[6]

546 12 1
                                    

[6]

-Ms_Cherry

{sorry po kung masyadong maikli yung update ko sa chapter 5}

>AIRUU<

----------------------------------------------------------------------------------------

Nahulog ko ang flashlight na dala dala ko. 

Pano nangyari to?!

Sinong gumawa nito?!

nakakita ako ng papel na nakalagay sa kamay ni mama. 

Kinuha ko ito at binasa.

ALAM MO BA KUNG ANO ANG PAKIRAMDAM NG MAMATAY? O MAMAMATAYAN? BUTI NGA YAN SA INYONG WALANG KWENTANG PAMILYANG 'TO!

Nanginginig ako..

Sa galit..

Sa takot..

Gusto kong ipaghiganti si Mama..

Pero sino ang maglalakas loob na gawin to..

SINO?!

Hindi..

Hindi nila kasalanan.. 

"ATE!!!" -Dylan.

Nakita ni Dylan ang katawan ni mama na nakasabit.

"Ate, anung nangyari dito?!" -Dylan.

Pinunasan ko ang luha ko. "May pumatay kay mama," -Ako.

"S-Sino?!" -Dylan. 

Umiling ako dahil hindi ko naman alam kung sino talaga siya. 

"Ate, sandali lang ako nawala pero ito na ang nangyari..." -Dylan.

"Sinisisi mo ba ako?" -Ako. 

"H-hindi sa ganun ate.." -Dylan. 

Dumating na rin sa wakas si papa. Sinabi namin halos lahat ng nangyari.

"Sinong gumawa nito?!" -Papa.

"Hindi po namin alam." -Ako, Dylan.

Napasabunot si Papa sa buhok nya. "S-sino kaya.." -Papa.

11:52 p.m

Hindi pa rin ako natutulog. Iniisip ko pa rin ang nangyari kay mama. Nireport na namin sa pulis ang nangyari at sabi nila ipapasailalim sa autopsy si mama. Kitang-kita na nga na nagbigti eh, autopsy pa? -___-'.

May kutob ako na hindi tao ang gumawa nito. 

Ano, halimaw?

Oo, halimaw. 

HALIMAW SIYA.

Marami akong naiisip na kung ano man ang totoong nangyari. Pero isa lang ang alam ko na totoong nangyari. 

Patay na ang gumawa nito.

Si Karina...(FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon