Chapter Two

116 5 2
                                    

#AngLalakingParangGalitSaMundo

" MARY WILMICH, late ka na naman!".
Si Boss VG. Ang masungit niyang boss. Ang head ng Audit Department sa rural bank na pinagtatrabahuan niya. Siguro sa dalawang taon niya sa company nila, iilang beses lang niya itong nakitang ngumiti. Noon ang akala niya, sa classroom lang nag-i-exist ang "terror" teacher. Pati pala sa opisina may "terror" boss?
"Sorry po, Boss... Natraffic lang po kasi. Hindi na po mauulit. " Tanging sagot niya rito.
Wala siyang plano na ilahad pa rito at sa mga officemates niya ang dahilan kung ba't siya nalate.
Maliban na lang kina YANNA at ALEXIS na mga ka-close niya sa opisina nila.
Dali-dali siyang pumunta sa cubicle niya.
" Sinabi mo na 'yan two days ago. Nung na-late ka.", sabi ni Boss VG. Nakasimangot ito.
" Boss, may nagbanggaan kasi sa may Mandaluyong area kaya nadamay sa trapik si Michi.", pagdedepensa sa kanya ni Alexis. Sumang-ayon din iyong isa pa niyang officemate. Si DERICK. Muntik na nga rin daw itong ma-late. Nginitian niya ito tanda ng pasasalamat.
" Hindi rason 'yan! Maaga kayong pumasok para makaiwas sa mga insidenteng tulad niyan.", sermon pa ng kanyang boss na sa kanya nakatingin. Tumahimik na lang siya para matapos na ang "hearing".

" Tinanghali ka na naman ng gising, ano?", si Yanna habang kumakain sila ng lunch kasabay si Alexis.
Sa canteen ng building na iyon sila kumakain pag lunch break. Sa may 10th floor. Marami ang katulad nilang kumakain doon lalo na kung lunch break. Suwerte nga at nakakuha agad ng mapupuwestuhan si Alexis. Sa medyo tagong bahagi sila ng canteen. Iyong iba nakatayo. Parang sa mga fastfood chain. Nag-aabang ng mababakanteng table.
Sinigang ang inorder niyang ulam. Saka may isang slice ng chocolate cake para sa dessert niya. Si Yanna naman ay kare-kare at isang stick ng barbeque. Saka C2. Fried chicken naman at dalawang cup of rice naman ang kay Alexis, with softdrinks.
Napasimangot siya sa tinuran ng kaopisina.
" Hay naku, Yann.. Kung alam mo lang. Hindi naman dapat talaga ako mala-late, eh. 8:02 andito na ako sa building."
" 'Yun pala, eh. Ano'ng nangyari ba't di ka man lang umabot sa grace period?", tanong ni Alexis habang kumukuha ng kare-kare ni Yanna. As usual, hindi na naman naubos ni Yanna ang inorder nitong ulam kaya si Alexis ang taga-ubos.
" Nasa may elevator na 'ko kanina. Kaso iyong lalaking iyon na parang galit sa mundo, dinamay pa 'ko! Napaka-inconsiderate talaga niya. Hindi man lang ako hinintay na makasakay ng elevator. Alam mo 'yon?"
" Wait. Wait. Wait. Lalaki?! Sino'ng lalaki iyong tinutukoy mo?", inubos na ni Yanna ang natitirang laman ng C2. Na-curious din si Alexis. Pero nag-aantabay lang ito sa mga susunod niyang sasabihin. Natitiyak niya ikukuwento ito ng kaibigang si Michi.

Natapos ikuwento ni Michi sa dalawang kaibigan ang "encounter" nila ng lalaking parang galit sa mundo kaninang umaga.
Mula sa fx hanggang sa elevator. Pinagtitinginan na nga sila ng ibang mga naroon dahil minsan ay napapataas ang boses niya. Lalo na iyong sa bahaging nasa may elevator na sila.
" Pogi ba iyong guy?", tanong ni Yanna.
"Does it matter? Pagkatapos ng actions niya towards me and the lady, importante pa ba kung guwapo siya o hindi?", pinandilatan niya ang kaibigan. Naghahanap siya ng kakampi. Sa haba ng ikinuwento niya, iyon lang ang reaksyon nito? Di ba dapat mainis din si Yanna dun sa lalaki kasi na-late siya dahil dito?
" Curious lang... Hindi mo kasi na-describe ang itsura nung guy...", depensa nito.
" Ibig sabihin, malaki ang chance na dito rin siya sa building na ito siya nagwo-work.", analisa naman ni Alexis.
Bigla siyang napagala ng tingin sa karamihan ng mga tao sa canteen. May punto si Alexis.
" Possibleng dito rin siya magla-lunch kung tama ang analisa ni Alexis.", saloob-loob ng dalaga.
" Ano, nandito ba siya?", tila natutuwang sabi ni Yanna nang mapansin nito na napagala siya ng tingin siya sa mga naroon.
" Hindi ko alam. At hindi ko gustong alamin. Tayo na nga! Mag-aala-una na.", yakag niya sa dalawa sabay tayo. Tumayo na rin si Alexis. Napasimangot naman si Yanna. Mukhang ayaw pang pumasok sa opisina nila.
Habang naglalakad ang tatlo palabas ng canteen, di maiwasang isipin ni Michi ang tinuran ni Alexis.
" What if magkita uli kami ng lalaking iyon?"

Dear DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon