Geass 4

449 18 1
                                    

Day 1: Introduction of The 10 Candidates.

Kaito Voldyck    _ January 21, 2025

( Play the music video while reading this story)

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Dahandahan kong minulat ang mata ko at nagulat sa nakita ko.

"Na.. nasaan ako?" Tuluyan ng nagising ang diwa ko. Pamilyar ang pakiramdam na ito sa akin.


Asul na ulap.

Kulay berde at mga nagtataasang mga damo.

Mga ibong humuhuni sa dalampasigan.

Pero mas nakuha ng atensyon ko ang tatlong pamilyar na tao sa di kalayuan. Isang lalake at babae, may kasama rin silang batang lalake na sa tingin ko ay nasa limang-taon gulang lamang. Magkakahawak kamay sila at masayang nagtatawanan. Hindi ko sila kilala pero bakit gustong gusto ko sila mayakap? Bakit bigla akong nakaramdam ng inggit sa mga nakikita ko? Kahit alam kong wala naman itong katotohanan. Kahit alam kong illusion lang ito ng aking mumunting pag-iisip.

Napatulala ako.


Hindi. Hindi ito totoo.. panaginip lang ito. Hindi sila totoo. Pangungumbinsi  ko sa sarili ko. Pero gusto ko talaga silang makasama. Kahit ngayon lang. Ramdam kong importante sila sa buhay ko. Mga alaalang nabura sa isip ko sa matagal na panahon. Mga alaalang siyang dahilan kung bakit hindi ako mabuo..

Agad akong tumakbo sa direksiyon nila. Ngunit sa bawat hakbang ko ay lalo silang lumalayo. Kahit anong takbo ko ay di ko pa rin sila maabot. Nagiging desperado na ako sa mga oras na ito.

Naramdaman kong may pumatak na luha sa mata ko.


Am I crying?


" Master Kaito, gising na po kayo. Binabangungot po ba kayo? Uwaa. Anong gagawin ko?" Natatarantang boses ang narinig ko sa pagitan ng mga paghikbi ko.


Sa isang iglap, nabuo ang lahat ng lungkot sa dibdib ko. Panaginip nga lang ito', ani ko' sa sarili ko'.


Humiga na ako sa mga damuhan at pinikit na ang mga mata ko, sa ganitong paraan alam kong makaka-alis na ako sa ilusyon na ito. Ganito lang ang nangyari hanggang sa tuluyang lamunin na ako ng realidad at bumalik sa sariling katinuan.


"Master Kaito? Yuhoo", at kinurot niya ang pisngi ko.


" Anong ginagawa mo dito?", nagulat naman siya sa biglang pagmulat ko at napahawak siya sa kanyang dibdib. "Master Kaito naman eh, wag' po kayong manggulat. Matanda na po ako at may sakit pa sa puso." Sunod-sunod na salita pa nito.


Sa palagay ko ay isa tong maid na matagal ng naninilbihan sa Namimori. Visible na rin ang mga lines sa noo at pisngi nito. Maliit, maputi at may katabaan na ito pero mas higit na kapansin pansin dito ang marka ng isang commoner. Napatigil ako at pinagpawisang mabuti.


Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko.


Magkakaroon ka lang ng marka ng isang commoner kung ikaw ay ipinagbili bilang isang alipin o tagapanilbihan ng taong bumili sa iyo. Tama ka sa iyong' mga naririnig. Nauso ang pagbili ng alipin simula ng digmaan at naging mag-kakaaway ang mga bansa. Idamay mo pa ang mga makasariling opisyal ng pamahalaan. Wala man lang ginawa kundi mangurakot at magtago sa dilim.

Kaito's Case: In the year 2025Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon