➖3 R D P E R S O N➖
After ng mala beauty queen na walk out ni Byun Baekhyun, ay umuwi na siya. Masyado daw exhausting ang araw na ito. Matapos niyang magbihis eh, agad siyang nahiga sa kama niya. At nag isip isip muna,
"Gusto ko lang nga ba si Park Chanyeol? Ba't ako nasasaktan? Hindi ko naman siya mahal diba? Putangina ka! Arrghhh!!! Park Chanyeol!! Stop bugging me!!!" Sabi ni Baekhyun sa sarili niya habang ginagawang punching bag ang unan niyang may mukha ni Chanyeol. Oo! Meron siya nun. Adik nuh? Mainggit daw tayo mga bhe.
"Baekhyun! Manahimik ka nga!" sabi ng Kuya BaekBeom niyang nagbabasa ng libro sa kabilang kama.
"Aish naman Kuya eh! Nagmomoment pa nga ako eh." Sabi ni Baek at nag-pout.
➖
Kinabukasan...
As usual, nagising si Baekhyun. Kahit nakakayamot ang pangyayari kahapon, pinilit niyang bumangon dahil ito ay
"PARA SA EKONOMIYA!" sigaw niya.
Pumunta na siya sa school, ngunit ikinagulat niya ng may iniabot sakanya si Luhan, isang mapa.
"Follow the map. It'll lead you to your love." Weird na sabi ni Luhan habang naka-ngiti.
"Luh? Ano problema nun? Pero parang exciting to ah. Sige na nga." Sabi ni Baek sa sarili niya.
Hanggang sa nakarating siya sa Parking lot, tapos sa may library. Pagdating niya doon, pinapunta naman siya Guidance Office. Pagkatapos nun ay nakita niya naman si Kyungsoo na nakatayo sa may puno, natawa nga siya, dahil mukha daw kuwago si Kyungsoo.
"Punta ka na sa Auditorium, nakakadiri man, oh." Sabi ni Kyungsoo at ibinigay sa kanya yung mga bulaklak. Apat na bulaklak ang kanyang natanggap mula rito.
"Ano 'to?" Tanong ni Baekhyun.
"Aba't?! 'Yan lang di mo alam? Masyado ka na bang naadik sa Yodang Kapre na 'yon?! Bumalik ka nga sa Nursery!" Sabi ni Kyungsoo habang nakairap at nag walk out na din.
"Parang siya hindi nababaliw sa isang uling na sumasayaw. Tch" sabi ni Baek sa isip niya. Siguro kilala naman natin ang tinutukoy niya?
Matapos ang 987654321 years ng paglalakad, nakapunta na siya sa Auditorium. Nagulat siya ng biglang umilaw ang spotlight, actually dalawa siya. Isa sa stage, at isa sa kanya.
May naaninag siyang presence doon sa stage at nagulat siya kung sino yun.
Si Park Chanyeol may hawak na mic.
➖
.edited and revised.
![](https://img.wattpad.com/cover/66733082-288-k186354.jpg)
BINABASA MO ANG
°hindi kita gusto
Historia Corta• a chanbaek fanfiction • ❝hindi nga kita gusto sabi!❞ ©️ supremoon | 2016