**Sa PagpapatuloyNag-iiyakan ang mga kapatid ko. Nandito din si papa inaalalayan ang mga manggagamot. Nilalagyan nila ng alcohol ang dila ni mama pero hindi ko alam kung bakit nila ginagawa iyon.
Kulay-lila na ang dila ni mama at nahihirapan itong huminga.
Pinipilit kong umiyak habang pinapanuod sila datapwat walang luhang lumalabas. Parang tinutusok ang puso ko ng karayom ngunit walang tumatagos. Nanunuyo na ang likwido sa katawan ko.
"Tanggapin na ninyo na mawawala na ang mama niyo" ika ni papa sa amin.
"Hindi pa! Hindi pa mawawala si mama!" -Kuya
Mawawala? Bakit mawawala si mama? Pupunta na naman ba siya sa hospital at mamamalagi doon sa mahabang panahon kaya ganyan ang mga reaksiyon nila?
"Tanggapin niyo na."
-PapaNagulo ang lahat nang itulak ni kuya si papa papalayo kay mama. "Ganyan lang kadali sa iyo na sabihin yan pa? Walang duda! May reserba naman pala kayo!" Hiyaw ni kuya dito.
Natigilan si papa. "Bakit anak? Mas gugustuhin mo bang nakikitang nahihirapan ang mama niyo? Mas gusto niyo bang nakikita siya na lumalaban kasi ayaw niya kayong iwan? Hindi niyo ba nakikita? Mamatay na siya!"
Napatulo na ang luha ko dahil sa narinig.
Teka. Si mama? Mamatay? Bakit?
Bakit siya mamatay??Natahimik ang lahat at humagulhol na lamang..
Ang sakit pala sa pakiramdam.
Hindi ko akalain na ang ibig sabihin pala ng mawawala ay mamatay..Huwag naman sana mangyari iyon.
Paano na kami? Paano na ako?Hindi pa nasusubukan ni mama na pumunta sa meeting sa school ko.
Pero hindi namin inaasahan lahat na maisasalba pa si mama sa pagkakataong yaon.
Pero simula sa araw na iyon ay hindi na nakakapagsalita si mama. Palagi na lamang siyang nakahiga sa higaan niya at nahihirapan na din kumain.
Lahat ng kamag-anak namin ay pinatawag na.
Hanggang sa umabot ang bakasyon ng desyembre kaya namalagi na muna ako sa bahay.
Dumating ang kapatid ng mama ko galing abroad at binigyan ako ng pera kaya naman bumili agad ako ng lollipop.
Humiga ako sa tabi ni mama na nahihirapan ng huminga. Pagulong-gulong ako doon kasi malapad ang higaan niya.
Nabaling ang atensyon ko noong sinambit ni mama ang pangalan ko.
"A-Anna.."
Napatingin ako sa kanya. May namumuong butil ng luha sa gilid ng mga mata niya at pilit pa siyang dumidilat."Ma??"
Nanlalamig na si mama."Wag mo pabayaan ang sarili mo nak."
Di ba hindi na kayang magsalita ni mama?.pinunasan ko ang luha niya.
"Opo..kaya magpagaling kana ma"
Pinipilit niya paring magsalita.Sukdulan ang awa ko kay mama.
"Mahal ko kayo..."
Di ko alam kung ano dapat isagot sa kanya. Hindi ko pa nararansan na magsabi ng ganon kay mama pero pakiramdam ko kailangan kong sumagot sa sinabi niya. Pero anong isasagot ko?"Anna! Laro tayo ng tumbang preso!?" Bungad ng pinsan ko na biglang sumulpot sa pintuan.
"Sige!" Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa labas.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, batid kong nagagalit ako pero hindi ko alam kong kanino.
Biglaan akong sinundo ng kuya ko sa paglalaro para pauwiin.
Teka? Bakit siya umiiyak??
Pero hindi na pala dapat ikagulat kung bakit sila laging umiiyak.
"Hoy Anna! Naglalaro kalang dyan! Puntahan mo si mama doon!" Nanggagalaiti siya. Batid kong nagagalit siya pero hindi ko alam kung bakit.
Bawal ba maglaro kapag ganito?
Tumakbo ako pabalik sa bahay at nadatnan ko sila doon na kumpol na umiiyak.
Nanginginig at naninindig balahibo ko sa mga hikbi nila, nanlalamig ako na hindi alam kung bakit.
Naramdaman ko nalang ang yakap ni ate nang hablutin niya ako para yakapin. "Ann, si mama!" Namamaga ang mga mata niya.
Sinilip ko si mama sa hinihigaan noya ngunit may mga tao doon na humahagulhol habang niyayakap siyang tulog.
"Patay na si mama!"
Pakiramdam ko tumigil ang mundo. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon. Idiniin ko ang paghawak kay ate at pinilit na umiyak pero di ko magawa.Bakit ganon? Bakit hindi lumalabas ang mga luha ko?
Hindi ba nasasaktan naman ako? Alam ko na pala ngayon kung ano ang dapat kong isinagot kanina sa kaniya.
Hindi ko man lang nasabi kay mama na mahal ko din siya.
Ma?
Nasaan ka man ngayon, pinapangako ko na tutuparin ko ang mga pangako ko sayo.Batid kong nakapagpahinga kana sa iyong paghihirap dito sa lupa. Kasama kana ng Diyos ngayon kaya dapat ako'y matuwa.
Hindi man tayo ganoon ka naging matalik pero pinaramdam mo na ina ka sa amin kahit sa maikling panahon lamang.
Mahal na mahal kita ma at mananatili ka sa puso ko habang buhay.
Paalam mama.
Naramdaman ko na ang mga luha ko..Ang bigat sa pakiramdam.. Kaya humagulhol na rin ako.
Dec.23, 2004 - namatay si mama kaya napalungkot ng pasko namin yaon..
**The End
BINABASA MO ANG
Mama
Short Story(Based on real life story) Isa sa pinakamagandang regalo sa atin ng poong maykapakal, ay ang biyaya ng pagkakaroon ng isang ina o mas kilala ko bilang mama. Si mama na pag-uwi mo palang galing sa eskwela, hinahanap mo na. Si mama na kapag may sakit...