Part 6

4 0 0
                                    

[6]Innocent or Guiltyヽ(^。^)丿
Nagtagpo ang mga mata namin. Nagkatitigan. He's freaking mad. And he's scary!! Pumasok sya sa loob ng classroom at mas lalong naging maingay ang mga classmate ko. Kilig na kilig sila dahil sa isang hot, gorgeous at masculine na lalaking naka-cap ang pumasok sa classroom namin. Hindi naalis ang tingin nya sakin. Pumasok sya ng classroom ng di manlang kumukurap. He's staring at me and his eyes are burning. Dahan dahan syang lumapit sakin. Habang papalapit sya ay naamoy ko ulit yung amoy nya nung ginawa ko yung dare. Ang bango bango nya. Lahat ng mata nakatuon sakanya. Pagkalapit nya sakin ay hinawakan nya ko sa wrist at hinatak patayo. "What?" tanong ko "Come with me." saad nya at hinatak ako palabas ng classroom. Pakiramdam ko'y nalaglag ang panga ng mga kaklase ko. Ganun din ata ako. >.> Pagkalabas namin ng room ay hinarap nya ko sakanya. "Ano bang kailangan mo?!" naiiritang tanong ko sakanya. Pero sa totoo lang. Nung hinawakan nya ko. I felt something weird. Tumatambay sa ilong ko ang amoy nya. Ang bango nya talaga! Ang sarap nyang amuyin! May nilabas sya sa bulsa nya at pinakita sakin. Nagulat ako pero umasta akong wala lang. "Oh? That picture? My friends have million copies of that." sabi ko na pilit tinatago ang panginginig ng boses ko. Di ko alam kung bakit kinakabahan ako. "Tsk." yun lang ang narinig ko mula sa kanya. Nilukot nya ang picture at tumingin sa ibang direction. Obvious na nagpipigil sya ng galit. "What do you need? I have my class!" palusot ko. Hello? Kelan pa ko nagkainterest magklase? Hinawakan nya ulit ako at hinatak papunta sa may lobby ng TSIA. Wala akong magawa habang hatak hatak nya ako. Hindi ako makapalag dahil sa lakas nya. Sa totoo lang ay ang sakit na ng kamay ko dahil sa higpit ng hawak nya. Nang makarating kami sa lobby ay huminto kami sa tapat ng bulletin board. "Can you see this??" sigaw nya Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. What the?! MEAN GIRLS!!! YOU REALLY GUYS ARE SOOOO MEAN!!! "I..I don't know what's going on!" yun lang ang nasabi ko. May picture na nakalagay sa may bulletin board. Pero ibang picture na sya. In this picture nakahawak ako sa magkabilang pisngi nya at ang close ko masyado sakanya. It seems like we are really going to kiss! Kita na pareho ang muka naming dalawa dun sa picture and it's very obvious na kami yun. May title pa na nakalagay. "Taeyang is cheating AGAIN to her famous girlfriend" Awww. What a nice title. >:) "Do you know how this picture affected my life?!" nanggigigil na tanong nya Di ako agad nakapagsalita. Nashock ako sa sinabi nya. "I..I...Arrgh! You think ako ang may kagagawan nyan?!!" pagalit na tanong ko. Nagulat ako ng bigla nyang sinuntok yung pader sa tabi namin. He's freaking mad!! >.> "Who I'm gonna blame for this?! This picture ruined my life!" sigaw nya at sinipa naman yung pader. Di ba sya nasasaktan? Nagdudugo na yung kamay nya. >___< "I'm...Hindi ko alam!! Wala akong alam dito!" pilit ko syang pinapaniwala sa sinsabi ko. Hindi ko alam kung pano ko ieexplain ang sarili ko. Why am I explaining? Wala naman akong paki-alam sa iba ah? Eto pa nga ang mga gustong gusto ko. Eto ang happiness ko. Happiness ko ang sirain ang buhay ng iba. Pero..pero parang may guilt pag dating sakanya? "I'm not cheating! You fckin alien made this thing. Why?! What have I done to you to do all this things to me?!!" tanong nya sakin. Kitang kita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya. He's in pain. Dahil ba...dahil ba sa title nung picture? Nag-away ba sila ng girlfriend nya? Kasalanan ko ba? Ako ba? Ako ba talaga ang may kasalanan? "I don't know on what's going on!! Wala akong alam dito!! Di ko naman ipopost dyan yung picture ko para pagkaguluhan diba?!" Nagsmirk sya. "You are not? Really?? Aren’t you belong to those girls who are desperately want us to break? Do you think that if we will be separated, I will look to your alien face?" Nasaktan ako sa sinabi nya. Ang sakit nun. Nakakainsulto! Nakakainsulto sya magsalita! "Tantanan mo ko sa mga pinagsasabi mo! I don't even know you!" "You don't know me?! Really?! Do you expect me to believe that?! Didn't you really plan this to ruin our relationship?" Ano ba yan!! Ambobo naman ng nilalang na to! Wala nga akong kinalaman rito eh! At bakit ko naman sisiirain yung relation nila?! Sabagay. Dun naman ako magaling eh. Ang manira ng relasyon. Pero wala talaga akong alam sa nangyayare ngayon! Kung sisirain ko man ang relasyon nya at ng girlfriend nya, hindi sa ganitong paraan! "SOL!!!" Napalingon kami pareho dun sa lugar kung san galing yung sumigaw. Tatlong lalaki ang papalapit samin. At kilala ko sila. "So you found her." saad ni Ji Yong habang papalapit samin. So ang kasama ko pala ngayon ay si Sol. At ako yung bitch na hina-hunt nya kanina pa. Ouch. Well Yeah. I know. I'm a bitch! -___- Lumapit silang tatlo samin. "She's really look like him." sabi nung isa. "Yeah. and she's really pretty. ^__^" sabi din nung isa. Pakiramdam ko'y nag-init ang muka ko dahil sa sinabi nung isa. Lumapit sakin si Ji yong. "So. We meet again, Renesmee." saad nya habang papalapit sakin. Iba yung aura nya ngayon. Parang...parang galit sya. "I thought we're friends. But why are you doing this?!" medyo mataas ang tono ng pagkakatanong nya. Napaatras ako. "How many times do I have to say that I don't know what's going on here!!" I tried to explain hoping they would believe me. Pero parang ayaw naman nilang maniwala. What to do? Sabay sabay silang humakbang papalapit sakin. Omo. Papalapit pa ng papalapit. Hanggang sa waaaaaaaaaah!!! Tumakbo ako papalayo sakanila. Grabe hinahabol naman nila ako!! At ang bilis nilang tumakbo!! 4 na gwapong nilalang ang humahabol sakin! Ang ganda ko naman! Aw Renesmee! Ngayon paba ang tamang panahon para isipin yan? -___- "Hey you alien girl!! Stop!!" sigaw ni Sol. Letse. Alien girl?! Eh kung isama ko kaya sya sa planeta ko?! Medyo malayo layo na ko sakanila at lumiko ako sa may isang hallway. May isang vacant room dun kaya pumasok ako para magtago. Phew! I'm sweating and panting! Grabe! Mas malupit pa sila sa mga bodyguard ko. Umupo ako sa isang upuan dun at yumuko sa desk. Di kaya atakihin ako ng asthma dito? Wag naman sana. ****** U____U *poke* U____U *poke* U____U *poke* "asdfghjkl!!" "What?!" "Wag ka magulo natutulog--" napabalikwas ako mula sa pagkakahiga, "Who you?!!" Bigla syang tumawa. Tawa ka ulit. Isa pa. Parang kanta yung tawa nya na ang sarap pakinggan. Agh teka tae. Anong sabi ko? Naamoy ko ulit ang amoy nya. Ang bango nya talaga. His smell...it's addicting! Hinawakan nya ko sa wrist at hinatak patayo. "Ano ba?! Inaantok ako!" "We still have issues to clear out." sagot nya. Bumalik nanaman sya sa pagiging masungit. Halatang galit pa rin sya sakin. "You made me sweaty and smelly! Where planet the heck did you came from?!" Ano daw?! Loko to! galing ako sa planet venus. Planeta ng magaganda. At ano raw? I made him sweaty and smelly? Ang bango kaya nya! Tsk. At ang wet look nya dahil sa pawis made him look more hot! Ay. Ano ba tong pinagsasabi ko? >.< "Anong issue! wag ka nga! Ayoko sumama sayo! =P" Pero kahit anong hila ko sa kamay ko di nya pa rin ako binibitawan. He's strong. And I can't believe he's stronger than me! Pag labas namin ng room sumalubong samin ang tatlong kasama nya. Bumaba ang mga tingin nila sa kamay ko na hawak hawak ni Sol. Agad silang ngumisi. Binitawan naman agad ni Sol ang kamay ko at umubo. Kelan pa sya nagka-ubo? "She's at MarCof again." saad ni Ji Yong "And she doesn't want to listen." sabi nung isa "It's really hard to convince her." dagdag pa nung isa Ano nanaman kayang pinag-uusapan nila?! Teka. Ilang oras ba kong nakatulog? Parang ang dilim na eh. "And.. She's with him." pahabol ni Ji Yong. Biglang nalukot ang muka ni Sol. Sino ba ang tinutukoy nila? Sinong pinag-uusapan nila? "Aish!" sigaw ni Sol at pagkatapos ay pumasok sya sa vaccant room kung san kami galing. Di ko alam kung anong ginagawa nya sa loob pero nakakarinig ako ng mga ingay. Sumisigaw rin sya at nagcu-cuss. >.< Nakakatakot na talaga sya. "Tsk." narinig ko mula kay Ji Yong Pumasok sila sa loob at narinig ko na inaawat nila si Sol. What on earth is happening? Gaano ba kabig deal ang picture na yun?! Paglabas nila namumula ang muka ni Sol. Namumula dahil sa galit. Tumingin sya sakin. Para syang lion na gusto akong lapain. "Don't look at me like that. I told you many times that I-- "Shut up." pigil nya sakin. Bigla nya kong tinulak at kinorner sa may pader. My ghaaaad. He's so close at ramdam ko ang bawat paghinga nya. Ang init at ang bango ng hininga nya. Shtz. Bakit ba may ganitong nilalang sa mundo?! Ayoko neto. He's giving me a different kind of feeling! "Come with me and explain everything to her." saad nya habang nanlilisik ang mga mata at saka hinatak ako. Hatak hatak lang nya ko habang papalabas kami ng TSIA. Nakatingin lahat samin. Popular ba talaga ang mga taong kasama ko ngayon? Binuksan nya ang sasakyan nya at tinulak ako papasok sa loob. This car seems familiar. Tahimik lang sya habang nagdridrive. Kasunod namin ang tatlong sasakyan ng mga kasama nya. Yung sasakyan nila ay yung gamit nila noon nung car racing. Di kaya si Sol yung kasama nila noon? Oo nga. Naka-cap yung kasama nila dati at naka-cap si Sol ngayon. Sya nga siguro yun. What a co-incidence. Ay shiz!! Edi sila yung BIGBANG?! Yung BIGBANG na sinisigaw nung mga tao noong car racing at yung BIGBANG na tinutukoy ng mean girls kanina. Amph. Bat ngayon ko lang naisip yun? Tsk. >____< **** Dumating kami sa 0_____0 Marville Coffee Shop??? Bakit nila ko dinala dito?!! Eh eto yung coffee shop na sinira ko eh!! Lumabas ng sasakyan si Sol at hinila ako palabas ng sasakyan nya. Kailangan ba talaga akong hilain?! Kasabay naming dumating ang tatlo pa nyang kasama. Okay. Kabado ako. Hello??!! Wala pa kaya akong 1.5 million! Ni piso nga wala eh. Ang malas ko talaga! Pumasok kami sa loob. Aba. Ayos na pala yung coffee shop na to eh!! Tumingin ako sa paligid at hinahanap yung may ari ng coffee shop na to. Mahirap na baka singilin ako, edi tatakas nanaman ako? Pero teka... Haist.. Ang bobo ko talaga. (_ _) Ibang branch pala to! Ay naku!! "Ano na?!" tanong ko kay Sol na nakatayo sa tabi ko Tinignan nya ko ng masama. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng hinawakan nya ulit ang kamay ko. Ang lambot ng kamay nya at ang init. Ayoko ng ganitong feeling! >.< Ano bang nagyayare sayo RENESMEE?!!! “At the left.” bulong ni Ji yong kay Sol. Napalingon naman kami pareho. Teka?! Nanlaki ang mga mata ko. Si... LILOREE?!! What the hell?! Di nya ko pwedeng makita! Baka isumbong nya ko kay inay na nagcut nanaman ako ng class! Agad akong tumalikod sa opposite side nila Liloree at kabado at ninenerbyos na naglakad papalayo. Kaso, natigilan ako nang maalalang hawak hawak nga pala ni Sol ang kamay ko. Di tuloy ako makaalis. Nilingon ko sya. Nakatingin lang sya ng seryoso sakin. “I need to uhmm… pee?” palusot ko sakanya. Nagsmirk sya. Napalunok ako. Kinakabahan ako. Kabute naman oh! Sinong di kakabahan?! Pag nalaman ni inay to for sure she won’t think twice to send me on America! I can’t imagine a day living with that old greedy president! Tsk. “Can you see my girlfriend?” tanong nya habang nakasmirk, “Huh?! Saan?!” lumingon ako sa may left side at hinanap yung girlfriend daw nya. Ay ang tanga ko nga naman talaga oh. Pano ko mahahanap yung girlfriend nya eh di ko naman yun kilala! Mas hinigpitan nya ang hawak sakin at hinatak ako at naglakad papunta dun sa left side kung asan daw yung girlfriend nya. Pero teka.. Papunta yung way namin kay Liloree! No!! Stop! Stop pulling me! Kyaaaaaaah!! Tinakpan ko ang muka ko gamit ang kamay ko. Ay shtz! Yung buhok ko pala!! Madali pa rin nya kong marerecognize!! What to do?!! “Waaaah. Huminto ka please?! Wag tayong pupunta dyan!! Please!! Makikita ako ng kambal ko!! Maawa ka sakin!! Isusumbong ako nyan sa inay ko!! T^T” pagmamakaawa ko kay Sol. Amph naman oh. Pagmamakaawa?! Grrr. What a nice term. Shtz. Ngayon lang ata naging uso yung salitang yun sakin! Asar! >.< Napahinto naman sya at tumingin sakin. *puppy-cute-dog-eyes* “Maawa ka please?!” Tinulak nya ko paupo sa upuan malapit sa side ni Liloree. Naupo naman sya sa katapat kong upuan. Tinatakpan ko pa rin ang muka ko at sumusulyap sulyap kay Liloree. Aish. Ano bang ginagawa nyan dito?! Teka. Ngayon ko lang napansin may kasama pala syang babae! Aha!! Isusumbong ko sya kay inay!! Ay pero feeling ko naman di sya papagalitan ni inay eh. Matutuwa pa yun for sure! Tsk. Napalingon naman ako sa kabilang side namin ni Sol at nakita ko ang tatlong kasama nya. Yung dalawang di ko kilala nakatingin banda sa side nila Liloree tapos tong si Ji Yong nakatingin sakin. At hindi lang basta tingin, nakamamatay na tingin!! Ano bang kasalanan ko?! >o< “Can you see her?” tanong bigla ni Sol I looked puzzled. “Who?” tanong ko Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at hinarap banda dun sa side ni Liloree. “Baliw kaba?! What the hell are you doing!! Baka makita ako ni Liloree!!” sita ko kay Sol Parang bulate lang eh. Ang kulit! Hmp!! Ay teka. Omo. Lumingon ulit ako sa side ni Liloree. “You mean..her?!!” medyo napataas ang boses na tanong ko sakanya. Napatingin samin ang ibang tao at feeling ko pati na rin si Liloree at yung kasama nyang girl. Nilusot ko ang ulo ko sa ilalim ng lamesa. Ganun din si Sol. Ay takte. Para kaming tanga!! “Be quiet!! We are spying her!!” sita nya sakin habang nakayuko kami sa may ilalim ng mesa. Baliw naba talaga sya?! Bat nya ko isinama dito kung magsspy lang pala kami dun sa girlfriend nya. At teka!! Yung girlfriend nya. Kasama ngayon yun ni Liloree!! Kung girlfriend nya yun… bakit sila magkasama ni Liloree? Haist. Ano to bugtong-bugtong?! Kaloka!! Bumalik ako sa maayos na posisyon at kumilos na parang walang nangyare. Sumulyap ako ng konti sa may side nila Liloree at O____O WALA NA SILA?!!!! Agad may humawak sa may wrist ko. Pagtingin ko nakita ko si Sol at hinatak nya agad ako. Pansin ko lang di sya mahilig mang hatak!! >___< Hatak hatak lang nya ko hanggang sa makalabas kami ng MarCof. Paglabas namin O_____O “Sol.” mahinahong tawag sakanya ng babaeng kaharap namin ngayon Sya nga yung kasama ni Liloree!! At… she looks familiar. Medyo lumapit pa kami ng kaunti sakanya. Di na nya kasama ang kambal ko. Saan naman kaya nagpunta yun?! Napatitig ako sakanya. Parang ayaw kumurap ng mga mata ko. Grabe. Para akong nakaharap ngayon sa dyosa. All I can say is she’s pretty!! Wala akong masabi. >.< “What are you doing here?” mahinahong tanong nya. Ang calm lang nya. Yung boses nya parang nagpapatulog ng baby! Mala anghel yung boses nya!! “I followed you.” mahinahon namang sagot ni Sol. Yung suplado at nakakatakot na kasama ko kanina ay parang maamong lion na ngayon. Ni hindi sya makatingin sa babaeng nasa harap namin ngayon. He’s blushing at para syang kinakabahan! Whew!! This girl is really amazing!! The guy who’s with me is deeply in love with her. “You should not. We’re over.” sagot ng babae sa kanya. Nagulat ako sa sinabi nya. Humigpit ang hawak sakin ni Sol. Napatingin sakin yung babae. Ngumiti ako sakanya pero pilit. Bumaba ang tingin nya sa kamay ko na hawak hawak ni Sol. “So is she the one?” tanong nya Napatingin sakin si Sol at binitawan agad ako. Lumapit sya dun sa girl. "I can't let you go." saad ni Sol Umiling lang yung babae. “I’m not trying to make sense here. I’m just trying to make things right.” pagpupumilit nya “You cheated Sol. You think I can let this thing pass once more?!” saad ng girlfriend nya.. Or EX?? Pumatak na ang luha ni girl. My ghaaaaad. I think I need to explain now. “Ahm. May I explain everything to her?” tanong ko kay Sol Umiling naman sya. Baliw ba sya?! I want to help him!! Tumingin ako kay girl 'Miss. Ang totoo kasi nyan--" “Don’t explain to her. It’s my job to do that!” putol ni Sol sa sasabihin ko Napa O____O naman ako. Shocking ha? Sinigawan nya ko!! Nakakailan nabang sigaw sya sakin?! Pinapalampas ko lang yun dahil alam kong may kasalanan ako pero over na!! -____-++ “I think we need to end this.” sabi ni girl at pinunasan agad ang luha nya “Why? Why can’t you just believe me?” halatang nanginginig na ang boses ni Sol. Sige. Sa harap ko pa kayo mag-away. Ako ang nahihirapan sainyo! Amph!! >.< “Because I’m tired of believing you. I am now breaking up with you. So just let me go.” Woah. Napanganga ako sa sinabi nya. Sakit nun dre! “You can’t break up with me Aliyah.” “I already did. I broke up with you and there would be no turning back.” Ouch naman yun!! Haist!! Di sila magkaintindihan!! Eto pala ang tinatawag na misunderstanding!! >o< “Why? Because you already have a guy who you will use to forget me?!” tanong ni Sol na halata ang galit sa boses nya. “I will not use him. I will love him.” matigas na sagot ng EX nya Aray! Hahah. Basag si lover boy! >:) “You replaced me so fast. I can’t believe this.” saad ni Sol at saka tumingin sa langit. “This is so painful.” dagdag pa nya. Akala ko may sasabihin pa si girl pero tumalikod na sya at sumakay sa kulay yellow na Benz car. Omo. Cool!! *____* Pero teka?! Sasakyan ni Liloree yun ah!! Shz. Shz. Shz. Nakita nya kaya ako?!! Ghaaaaaaaad!! At wait! I thought we are grounded?! Amph! Tinakas nya yung sasakyan nya! Bad Lilo!! >.< Napansin kong may basang bagay ang pumatak sa sahig. Alam ko kung anong bagay yun at galing yun sa mga mata ni Sol. He’s crying and I can’t believe na AKO ang dahilan kung bakit sya umiiyak ngayon. Umiiyak sya dahil iniwan sya ng babaeng mahal nya dahil sa pag-aakalang niloko nya. Kasalanan ko to eh. “I’m sorry. >.<” first time na lumabas sa bibig ko. Humarap sya sa side ko. "What a nice life." pilit syang ngumiti. Namumula ang mga mata nya. "Sorry. >o<" there. I said it again! "Don't be. Because I will never forgive you." Pagkasabi nya nun ay naglakad na sya paalis kasama ng tatlo. Naiwan ako dun mag-isa at puno ng guilt. ******

Let Me Be The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon