Chapter 5: Savior

75 5 1
                                    

Sabi dito ang pinaka-ordinaryong Boss soul stone ay ang Ordinary which madali mo lamang makikita. Kahit ganon ay malakas parin ito. Ang Rare ordinary boss soul stone lamang ngayon ang naitatalang pinaka-malakas na nakukuha na soul stone. Ang mythical ay minsan lang kung makita at yung legendary ay talagang wala pang nakakakita.

Tinignan ko kong saang Type ng boss makikita ang Dragon,Mythical!
Sigurado akong malakas ang isa na ito. Sumunod ko namang tinignan ang Pheonex pero maraming uri ito. May Fire,Wind,water,earth,nature,Electric at ordinary pheonex.

Base sa nakita ko ay electric ang kapangyarihan ng pheonex na iyon so siguro ay electric pheonex iyon at.....what?Legendary?

Bakit ganon?Bakit may naglalaban na mythical at legendary boss?Pero kahit ano pa iyon ay ayos lang iyon as long as nasa akin.

Tinignan ko naman ang uses nito. At kailangan mo ng tinatawag na Soul rope binding. Pagnagamit mo na iyon ay magiging isa na kayo ng napili mong boss monster soul at hindi na ito pwedeng palitan. So better choose wisely!!Pagnaging isa na kayo ay pwede mo nang gamitin ang mga abilities nya at ang mas maganda ang tinatawag na Monster Soul keeper form kung saan magkakaroon ka ng ilang parts ng ka soul rope binding mo. Kagaya nalang halimbawa pag nag soul binding rope kami ng electric pheonex pwede akong magkaroon ng ilang parts ng katawan niya like yung pakpak or what-so-ever.
Hindi ko na tinapos basahin dahil nalaman ko naman na ang mga gusto kong malaman.

Humiga na ako at isinout ang nervehelmetset at "Online".

Nandito na ako ngayon sa loob ng game. Kailangan ko nang maghanap ng card na tinatawag na Soul Rope Binding sa tingin ko ay may iniu-auction na ganon.

"Ah,sir. Pwede po bang magtanong?saan po baatatagpuan ang auction house dito?"Pumunta ako sa isang guard. Tinignan nya ako taas at baba tapos tumango-tango.

"Wala ka ditong makikitang auction house utoy pumunta ka sa Merry New city at magtanong sa mga guards doon Alam kong tutulongan ka nila."Hmm?Merry New City?weird name...

Tinananong ko kung saan ito matatagpuan at thankfully malapit lang ito half and hour ka lang naman maglalakad para makarating roon.

Well ayos narin iyon para magkapagpa-level ako. Lumakad na ako at ang dami ko ngang monster na nakasalubong sa daan. Iba't iba,may malakas may mahina but thank fully I managed to get rid of 'em.

"Hay!natatanaw ko na ang mataas na pader"Konting lakad nalang surely anduon na ako.

Naglalakad lang ako at alisto para sa mga ambush o sneak attack ng mga monster.

"Kyaaaaah"May narinig akong sigaw mula sa di kalayuan. Tumakbo ako papunta roon ng mabilis yet maingat.

Nakarating na ako roon. Nandoon ang isang babaeng may hawak na bolang Cristal ata yoon.

"Kukukuku,well what''cha whe have bhere"fppt~Nagpipigil ako ng tawa. Anong klaseng language ba iyon?

Bumunot ito ng espada na may ukit ng dragon sa gitna. Mukhang hindi ordinaryong espada ang isa na iyon!

"Misshie anhong gutso mo?mhakipad larow sa amich o maphatay?"Itinutok nito ang espada nya sa babae. Ngayon ko lang napansin na may mga interspacial ring sa lupa. May mga namatay na dito!

"Hik!"May lumapit na lalakeng nakaitim na parang ninja sa lalake at may ibinulong. May apat nalang lackeys ang bungal na ito!

Naluluha na ang babae. Anong gagawin ko?Pag-nilabanan ko sila ng head on parang nag-hukay na ako ng sarili kong libingan!

"Kukuku,whatcha yoo shay misshy"Bastos ang isa na ito!Hindi ko na kaya lalabas na ako!

Tumayo ako at hinugot ang espada ko"Tsing"
Lumapit ako sa kanila ng hindi nila napapansin at "Upper dragon slash".

"Tsik!ahhhhh"Nahati sa dalawa ang player na tinamaan ko. Naalerto naman ang mga loko. Tumingin sa akin sabay sa kasama nilang nabasag na na Parang salamin.

"W-whatcha yoo chink yoo doinge?"Sabi ni bungal.

Hindi ko na pinatagal pa at "Dragong Dragon Slash"Pinataman ko ay si bungal pero humarang sa kaniya ang tatlo nyang lackeys"Tsuk!"Nahati na rin sa dalawa ang tatlo at na tulala si bungal at nanginginig.

"Cho-chorry"Tumakbo na ito patakas pero hinabol ko. Not so past!"Dragon Dive"Para akong bala na tumama at humati sa kaniya sa dalawa. Naihagis nya ang espada nya pataas at nabasag na sya na parang salamin.
Pinulot ko ang espada nya. Maganda nga ito!Kulay blue ito na may mahabang Chinese dragon sa gitna.

"Sorry pero,finders...keepers"
Pinulot ko yung mga interspacial ring nila at nakakuha ako ng 10.

Pupunta na ako ng city!marami rami akong na loot!

"Hey......thank you"Napaharap ako sa babae. Ay Oo nga pala ay almost forget about her.

Lumapit ako sa kaniya at tinignan sya mula taas at baba. Nakasuot sya ng robe pero ang panloob niya ay kita at halatang underwear lang iyon. Maganda ang armas at ang dami......well sigurado akong mayaman to!

"Oh?No problem. Bakit ka nga pala nila hinahabol?I'm X_Versa by the way"Inilahad ko ang kamay ko at kinuha niya naman. Tinulungan ko syang tumayo.

"I'm Meal,isa akong fighting mage isang hidden class at level 50 na ako. Ako ang anak ng Territory at guild lord ng New Merry"Wow ang haba ah. Pero teka,level 50 na sya?tapos may class pa at ang mas nakakagulat anak sya ng guild lord!"Ang totoo ako ay inihahatid ng mga mercenaries pauwi sa Merry New City hanggang sa i-ambush kami ng mga iyon!X nalang itatawag ko sayo kasi masyadong mahaba ang X_Versa"Ngumiti sya. Tss. like I care

"Mercenaries?EDI malalakas ang mga iyon bakit naanihilated sila lahat?"Nakakapag taka naman!

"Ang totoo sila ang best mercenaries ng Merry New City at ang mga pinatay mo ay ang mga pinakamalakas na myembro ng Bat Riders na mga pusakal sa Merry New City kaya hindi kinaya ng mga mercenaries pero ang lakas mo X at natalo mo sila ng mag-isa"Tumingin sya sa akin at kumikislap-kislap ang mata.

END--------×

VOTE!VOTE!VOTE

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clash!Fight!Enjoy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon