Chapter 5: The Time that I will leave Him

5 1 0
                                    

Matapos nun ay nawalan ako ng malay ngunit dinala naman ako ni Khal sa school nurse para makapagpahinga ako.

Yeah... Nangyari iyon. We kissed. Nagkiss kami ng best friend ko. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa dahil alam ko na gulo ang mangyayari sa future. Bakit ko ba kasi siya hinalikan? Nagustuhan ko ba yung halik?

Ugh... Malamang because you kissed him back. Shit.... Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Bakit ba ako nagiging ganito?

"Miss okay na po ba kayo?" Tanong naman ng school nurse sa akin.

"Yeah thank you. Uhm miss nakita mo va yung nagdala sa akin dito?" Tanong ko naman sa sa kanya.

"Opo. Nakaupo po siya sa labas, hinihintay ka pong magising. Kahit basang basa po siya ng ulan hindi niya po iyon pinapansin kasi gusto ka niya makitang gumising" sagot niya naman.

"Hindi mo ba siya inalok na magpahinga o magpalit ng damit? Para man lang hindi siya magkaroon ng sakit?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Nagpupumilit po kasi siya eh. Gusto niya raw po muna makasigurado na okay na po ang lagay niyo." Sagot naman ng school nurse.

"Sige thank you... Pwede ko na siya puntahan right?" Sagot ko.

"Yes po ma'am" sagot naman niya.

Hindi ko akalain na maghihintay si Khal para lang alamin kung okay lang ako. Binantayan niya ako, technically hindi siya yung nagbantay sa akin pero hinintay niya pa rin ako sa labas para macheck if okay na ako.

Ugh.... Bakit ganito? Ang saya ko dahil sa mga ikinikilos ni Khal. Ganito na ba yung feeling na mainlove? Totoo na ba itong "love" na nararamdaman namin ni Khal para sa isa't isa.

Agad agad akong tumayo upang tignan kung okay lang ba si Khal doon sa labas. Ayoko naman kasi na magkasakit siya dahil sa paghihintay sa akin. Ito na yun. Mahal ko na nga talaga si Khal. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Khal na nakaupo. Halata sa mukha niya yung pag-aalala at nang makita niya ako agad niya akong niyakap ng mahigpit.

"Salamat naman at nagising ka na." Sabi niya sa akin. Naramdaman ko yung pagmamahal ni Khal sa akin dahil sa yakap na iyon. Maraming ipinapahiwatig ang yakap na iyon, maraming dalang emosyon. Takot, lungkot, saya, gulat at pag-aalala.

"Oo naman. Siyempre kakauwi lang ni Daddy kaya dapat maging okay ako. Khal... About sa nangyari kanina, sorry." Sabi ko naman sa kanya.

"Bakit ka naman nagsorry? Nagustuhan ko nga yung nangyari kanina eh. Alam mo kung bakit? Dahil nasabi ko na sayo na mahal kita at nalaman ko rin na mahal mo ako" sabi niya sa akin.

Nakikita ko yung bakas ng saya sa kanyang mukha. Gustong gusto niya talaga yung mga nangyayari at alam ko na isa itong panibagong kabanata sa aming buhay.

"I love you sum..." Sabi niya sa akin.

"I love you too" sagot ko naman.

Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat segundo na nakikita ko siya. Ang sarap pala sa feeling ng mainlove. Yung malalaman mo yung totoo at alam mo na kayo na.

"Khal... I need to go. Oras na kailangan ko pa puntahan si daddy para naman maging updated kami sa isa't isa. Ang tagal na rin kasi namin hindi nagkikita eh. Minsan lang siya umuwi" sabi ko naman sa kanya.

"Okay... Mag-ingat ka ha.... Baby Sum" sabi niya. Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko. So this means Kami na? Ugh I don't know. Ano bang nangyayari, ang naiintindihan ko lang ay mahal namin ang isa't isa at hindi na kami takot ipakita iyon sa ibang tao.

"Thank you... Magpahinga ka na baka magkasakit ka pa niyan" sabi ko naman sa kanya. Malapit na matapos ang taon. Bukas tapos na yung 2nd year life namin. I can't wait. Tama lang yung timing ng pagdating ni papa dahil makakapagbonding ang buong pamilya yay!

Agad agad akong umuwi para makita si papa. Nakarating na ako ng bahay kaagad dahil sa sobrang excited na makita siya. Minsan nalang kasi umuwi si papa kaya gusto ko na lubos-lubusin ito.

"Hi po. Good afternoon po" bati ko sa mga tao sa bahay. Nakita ko si papa at Jake na magkatabi sa sofa namin. Si mama naman ay nasa kabilang sofa. Ito na yun excited na ako na makausap ulit si papa.

Niyakap ko nang mahigpit si papa at mahigpit din ang yakap niya, sabay "Musta ka na Hija?" Tanong niya sa akin.

"Okay naman po. Marami pa po tayong dapat pag-usapan, super excited na ako maka-bonding ka Daddy" sagot ko naman sa kanya.

"Anak we need to talk about something" sabi ni mama ng matamlay na tono.

Bakit ganun? Biglang nagbago yung mood nila. Ano bang nangyayari? Bakit nagkakaganito yung pag-uwi ni Daddy ngayon?

"Bakit po Mommy? May nangyari po bang masama? Ano po iyon?" Tanong ko naman kay mommy. Bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot. Ano ba talaga yung nangyayari?

"Anak.... Your dad is...." Pabitin ni mommy. Hindi niya masabi yung right words ugh nakakainis.

"Ano? Mommy? Ano ba talagang nangyayari?" Sagot ko.

"Anak. Don't be surprised sa sasabihin sayo ng daddy mo" sagot naman niya.

"Ano ba yan mama?! Anong hindi masusurprise, bakit kasi hindi niyo pa sabihin sa akin para hindi na ako mabigla? " Sagot ko naman kay mama.

"Aalis tayo next week. Doon na tayi sa america maninirahan hanggang sa matapos mo ang iyong pag-aaral." Sagot naman ni mommy.

"Anong aalis? Sinong nagsabi na aalis? Ayoko umalis mom. Bakit niyo ito nagawa sa akin? Bakit nilihim niyo? Paano na yung pag-aaral ko?" Tanong ko naman kay mommy.

Nakikita ko yung bakas ng kalungkutan sa mukha ni mommy and daddy. Halata rin kay mommy na ayaw niya umalis dito. Kakaiba kasi yung kasiyahan na nararanasan dito sa pilipinas kesa sa america.

"Sa ayaw at sa gusto mo, aalis tayo. Naasikaso na namin yan. Ready ka na tapusin yung pag-aaral mo doon." Sagot nama. Ni mommy.

"Bakit naman ngayon niyo lang ito sinabi sa akin? Kung matagal niyo na pala ito pinaplano, nakit hindi niyo man lang ipinaalam?" Sabi ko naman kay mama.

"Wag ka na lumaban pa. Umakyat ka na sa kwarto mo. You have a week to say goodbye to your friends at pagkatapos nun, aalis tayo papuntang america." Galit na sinabi ni daddy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Interaction Without ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon