Third shot: Meeting her.
Min Yoongi/Suga's POV
Naka-upo ako ngayon sa bench. Iniisip ko kung sino 'yung babaeng tinutukoy ni Cupid. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya nag-papakita sa akin.
Tumayo nalang ako tsaka nag-lakad lakad.
"A-aw! Bwiset! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sagaw ko. Bigla kasi akong natumba. Nabangga ako e.
"S-sorry." Sabi niya. Tinignan ko nalang siya tsaka tumayo. Siya si Hyeri, 'yung babaeng sinasabi saakin nu'ng walang'yang Cupid na 'yun.
"O-okay lang." Sabi ko. Tsaka tinulungan siyang tumayo.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Naka-titig lang siya sa mukha ko, pasimple ko namang pinunasan 'yung mukha ko. Malay ko ba kung may dumi diba?
"A-ah. Oo." Sabi niya tsaka kinuha 'yung mga gamit niya saakin.
Naipana na kita... Kailangan mo lang makiramdam...
"Miss--I--I mean ano. Ano ba 'to." Tawag ko sa kanya pero napatigil din ako nang maalala ko na nasa upside down world kami. Naman e, should i call her Sir? Mr? Sht.
"Hyeri will do." Sabi niya tsaka nginitian ako.
Ang ganda niya.
"Ah, Hyeri, I'm Min Yoongi aka Suga." Sabi ko tsaka ngumiti sa kanya.
"A-aww" Sabi ko nalang nang pisilin niya 'yung pisngi ko. Medyo masakit. Jusko.
"Ang cute mo ngumiti, ang sarap mong ligawan." Sabi niya habang naka-ngiti. Nanlaki naman kaagad 'yung mata ko sa sinabi niya.
"Joke lang, hindi ako nan-liligaw. Kailangan ko pang tapusin 'yung mission ko." Sabi niya tsaka ngumiti.
"Ba't ang hilig mong ngumiti?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi kasi ako pala-ngiti nu'ng mga panahong nasa normal na mundo pa ako. Tapos pag-ngi-ngiti ako it's either na pilit or naka-ngiti 'yung taong mahal ko." Sabi niya tsaka tumingala.
"Ba't kasi sa kanya ka lang naka-focus?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi nangako siya sa akin na ako lang. Kaya hindi ko binitawan 'yung pangako niya saakin. Lagi ko siyang pina-panood sa malayo, sa t.v, tapos pumupunta din ako tuwing may fan signing event sila. Balak ko kasi sanang mag-pakilala sa kanya kapag magaling na ako. Pero may dumating na babae, hindi naman kasi talaga para sa kanya 'yun, pero na-fall siya du'n." Sabi niya sa akin tsaka ngumiti.
Ba't ba parang ang saya niya lagi?
"Galit ka ba sa babae?" Tanong ko ulit. Umiling naman siya.
"Hindi. Wala naman siyang kasalanan kung bakit na-fall sa kanya 'yung taong mahal ko e. Kung tutuusin kahit lalaki ako ma-fa-fall din ako sa kanya. Tsaka wala din naman akong karapatang magalit." Sabi niya ulit.
"Ganun ba talaga siya ka-ganda? Tsaka di'ba nangako siya sayo?" Tanong ko. Okay ako na 'yung matanong, bakit ba? Masayang mag-tanong hehe.
"Oo, maganda siya, talented, kalog, malakas samantalang ako, kalbo, walang alam na sports, tsaka mahiyain at mahina." Sabi niya kaya naman napa-tingin ako sa kanya. " 'Yung promise niya? Naka-limutan niya na siguro. Hindi niya naman kasalanan 'yun e. Bata pa kasi kami nu'n." Dugtong niya pa.
"What do you mean? Kalbo ka? Minamaltrato ka? Ano?" Medyo napa-taas 'yung boses ko kaya naman napa-tawa siya ng mahina.
"No, haha. Alagang-alaga nga nila ako e." Natatawa niyang sabi.
"Ha? E ba't ka kalbo?"
"May cancer kasi ako. Kaya ako kalbo." Sabi niya tsaka ngumiti.
"C-cancer?" Tanong ko. "So ba't ka nandito?"
"Pinapasyal kasi nila ako, bago ako operahan. Pero nakita ko 'yung taong mahal ko na may kasamang iba kaya sinabi kong sundan namin sila. Tapos may truck na paparating, imbes na tamaan 'yung babae, siya 'yung tinamaan. Tapos medyo lumihis 'yung truck kaya nasagi ako tapos hindi ko na alam 'yung nangyari, basta ang alam ko, buhay pa ako." Sabi niya kaya naman tumango ako.
"Hmm. Medyo tragic--no tragic talaga 'yung kwento ng lovelife mo, haha. Kung papapiliin ka, upside down world o normal world?" Tanong ko ulit. Okay, last na 'to.
"Nu'ng una gusto kong bumalik sa normal world pero nu'ng nalaman ko na mag-kasunod lang kami ng taong mahal ko na nakarating dito, parang mas gusto ko na dito kasi naka-usap ko na siya." Sabi niya tsaka ngumiti.
"Talaga? May ay oo nga pala. Diba sabi mo nabangga ng truck 'yung taong mahal mo? Tapos nandito siya? Sino ba siya? Gusto ko siyang ma-meet." Naka-ngiting sabi ko sa kanya.
"Ikaw."
-
Note: Omgggg. Hindi ko alam kung ano 'tong mga pinag-su-su-sulat ko. Sorry na talaga.
BINABASA MO ANG
Upside Down • Suga
Random[ R E V I S I N G ] "What the fuck?! So this is the upside down world. This is no swag." Min Yoongi. All rights reserved @hanbae- 2016 credits to hyunjae- for the book cover