Action 7 ☞ Back to School

5 1 0
                                    

Action 7
#TPOLMNGBack2School

▶ AOA MAID'S CAFE
Zhainelle's POV


"Ano bang problema mo?"

"Ikaw, ano bang problema mo?"

"Ako una nagtanong kaya sagutin mo ang tanong ko."

"Wala akong pakealam kung sino ang unang nagtanong basta gusto ko ang tanong ko ang sagutin mo!"

"Grrr. Ginagalit mo ba ako?"

"So galit ka na niyan? Kaya pala ang ang panget mo!"

"ANO SABI MO?!"

"Panget!"

"Grr. Gusto mo masaktan?"

"Do it kung kaya mo. Arf arf!"

Napatigil ako sa pang iinis kay Maldita ng maramdaman kong may pumukpok sa ulo ko. Nakita ko si Adelle na may hawak na menu.

"Tama na ang arte trabaho na." sabi niya sabay bato sakin ng menu book. Buti nalang nasambot ko. Makabato naman to. Hmp!

Tinignan ko ulet si Maldita na ang sama ng tingin sakin. Tinaas niya ang kamay niya at akmang sasaktan ako. As if magagaw niya sa harap ni Adelle. Nginitian ko siya ng nakakaloko at benelatan. Namula naman sa galit ang mukha niya. Ang sarap talagang asarin ng taong pikon.

Naglip sync ako ng 'panget' saka ko siya tinalikuran.

"Aba't~ Adelle saang planeta mo ba napulot ang bubwit na yun? Nakakaasar wala na siyang ginawa kundi iniisin ako." narinig ko pang sabi ni Maldita. Sumbong pa more.

"Hayaan mo na. Baliw ang babaeng yun. Kapag pinatulan mo mababaliw ka rin."

Waah Adelle!! Ang sama mo sakin!

Nilapitan ko si Odette na nasa counter. "Luh! Ang kyut mo dyan sa uniform na yan Serenity. Sarap mong iuwi bagay ka dun sa doll house ko sa bahay."

Tinignan ko naman ang suot ko. Yaks. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako at nangangati. Allergic kasi ako sa mga ganitong damit. Nakakadiri. Ni hindi ko lubos maisip kung paano nila ako napilit na suotin ako.

Nasa maid's cafe ako kung saan pagmamay-ari ng magkapatid na Adelle at Agatha. At their age, nagawa nilang imanage ang small business nila. Half-japanese ang magkapatid kaya hindi na ako nagtatanong kung bakit ganitong klaseng business ang tinayo nila.

Okay na sana. Ang kaso nga lang, may malaking problema. Hindi ko gusto ang uniform na pinapasuot nila sa mga empleyado nila. Ang sakit sa mata eh. Hindi ko ma-take suotin yun. Long sleve sya na may blazer at maikling palda. Naka boots naman yung mahaba kaso may heels. Ang totoo cosplay ba ang pinasukan ko?

Bakit ako nandito? Dito na ako magta-trabaho. Puro-part time lang naman saka for experience lang ang purpose ko dito.

At yung maldita na inaasar ko kanina. Co-worker ko yun, napaka suplada na akala mo palaging nagmemenopause. Ang sama ng tingin niya sakin na akala mo may malaking kasalanan ako sa kanya nung past life ko. Haha.

Actually natutuwa ako sa kanya kaya gustong gusto kong inaasar siya. Maganda siya. Oo. Ang ganda niya hindi nakakasawa. Description? Straight ang buhok at mahaba, may bangs din siya, singkit ang mata at nawawala ito kapag nagagalit. Ang cute! Haha.

[TPOLMNG] The Player of Love Meets Naughty GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon