Yiiieeh." Khrystal "Naman oh. Ang haba talaga ng buhok mo sis!" M "Talagang sinasabi pa sayo ng mga kagrupo ni Taeyang yung mga updates tungkol sakanya! Ikaw na. Ikaw na swerte!" Ericka Hay. Hay. Kung ano ano nanaman ang pinagsasabi nila. =___= "Do you know where he is?" I asked Umiling si Ji Yong. At dahil dun, mas lalo akong naguilty. ***** Uuwi na ba ko o hahanapin ko muna si Sol? Bakit ba ko masyadong concern sakanya?! My ghaaaaaaaad Renesmee! Nababaliw kana ata talaga. Pero kahit ilang beses pa ko paulit-ulit mag-isip, I still found myself looking for a way to escape. What do you expect guys? Ganito ako eh. Di na magbabago yun. Teka. Taga saan ba si Sol? Hmp. Ang hirap naman mag-isip oh!! Kailangan ko ata ng investigator? Tumalon ako sa may pader ng TSIA at there, nakalabas na ko. Sinimulan ko ng maglakad. Suddenly my cellphone rung and I picked it up. "Hello Liloree?" "Where are you again? You skipped again. Lagot ka kay inay mamaya." bungad nya "Why?! Isusumbong mo ba ko?!" "Depende pag di ka bumalik ngayon na." pagbabanta nya Call ended. Buset talaga tong kambal ko. Wala nanamang magawa sa buhay. Ayaw pa kasing aminin na miss na agad nya ko. Kahapon pa kasi kami di nagkikita. At dahil di pa naman ako nakakalayo ng school, mabilis din naman akong nakabalik. Papalapit pa lang ako alam ko nang si Liloree na ang nag-aabang sa gate. Nandun kasi ang sasakyan nya at ang daming babaeng nakapalibot sakanya. "Marie!" sigaw nya. Trivia: Tinatawag akong Marie ni Liloree kapag gusto nya kong magpanggap bilang babae nya. Oh diba? Ang galing nya. Kaya pala nya ko pinabalik sa school ay dahil may mission nanaman kami. Ay jusko! Di pa nga ako nakakamove on dun sa last naming mission eh! Amph!! Isa pang trivia sa kambal ko, first gf nya si Paula Domz, yung binugbog ko noon sa coffee shop. Di naman nya mahal yun. Ewan ko kung pano nya naging gf. Basta ang alam ko, they lasted 2 years at ako lang ang dahilan kung bakit sila nagbreak. Great Renesmee. Tignan mo tuloy ang karma mo ngayon, naguguilty ka. Pero this time, hindi mo kasalanan. Eto naba talaga ang karma ko? Hayyyysssst. (_ _") Lumapit sakin si Liloree at agad isinuot sakin ang cap na hawak hawak nya. "Ano to?" tanong ko "To hide your identity. Why people keep on asking me where you are?" "Huh? Ganun talaga. Sikat ako eh." *PAK!* "Naman Liloree ah!!" "Anong kalokohan nanaman ginawa mo?!" "Wala!" "Yung totoo?!" "Wala nga sabi eh! Paulit-ulit?!" "Mas mabuti ng nagkakaintindihan tayo. Baka ipa-package ka ni inay sa America eh. Ayoko naman malayo sayo." Nice. Yun yun eh! :) Oh diba? Ang sweet ng kambal ko? Hihi. Lakad ko kayo gusto nyo? Ay. Wag na. Baka masaktan lang kayo. Hihi "Tara na." "Saan?" "Sa mall. Di na tayo nakakapasyal eh." "Weh? Miss mo lang ako eh." "Wag ka nga. Tara na." hinatak na lang nya ko papunta sa tinakas nyang sasakyan. Nakatingin lahat sakin. I guess di nila ko nakikilala. Ang sama ng tingin nila sakin. Mga bitter. Di kasi sila mapansin ni Liloree eh. Haha. :P Naunang sumakay si Liloree sa sasakyan. Ay naku. Saan kapa?! Napaka gentle man nyan. Sobra.. =___= **** Pag dating namin sa mall, diretso agad kami sa... TIME ZONE!! Shoot lang kami ng shoot ng bola! Pataasan ng score! Sino gusto sumali samin? Kala mo wala akong problema eh noh? "Lilo you know Sol of BIGBANG?" I asked Napatigil si Liloree sa paglalaro at napaharap sakin. Parang nagulat pa sya nang tinanong ko yun. Naging seryoso ang muka nya. "Something wrong? Do you know him?" I asked again Tumango sya. "Why?" kunot noong tanong nya "Hmmm. I don't know actually. But he keeps on running on my mind eh." sagot ko Mas lalong sumimangot si Liloree. What's wrong with my twin? "Really? Can I take your mind out of your head so he can no longer run into it?" he seriously asked Joke ba yun? Di ko alam kung seryoso sya eh. Basta parang galit sya? parang..parang ang weird. "Hey Liloree! You're not shooting the balls!! Panalo na ko! Hahah!!" sigaw ko at nagtatalon talon na. Dahil nanalo ako, syempre my price! And the price is.....He'll treat me ice cream! Yehey!!! :D Jump. Jump. Jump. :D Ang babaw ba ng kaligayahan ko? uhm. Ewan ko ba. Mahilig kasi kaming kambal ng ice cream eh! Dun ata kami pinaglihi ni inay! Hihi Nakasabit ang braso ko sa braso ni Liloree habang naghahanap kami ng any ice cream parlor dito sa mall. Ganito kami kasweet eh. Ang daming tumitingin samin! Nakacap kasi ako at di halata na magkamuka kami ni Liloree. Akala siguro nila lovers kami! Hihi. ^___^ Ang gwapo kasi ng kambal ko eh. Girls really can't take their eyes off him! Nakakainlove pa yan sa sweet! Pafall nga daw syang guy eh. Di lang nila alam, ganun lang talaga ang kambal ko. Di sya pafall. Girls are really set to fall for him. "May problema ba?" I asked Liloree Bigla na lang kasi syang tumahimik at parang bigla nalang syang naging matamlay. He shook his head. "Nah. Nothing." sagot nya at inayos ang cap na bigay nya sakin. Hmmm. Weird. May problema kaya ang kambal ko? "Ay! Lilo! Sino na pala yung dinadate mo ngayon?" bigla kong natanong. Naalala ko kasi yung gf este ex-gf ni Sol. Hay naku! Pumasok nanaman sya sa utak ko! Kalurki!! >.< "Why suddenly ask?" "Hmm. Gusto ko lang malaman. Masama?!" mabilis na sagot ko He chuckled at naexpose ang dimples nya. Ay! Gwapo ni Lilo!! *___* "She's pretty." sagot nya. I know right?! ~__^ Nakita ko sya kahapon and I can compare her to a goddess. "And she's broken." dagdag nya "ANO?! Di ko gets. Ulit ulit!!" Kinurot nya ko bigla sa pisngi. >.< "Para san yun?" tanong ko "I saw you yesterday with the guy who broke my date's heart." Nanlaki ang mata ko sa gulat. ANO RAW?!!! "Lilo!!" "Are you the new Taeyang's girlfriend?" "Di noh!" mabilis na sagot ko "But I saw the picture." Mas lalong nanlaki ang mata ko "Lilo!!!" "When was that?" seryoso na sya "Lilo. You don't understand." Tumawa sya bigla. "You're in love. Aren't you?" tanong nya "Of course I am not!!! mabilis na naging sagot ko "Haha. Got it. I know you. You're a man hater." "Baliw!! Di noh!! Di ko pa lang talaga nahahanap yung magpapatibok ng puso ko." "You already found him." "Huh?!!" "Nothing. Tara na. Next time na lang tayo mag-ice cream." Ay. Ang daya. Huhu. Ang weirdo ng kambal ko noh? Bipolar yan eh. Mana sa itay namin. Pero SWEET!! ^___^ **** Pauwi na kami ni Lilo nang mag ring ang phone nya habang nagdrdrive sya. "Ako na sasagot!!" saad ko at inagaw ang phone nya "No. Wag!!" pigil nya "Why?" "Baka iba isipin nya pag babae ang sumagot. Give me back my phone" utos nya "Fine!!" sagot ko at inabot sakanya ang phone. He's using phone while driving?! Tsk. I can't believe this! Nagcross arm ako at tumingin sa labas. Gabi na. I guess it's 9PM na. I was startled when I saw something este someone. "Lilo stop the car!!!!!" napasigaw ako. *SQQQUUUEEESSSSHH!!!* Nagulat ata si Lilo sa pagsigaw ko at natapakan bigla ang break. Napasubsob kami pareho. Pero ganun pa man, kahit nahihilo ako, lumabas agad ako ng sasakyan at tumakbo papunta sa lugar kung san ko nakitang pumasok ang nakita ko kanina I heard my twin called me but I didn't looked back. Pumasok ako sa loob ng club kung san ko nakita si Sol pumasok. At I saw it right. Si Sol nga. Loner sya. Wala syang kasama at mag-isa lang syang umiinom. Umupo ako malapit sa table nya at inoobserbahan lang sya. Nakakatawa syang uminom. Hihi. Siguro after 2 more bottles knock down na yan. Hihi. Bigla syang napatingin sa side ko. Agad kong iniwas ang muka ko at yumuko. Haist. Why am I doing this? Naguguluhan na ko sa sarili ko huh? "Miss. Are you alone?" Napalingon ako dun sa nagtanong. He's obese. Dark. Hairy. Totally Shrek! Yucks! Gross. Eeew. "Huh? No. I...I am with someone." I lied "Talaga?" lumapit sya sakin. Napatayo naman ako at lumayo sakanya Wag mo ko lalapitang tukmol ka. Sisirain ko muka mo. Aish. Kaso yari ako kay inay pag nakipag-away ako!! "Wag kanang mahiya. Lika. Sumama ka nalang sakin." Eeeeew!!! Tumataas ang balahibo ko. Yuck!! They should not allow anybody here get drunk then mess up with others! Damn!! "Any problem here?" Napatingin ako sa humawak sa may braso ko. "Sol." I called Tumingin sya sakin at nilipat ang tingin sa lintek na hampas lupang nilalang na nangungulit sakin. "Ay. Kasama mo ba yan pare? Pasensya na huh? Ang ganda kasi eh. Di ko naman alam na chickabebs mo pala yan." Ano ba? Bastusan? Buset!! Baka pag di ako makapagpigil etong club naman nato ang masira ko! "Get lost." si Sol yan. Ang sama ng tingin nya dun sa pangit na baboy na makulit na dugyutin! Sige Sol. Takutin mo dali! Umalis naman yung baboy. Napatingin ako kay Sol. He's staring at me. "What are you doing here?" he asked "I followed you." sagot ko "Don't follow me." saad nya at binitawan ako at bumalik sa table nya. Sumunod ako sakanya. Ako kasi yung klase ng tao na pinagbawalan, mas lalo kong ginagawa. Umupo ako sa tabi nya. "Your friends are looking for you." saad ko pero walang nakuhang sagot mula sa kanya "Wanna go out? Let's talk outside." aya ko sakanya Tinignan muna nya ko ng matagal tsaka sya tumayo at nauna ng maglakad. Sumunod naman ako sakanya. Pag dating namin sa labas ang lamig. >.< Gabi na talaga. Inabot nya sakin ang jacket nya. "Pano-- "I'll be fine. So start talking now cause my time is precious." Ang sungit nya.. Tinignan ko muna sya na medyo naiilang.. Parang nalunok ko ata ang dila ko at hindi makapagsalita. "I'm sorr-- "I told you. I won't forgive you." mabilis na sagot nya di pa man ako tapos magsalita. "Are you done now? I think I have to go." saad nya na halatang naiirita. Hindi ako nakasagot sa kanya kaya agad nya kong tinalikuran at lumakad paalis. "Teka!!" tawag ko Di sya tumigil kaya tumakbo nalang ako at sumunod sakanya. Nakabuntot lang ako sakanya. Ang layo na ng nilalakad namin. Di kaya sya napapagod? Bigla syang huminto kaya napatigil rin ako. He turned back. "Why are you following me?" he asked "Cause I am innocent." "And so?" "I need your forgiveness." "What for? To ease the guilt?" tanong nya at saka ngumiti ng pilit. "Sorry but I won't." Aray. "K. Fine! Ayaw mo di wag!!" saad ko at tumalikod sakanya Nagsimula akong maglakad palayo sa kanya. Hahabulin ako nya. Hahabulin.. Hahabul--- I looked back. Haist. (_ _") Nagpatuloy lang sya sa paglalakad. "Hoy! Saglit lang kasi! I want to help you. I want to fix things up!" Napahinto sya. Sana tumalab na to. "I'll help you to have your ex-gf's back." Kahit nakatalikod sya ay nahalata kong nagulat sya sa sinabi ko. He turned back. "I'll talk to her." saad ko looking straight in his eyes "Don't." sagot nya "Bakit ba?!" "Cause I tried to explain but she didn't listen. She doesn't trust me so you can't do anything." "Ano kaba! Ayos lang yan! Malay mo yan talaga ang patunay na pag dating sa love, di lahat happy ending. Hehe. Appear tayo!!" sigaw ko Mukang di nya nagustuhan ang sinabi ko kung kaya ay ang sama ng tingin nya sakin. "Fine! ayaw mo di wag!!" saad ko at saka tumalikod ulit. This time seryoso na ko. I am doing my best to have his forgiveness pero kung di nya talaga ako mapapatawad, edi wag. Diba? "Wait!" Napahinto akosa sigaw nya I turned back. "You sure you want to help me?" tanong nya "Naman. Kukulitin ba kita kung hindi?!" Matagal pa bago sya sumagot. "Fine. Help me. Help me to have Aliyah again." saad nya at napangiti. Finally, for the first time. I saw him smile. He smiled at me. ******

BINABASA MO ANG
Let Me Be The One
Teen FictionDO NOT PLAGIARIZE, DO NOT COPY, DO NOT REDISTRIBUTE, & DO NOT PRINT AND SELL Let Me Be the One...Credits:ShiharuRyokoChan for my Books Covers & Yuina Queen for pdf version of soft copies. PROLOGUE Alam mo ba yung kanta ni Jimmy Bondoc na Let Me Be t...