Chapter 3: The Time when I got Jealous

11 2 0
                                    

Summer

"Khal tara na! Bilisan mo naman oh. Ayoko na malate ulit" sigaw ko kay Khalil habang tumatakbo nanaman kami papunta sa class ni Mrs. Korina.

"Oo Sum, nandito lang ako sa likod mo" sagot naman ni Khalil sa akin.

Mabilis kaming tumakbo sa hallway at halos mawalan ng hininga. Nakita na namin ni Khal yung classroom at sa wakas nakarating na rin kami on-time. Hindi kami nalate ngayon araw. Buti na lang at this time nakaabot kami. Hindi kami nalate sa class ni Mrs. Korina.

Humanap kaagad kami ng upuan at nagkahiwalay. Ako sa tabi ni Lei at si Khalil naman ay sa tabi ni Cindy. Nakatabi ko si Lei, friends kami pero we don't spend that much time together.

Siya si Lei Gonzales. Isa siya sa pinakamayan na students dito sa university. Kilala siya bilang spoiled sa parents at nakukuha lahat ng gusto niya, especially sa material things. Ang maganda sa kanya ay kahit nakukuha niya lahat, hindi niya ito pinagmamayabang. Hindi siya mayabang at willing pa siya na ishare ito sa iba.

Yung isang girl naman ay si Cindy Ramone. Siya yung pinakamagandang babae dito sa university. Maraming mga lalaki na naghahabol sa kanya but she's still doesn't have a boyfriend. Hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend since birth. Mapili kasi siya sa lalaki and gusto niya yung totohanan at hindi gagawing lokohan. Though malandi siya sa mga boys may karapatan naman eh kasi maganda siya. Kontrabida siya ng university, every boy likes her pero every single girl in the university hated her.

"Hi khalil. So ano mga plans mo this summer?" Sabi ni Cindy kay Khalil. Ugh. Don't tell me nilalandi ni Cindy si Khalil. Sino ba namang hindi lalandi kay Khalil, gwapo siya at halos lahat ng babae nagkakagusto sa kanya pwera sa akin.

"Uhm. Wala naman. Tatambay at gagala lang kami ni Summer. Adventure something like that" sagot naman niya. Aba isinali pa ako nitong lalaki na ito.

Tumingin ako sandali sa kanila at nakita ko ang bangis sa mga tingin ni Cindy. Ugh I hate this. Dinawit pa talaga ni Khalil yung pangalan ko eh. Pagkakita ko sa bangis na tingin ni Cindy umiwas na ako ng tingin.

"Summer!" Tawag ni Khalil sa akin. Ngayon, hindi ko alam kung dapat ba ako tumingin sa kanya at tanungin siya kung bakit pero shet natatakot ako kay Cindy. Ayoko ng ganito Khalil. Ginagamit niya ako para pagselosin ang isang tao.

"Bakit?" Sabi ko sa kanya habang nakatingin ng diretso. Hindi ako tumingin s aiba kundi kay Khalil lang, kahit alam ko na yung tingin ni Cindy sa akin ay mabangis hindi ko nalang ito pinansin.

"I love you!" Sigaw ni Khalil. Napalaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Halos tumahimik ang buong klase sa narinig nila. Hindi sila makapaniwala na ang isang katulad ni Khalil Ramos ay magsasabi ng "I love you" sa isang Summer Sanchez. Ugh I hate this feeling, it's like all of the people here inside the our classroom hates me now.

Nakikita ko ang tingin ni Cindy sa akin. Ito ay may halo between pandidiri at pagkagalit. Hindi ko naman alam na may gusto pala sa Cindy kay Khalil. Nagkagusto kasi si Khalil kay Cindy and until now hindi man lng pinansin ni Cindy si Khalil kasi may iba siyang gusto. This is so messed up.

"Love you too, as a best friend" sagot ko naman kay Khalil.

"OHHHHHHHHHH!!" Sigawan ng mga kaklase namin.

Hindi ko magets kung bakit nila kailangan sumigaw ng ganun. Nakita ko rin na ngumiti si Cindy. Si Lei naman sa tabi ko parang nalungkot sa sinabi. Masama ba magmahal sa isang tao bilang best friend?

"Good morning class" pagpasok ni Mrs. Korina sa classroom namin. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit ganun ang naging reaction nila.

"So class, 3 days nalang at magbabakasyon na kayo. You will be free to go wherever you want. 3 days nalang at makakatulog na kayo ng mahimbing sa inyong mga kama." Sabi ni Mrs. Korina.

Interaction Without ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon