Geass 1

3.9K 49 8
                                    

Kaito Voldyck   January 20, 2025

"Andito na po tayo, young master." Magalang na pahayag ni Butler Kir.

Tumango na lang ako at lumabas na sa Porsche car na pagmamayari ng pamilya namin. Inabot naman ng isa sa mga butler ang bag ko.

"Mag-iingat po kayo, young master." Sabay sabay na pahayag ng bale anim hinde pitong butler ko. *Smirk. Nagtatago yung isa sa likod ng puno.

Ngumiti na lang ako ng tipid at nagsimula nang maglakad papasok sa gate na may anim na pintuan. Gate na yari sa matigas na bakal at sing taas na ng Mt. Everest sa laki. Wala rin iton susi o kahit ano. Hindi ako nagbibiro. Para bang sinadya talagang huwag lagyan ng padlock. Mapapansin din dito ang mga imahe ng dragon sa gild palibot sa taas ng gate.

Sisimulan ko na sana itong buksan ng may naramdaman akong presensiya sa likod ko.

"Iho, anong kailangan mo?" Tanong sa akin ng isang matandang guard pagkalabas nito sa guard house na ngayon ko lamang nakita.

"Mag-eenroll po ako sa Namimori Detective School." Maikling tugon ko dito.

Sumeryoso naman ang tingin nito sa akin. " Bata, hindi ito biro. Mabuti pang ngayon pa lang tumigil ka na." May pagbabanta sa himig ng pananalita nito.

" I have my geass." Emotionless na sabi ko sa kanya at naglakad na lang ako patungo sa direksiyon ng gate upang buksan ito.

" Mamamatay ka kapag ipinagpatuloy mo pa iyan. 2 tons ang bigat ng unang pintuan. Sa bawat pintong bubuksan mo ay doble ang bigat. Imposible. Kapag di ka nagtagumpay buksan ang pintuan na iyan may naghihint---"

Agad namang napanganga ang guard sa nakita niya.

Nabuksan ko agad ang dalawa sa mga pintuan gamit lamang ang isang kamay.

"Oh diba, nabuksan ko." Mahina kong sambit sa guard na siya namang ikinatawa niya.

" Magaling ka iho. Oh siya, pasado ka na sa basic requirements ng school na ito. Maari ka nang nagsimula. Saglit lang at kukunin ko na ang susi at room number mo. Pasok ka muna."

Napatanga naman ako. Yun na yung test?

Nagdalawang isip muna ako bago sumunod sa guard. Ok, fine =___=

"Uum manong. I mean pasok na ba talaga ako?" Nanghihinala kong tanong.

Napatawa na naman siya sa tanong ko.

"Temporarily. Unless you pass the real test." Humigop muna siya sa  kanyang kape bago niya ipagpatuloy ang pagsasalita niya. " Marami na kasing nagtatangkang pumasok para lang sumikat at yumaman kaya napagpasiyahan ng Board na magtayo ng Gate na maari lamang magbukas sa mga taong may Geass. And you're lucky to have one of them." At tinapik niya ang balikat ko.

Umismid ako sa tono ng pananalita niya. " You also have geass don't you?"

" Wow. Paano mo nalaman?" Manghang mangha niyang tanong sa akin. Masyado kayang obvious ang sagot.

" Simply the school won't hire weak people."

"Bingo! Kaya galingan mo ha, iho." At nagthumbs up pa si manong sa akin. Inabot na nito sa akin ang room number, susi at mapa ng school grounds kaya napagpasiyahan ko nang umalis at ipagpatuloy ang dapat kong mga gagawin.

*

Room 2161

Eto na ang room ko.

Simpleng kwarto lamang ito. Maliit ito kumpara sa kwarto sa mansion namin. Pero sapat na ito para magkasya pa ang dalawang tao. Napabaling naman ang tingin ko sa kaliwa. Naandito na rin pala ang lahat ng gamit ko.

Napagpasyahan kong mag-shower muna bago pumunta sa office.

Habang nagbibihis ako pagkatapos maligo napansin ko ang kulay pulang peklat na nasa dibdib ko.

Hinawakan ko ito. Hugis ibon ito. Ito ang geass.

Piling tao lamang ang maaaring magkaroon ng geass. Sinasabing nagmula daw ito sa mga ninuno limang taon nang nakakaraan. At limang taon na rin simula ng matapos ang digmaan.

Umiling iling na lang ako. Ba't ko ba ito iniisip? Mali ito.

Lumabas na ako sa kwarto at naglakad na patungo sa office. At kanina ko pa pala napapansin, may sumusunod sa akin kanina pa.

Let's play a game. I smirk.

Chario Ellis

Kanina ko pa siya sinusundan sa campus. Inutos na rin ito sa akin ni tita na sundan siya pagkabukas niya sa Testing Gate.

Sabi ni tita tingnan ko raw kung papasa na ba ang applicant na ito. Well, pang-sampu na siyang nakapasa sa Testing Gate para sa ngayong araw. Tapos ko na ring subaybayan ang mga naunang siyam sa kanila.

Mukha naman siyang normal sa paningin ko. Well, may maamo siyang mukha at mapanuring mata na kapag tinitigan mo ay parang alam na niya ang nasa isip mo. Basta, parang ganun. 

On the other hand, I doubt it.

He seems really strong. To open the gate with one hand?

Pero I really wonder kung nararamdaman ba niyang sinusundan ko siya, kasi parang normal naman ang mga kilos niya.

Nagpatuloy lang ang pagsunod-sunod ko sa kanya ng may mapansin ako. Wait-- pangngatlong bese na namin ikot to ha!! Naliligaw ba ito or may pagkatanga lang?

Tumingin ulit ako sa direksiyon siya ngunit wala na siya doon. Nagpalinga linga ako ng may biglang may magsalita sa likuran ko. How come??

"Why are you following me. Eto, na ba ang test?" Nakapoker face niyang tanong sa akin.

Napakurap na lamang ako. Tulala pa rin ako sa nangyari.

Humakbang ito paharap sa akin habang ako nakapako lamang ang tingin sa kanya. Ba't ba ayaw gumalaw ng paa ko pahakbang?

"Loss with words, eh?" At hinaplos nito ang buhok ko and the next thing, wala na siya sa harap ko.

Swear, I saw him controlling himself from laughing at me nung umalis siya sa harap ko. What the hell just happened?

Kaito's Case: In the year 2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon