Action 6 ☞ Ace Of Angels

4 0 0
                                    

Action 6
#TPOLMNGAceOfAngels


Zhainelle's POV


"Kayo??"


Hindi ko alam kung masasabi kong stalker ko ang mga to or ano. Takte. Simula pa nung nasa korea ako palagi ko na silang na-e-encounter. Para silang mga mushroom na kung saan saan nalang sumusulpot. Para rin silang bula na bigla bigla nalang mawawala at higit sa lahat para silang mga multo na magpapakita sayo sa hindi mo aasahang lugar, unexpectable date and place.

Ang Ace of Angels..

Ang totoo. Malapit na akong maniwala na hindi sila tao. Buti nalang hindi ako naniniwala sa mga mythical creatures.

"Oh what a coincident. Nandito ka rin pala Serenity. Ang saya nagkita na naman tayo." sabi ni Odette na pumapalakpak pa. Tss.

"Ang weird mo talaga Serenity. Sa ganitong lugar at oras mo pala gusto mamasyal. So.. cheap." sabi ni Agatha na diring diri pa.

Tinignan ko si Adelle na nasa driver seat. Nakita ko siyang naghikab habang nakatingin lang sa harap nito.

"Sasakay ka o iiwan ka namin dito?" sabi nya ng hindi lumilingon.

Tumaas hanggang bumbunan ang kilay ko. Ang kasungitan talaga ng babaeng to umaabot hanggang sa alapaap ng ulap.

Pumasok na ako sa kotse nila bago pa niya totoohin ang sinabi niya. Sa shot gun seat ako umupo kasi yung dalawang sa likod nakaupo. Ang galing. Ginawa nilang driver si Adelle.

"Hindi ako magtatanong kung bakit kayo napunta sa lugar na to. Pero gusto ko malaman kung ano bang lugar to?"

Gusto ko lang talaga malaman kung anong lugar to para next time kung mawala ulet ako. Hindi na ako makikisakay sa iba para makaalis.

"Ang alam ko. Ether ang tawag sa lugar na to. Isolated at pinagbabawal ang tumungtong sa lugar na to kasi mundo ito ng mga nakakatakot na nilalang. Ahm.. You know naman what I mean.." sagot ni Odette.

"You mean.. Gangster??" tanong ko. Nakita ko sa salamin na tumango tango si Odette habang nakatingin sa net book niya.

"Ether is the fifth and the highest element after fire, earth, water and air. Philippine gangster use element as to level the ranking of most powerful and strongest gang in the country. The Air or the Pegasus is in the first rank followed by Water or the Poseidon and the third is Fire or Phoenix, the forth is Earth or the Python. In a whole, the G.A.G (Goddess Angel Gang) is on the top who have the power to control the 5 gangs. They have the strenght to despatch the 5 gangs into hell. They were called the goddess who ruled the world of gangster." mahabang paliwanag ni Agatha.

"Tss. I hate it." sabi ko sabay tingin sa side ko.

"Huh?" naramdaman kong nilapit ni Agatha at Odette ang mukha nila sakin.

"That gangster.. I hate them.."

Galit ako sa kanila kaya hangga't maaari ayokong maging parte ng mundo nila. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang gangster sa pagkamatay ng ate ko at hinding hindi ko mapapatawad ang sino man sa kanila kapag nalaman ko nga na may kinalaman sila dito.

Hangga't kaya ko. Uubusin ko silang lahat. Magpapalakas ako at pagbabayarin ko ang sino mang pumatay kay Zhannea.


Zeus' POV

[TPOLMNG] The Player of Love Meets Naughty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon