Chapter 4: The time when we Kissed

11 1 0
                                    

"It's okay. Nandito lang ako, hindi kita iiwan at hindi na kita hahayaan na masaktan ng ganun ganun lang" sabi ng isang boses sa likod.

Familiar yung boses ng tao na nagsalita sa likod ko. Nakapatong ang kanyang kamay sa aking balikat at to be honest, natatakot ako kung sino man itong tao na ito. Natatakot ako na baka itong tao na ito ay gustong bumsalik sa akin buhay.

"Sino ka? Bakit ka nandito?" Sabi ko sa taong nasa likod ko. Inalis nung lalaki yung kamay niya sa balikat ko.

"Tumingin ka kasi ng malaman mo kung sino ako" utos naman sa akin nung lalaki.

Tumingin ako unti-unti sa likod, natatkot na malaman kung bakit kilala ko yung boses na iyon. At tama nga ako, hindi ako nagkakamali, siya nga yun.

"Ja... Jake?!!" Sigaw ko.

"Yours truly" sagot naman niya tas sabay kumindat siya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Kasama mo ba si Daddy? Nasaan siya?" Tanong ko sa kanya.

"Kasama ko siya, nandun nga lang siya sa bahay niyo kausap yung mommy mo" sagot naman niya sa akin.

"What? Bakit hindi ko alam na dumating na pala kayo ni Daddy?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ba sinabi ng Mommy mo na darating kami? Ipinaalam pa namin sa Mommy mo last week pa. Hindi niya ba nasabi?" Sagot naman niya.

"Hindi niya nasabi sa akin eh. Bakit pala napaaga yung uwi niyo? Diba dapat mga next week pa. What's the rush?" Tanong ko naman sa kanya.

Bakas yung lungkot sa mukha niya. Ugh, i really hate it when he do this to me. Yung tipong parang may masamang mangyayari tapos wala naman pala. Nakakainis kaya paminsan kasi alam mo yun yung mag-aalala at mag-iisip ka talaga tungkol doon.

"Wag tayo dito mag-usap...." Bilin niya. Iba yung mukha niya ngayon. Halata sa mukha niya na may problema talaga siya. Hindi ko alam kung tungkol saan yung problema na iyon dahil ngayon ko lang siya nakita na ganyan ang mukha.

"Bakit ayaw mo ba sabihin dito? Wala namang makakarinig.... Ano bang nangyayari?" Pakiusap ko sa ngayon.

Bumibilis yung tibok ng puso ko ngayon dahil nag-aalala ako sa sasabihin niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba ito, nangangasar para makita akong umiyak o may problema talaga siya na hindi niya masabi sa akin.

"Yung daddy mo....." Sabi niya naman ng pabitin.

"Ano? Anong nangyari kay Daddy? Shit! Bilisan mo na. Sabihin mo na, ayoko ng ganito" sagot ko naman sa kanya.

"Nandun sa bahay, kaya umuwi na tayo. Hahaha" sabi naman niya.

Nakakainis talaga itong si Jaaaaaaaaake. Wala ng ginawa sa buhay niya kundi manloko. Lol humuhugot nanaman ako. Paano kasi yung mga movies ngayon super bitter na. Yung tipong palagi nalang walang forever.

"Are you serious? May klase pa ako. Hindi ako pwede umuwi. Gusto mo ba ako matanggal dito?" Sabi ko naman sa kanya.

Ugh. Nakakainis kasi eh. Yung tipong palagi ka nalang niloloko. Yung seryoso yung topic tapos bigla ka nalang gagawing katatawanan.

"Sorry na.... Basta whatever happens, nandito lang ako sa tabi mo. Umuwi ka ha. May sasabihin sayo ang daddy mo" sabi niya naman sa akin.

"K" sagot ko sa kanya at iniwan ko siyang mag-isa doon sa puno. Ugh, nakakainis talaga si Jake. No wonder, binasted ko siya hahaha.

Pumunta na ako sa locker ko para kunin yung books ko for the next class. Siyempre kailangan ko ito dahil I want my future to be bright. Hahaha.

"Hi Sum!" Bati sa akin ni Khal sa tabi ng locker ko.

Interaction Without ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon