Chapter One

114 5 4
                                    

#TheFirstEncounter

🎶 Wishing there would be
Someone waiting home for
me...
Something's telling me-
It might be you, all of my
life...🎶

" There it goes again.
Ang all-time favorite themesong ng mga taong naghihintay ng kanilang tadhana.
Ng kanilang destiny.
Mga taong umaasa na isang araw mula ngayon, makikilala na nila ang kanilang Mr. o Ms. Right."
Napabuntong-hininga si MICHI habang naiisip ito. Hinihintay din kasi niya iyong taong itinadhana para sa kanya. Actually, matagal na siyang naghihintay kay Mr. Right.
Fifteen pa lang siya noon nang maitanong niya sa sarili kung sino kaya ang itinadhana ng Dios para sa kanya.
Nabanggit kasi sa kanya ng Lola Emma niya na lahat daw ng tao ay may itinadhanang makakasama sa kanyang buhay.
Bawat isa daw ay may kanya-kanyang kapalaran o Destiny.
Kaya mula noon hanggang ngayon, hinihintay niya si Mr. Right, ang kanyang Destiny.
" Siguro, matagal ding naghintay ng kanyang destiny itong si Stephen Bishop. Iyong pagkakadeliver kasi niya ng kanta eh, with feelings talaga. Iyon bang mararamdaman mo iyong pain and hope na makilala na niya iyong taong inilaan para sa kanya." , saloob-loob pa ng bente-sais anyos na dalaga.
" Natagpuan agad kaya niya iyong destiny niya?
Haaayyy... Ako kaya? Kelan kaya kami magmi-meet ni Mr. Right? Ang tagal naman niya. Hindi kaya natrapik iyon or naligaw sa paghahanap sa akin? Haaayyy..."
Mukhang napalakas ang kanyang buntong-hininga dahil napatingin sa kanya iyong katabi niyang babae sa sinasakyang fx.
Papunta na siya sa opisina na pinapasukan niya. Bandang alas-siyete na ng umaga.
Biyaheng Quiapo to Ortigas ang sinasakyan niyang fx.
Sa isang apartment sa may Vergara Street sa may Quiapo siya tumutuloy kasama ng matalik na kaibigan at kababatang si LEI AMOR. Pareho silang taga-Pangasinan. Magkaklase din sila mula gradeschool hanggang highschool. Ngunit magkaiba na sila ng unibersidad na pinasukan noong magkolehiyo na sila. Magkaiba rin ang kursong tinapos nila. Siya ay BS Accountancy graduate samantalang BS Psychology naman ang kaibigan niya. Ngunit pagka-graduate, napagpasyahan nilang sa Maynila na maghanap ng trabaho. Nakahanap din naman sila makalipas ang ilang buwan. Sa head office ng isang rural bank siya natanggap samantalang si Lei ay sa isang car company ngayon nagtatrabaho.

🎶 If I found the place, would I recognize the face? 🎶

"Sabi ni Lola, minsan daw nakilala o nakasama mo na iyong Destiny mo. Eh paano ko nga ba malalaman kung iyong taong iyon ay si Destiny ko na?", tanong niya sa sarili.
Paano nga ba? Wala siyang maapuhap na sagot sa tanong niya. Kaya in-enjoy na lang niya ang pakikinig ng lovesong gamit ang headset. Pag ganitong traffic, kahit papaano nakakawala ng boredom at stress ang pakikinig ng music.
Ipinikit niya ang mga mata para lalong namnamin ang lovesong na pinakikinggan mula sa kanyang cellphone.

"Manong naman! Pakibilisan mo naman, please. Kanina pa tayo stucked dito sa traffic. Dumiskarte ka naman, Manong. Iyong mga kasabayan nating sasakyan, iniwan na tayo dito, oh. Late na ako, my God!"
Nagising bigla si Michi sa malakas na tinig ng babae. Hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya habang nakikinig ng music.
Iyong babaeng katapat niya sa fx ang nagsabi noon. Sa isang kilalang commercial bank ito nagtatrabaho. Base iyon sa suot nitong uniporme. Napatingin din sa babae ang mga kasama niyang pasahero ng fx.
"Maganda siya at mukhang disente. Kaso pangit ang ugali. Mataray. Hmp!" Napaismid si Michi. Maging ang mga ibang pasahero sa fx na iyon ay naiirita na din sa babae. Nakasimangot na nga iyong katabi niyang babae.
"What is beauty if you lack character naman?" Saloob-loob pa ng dalaga.
"Pasensiya na kayo, Ma'am...", mahinahong tugon ng driver. Napatingin siya rito. Sa tantiya niya'y nasa late 50's na ang driver. Pansinin na ang mga puting buhok nito.
"Pasensiya? I don't need your pasensiya,Manong. Hindi tatanggapin sa office namin ang pasensiya pag nalate ako." Mariing sagot ng babaeng katapat niya ng upuan. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito.
"Aba! Walang modo pala talaga itong babaeng ito. Grabe siya ha! Walang galang sa matanda!", saloob-loob niya. Gusto na niyang idepensa ang driver. Naaawa na siya rito. Soft hearted kasi talaga siya pagdating sa mga matatanda.

" Di magtaxi ka na lang! You can get out of here, Miss. Don't act as if you own this vehicle. Kulang iyong binayad mo para bastusin mo si manong driver."

Lahat silang nakasakay doon ay napatingin sa may-ari ng tinig na iyon.
Iyong lalaking katabi ni manong driver ang nagsabi noon. Nakakunot-noo ito. There is anger in his eyes. Para bang may kaaway ito. Parang galit sa mundo.
"Fine! Ipara mo, manong!", galit na utos ng napahiyang babae sa driver. Tiningnan nito nang masakit ang lalaking katabi ng driver. Kung nakamamatay lang ang ganoong titig, malamang nakabulagta na ang lalaki.
Dali-dali itong bumaba sa sasakyan at pabagsak na isinara ang pintuan ng fx. Napahawak sa tenga ang dalaga. Nabingi yata siya sa lakas ng pagbagsak nung pintuan. Pati mga katabi niya sa likurang bahagi ng sasakyan ay napatakip din ng kamay sa kanilang mga tenga. Nagmura pa nga iyong lalaki na katabi nung babaeng kabababa lang.
Tiningnan niya iyong lalaking nasa tabi ng driver's seat. Wala man lang nagbago sa facial expression nito.Tila galit pa rin sa mundo.
"Whew! Para akong nanood ng eksena sa teleserye,ah." , aniya sa sarili.

Pagkaraan ng ilang saglit, balik-normal uli ang mood sa loob ng sasakyan.Parang walang nangyari.
Sinilip niya mula sa rear mirror ng sasakyan ang lalaki. "Pogi pa naman sana kaso warfreak! Pumapatol sa babae. Well, may point din naman siya dahil walang modo iyong girl. Pero kalalaki niyang tao! Dapat hindi na lang siya nagreact. Or nagsalita siya not in an offending way. Babae pa rin naman iyong nagtaray kanina. Hindi magandang tingnan. Buti sana kung siya iyong tinarayan. Ay... Wait lang... Baka bading ito?... Pero mukhang hindi naman. Hindi lang talaga ito gentleman. Not my type. Never my type of guy, hah!" Napasimangot pa siya habang naiisip ito tungkol sa lalaking nasa tabi ng driver's seat.
"Ang idealman ko ay gentleman at sweet. Iyon bang Knight in Shining Armour ang dating. Iyong aalagaan ako, iingatan, ipagtatanggol...
Iyong looks, basta disente at presentable, pwede na. Haayyy...what's taking you so long, Dear Destiny?"

Nagulantang siya nang mapatingin siya sa suot na wristwatch. Fifteen minutes before eight in the morning. Alas otso ang pasok niya sa pinagtatrabahuang opisina. Nasa may Shaw Boulevard na sila kaso trapik pa rin.
" Oh no. Not again. Please, Lord! Twice consecutive late na ako this week. Mame-memohan na ako nito ng HRD. My God! " . Pinagpapawisan na siya sa possibleng mangyari pag nalate na naman siya sa office. Rules and regulations kasi sa kumpanyang pinapasukan niya na bawal ang three consecutive lates. Bukod pa sa mapapagalitan na siya ng kanyang boss.
Napangiwi siya ng maalala ang hitsura ng kanyang boss. Ang boss niyang ni minsan hindi pa nalate. Bihira din itong umabsent.
Umandar muli ang sinasakyan niyang fx. Abot-abot ang dalangin niya na sana'y huwag na itong huminto dahil sa trapik. Ngunit pagtapat nila doon sa isang kilalang mall, bigla na namang huminto ang mga sasakyan. Traffic na naman. Wala siyang magawa kundi ang bumuntong-hininga.

8:00am. Nasa tapat na ng building si Michi kung saan naroroon ang opisinang pinagtatrabahuan niya. May thirty floors ang kilalang building na iyon. Sa 27th floor ang opisina nila. Kung makakasakay agad siya sa elevator sa may ground floor ng building, pwede pa siyang umabot sa limang minutong grace period nila para hindi siya ma-consider na late.

Hindi niya alam kung paano siya nakababa sa fx. Ang tanging nasa isip ay makasakay agad sa elevator. Kaya laking tuwa niya nang may makita siyang elevator sa ground floor. Wala pang laman iyon.
May nakita siyang lalaki na patungo din sa may elevator. Nang biglang tumunog iyong cellphone sa loob ng bag niya. Napatingin ang mga tao sa paligid dahil sa lakas ng tunog nito. Napilitan siyang huminto upang alamin kung sino ang tumatawag.
"Ano ba yan! Sino ba itong istorbo na to! Dapat pala hindi ko na lang ini-on ang sound nito." , bulong niya sa sarili habang dinudukot sa bag ang cellphone.
Si Lei ang nasa linya. Ang bestfriend niya. In-end call din naman nito ang tawag nang hindi kaagad nasagot ni Michi ang cellphone.
"Haiisstt... Lei naman!"

Pagtingin niya sa elevator, unti-unti na itong nagsasara.
" Wait lang! ", sigaw niya sa lalaki para hintayin muna siyang makasakay ng elevator. Dali-dali siyang tumakbo patungo sa elevator. Ngunit tuluyan na itong nagsara.
" Oh, no...", mangiyak-ngiyak na sambit ng dalaga. Para siyang pinagtakluban ng langit at lupa nang mga sandaling iyon. Parang nawalan siya ng lakas.
" Bakit hindi man lang ako hinintay ng lalaking iyon? Mag-isa lang naman siya at nakita naman niya na nagmamadali rin akong tulad niya. He's so inconsiderate! He's so ungentleman talaga! Buwisit na lalaki iyon.. Paano na 'ko nito?", sambit niya sa sarili. Kilala niya ang lalaking iyon na nasa elevator.
Ang lalaking iyon ay iyong nakasakayan niya kanina sa fx. Iyong laging nakakunot-noo. Iyong parang may kaaway. Iyong tinawag niyang pumapatol sa babae.
Iyong lalaking parang galit sa mundo!

~💖~

👍Please vote for this part of my story.
Chapter 2 coming very soon.
Thanks for reading... 😊

Dear DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon