Chapter Three

109 6 3
                                    

#ThatStranger

Mixed emotions.
Iyon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
Kaninang tanghali kaaway niya ang lalaking iyon. Na-stressed nga siya dahil dito. Galit siya sa lalaking iyon. Actually, mula nang maka-encounter niya ito more than two weeks ago, hindi na nawala ang inis niya rito.
Then all of a sudden, noong kailangang-kailangang niya ang tulong, ito pa pala ang magbibigay nun sa kanya. At higit sa lahat, she did'nt expect him to say sorry.
Somehow the hatred in her heart slowly disappeared when she heard him say those words in the most sincere way.

" Bes! "
" Huh? "
Tila nagising si Michi mula sa malalim na pag-iisip nang marinig niya ang boses ni Lei Amor. Hindi niya namalayan ang paglapit ng kaibigan.
Sinundo siya nang kaibigan sa may tapat ng isang fastfood malapit sa kanto ng tinutuluyan nila dahil wala nga siyang dalang payong.
" Oh buti naman at hindi ka nabasa? Nakasakay ka agad noh?". Bati ng kaibigan sa kanya.
" Ha?"
" Hoy, anyare sa yo? Ok ka lang ba? "
" Oo... "
" Bes, may ikukuwento ako sa yo.... "

" OMG!!! He must be the one, besfriend! He must be your destiny ! ". Kilig na kilig si Lei Amor nang ikuwento niya rito ang encounter nila ng lalaking ni hindi niya alam ang pangalan.
" Ssshhhh... Makatili ka naman, Bes! Wag ka nga eskandalosa jan..", inirapan niya ang nagtitiling ang kaibigan.
" Sobrang kinikilig kasi ako sa inyo... Haeyyy... I'm so happy for you.", sabay yakap sa kanya.
Pero tinanggal niya ang mga braso nitong nakayakap sa kanya.
" Happy agad? Ni hindi ko nga kilala iyong taong iyon. Baka may GF na iyon o kaya'y... asawa. Ano ka ba?"
" Ayan... nega ka na naman. Kala ko ba hinahanap mo iyong destiny mo?" sabay halukipkip si Lei Amor.
" Oo nga.. pero pano kung hindi naman pala siya? It's too soon to tell, Bes."

Kinaumagahan, ayaw man niyang aminin sa sarili, pero umaasa siya na makasakay uli sa fx ang lalaki.
Maging sa lunch break sa opisina, sekretong hinanap ng mga mata niya ang lalaki bakasakaling ito'y makita niya sa canteen.
Maging sa pag-uwi, somehow, winiwish niya itong makasakayan sa fx.
Pero wala siyang nakita kahit anino nito.
" Haayyy... ano ba tong nararamdaman ko? Nababaliw na ba ako o desperada lang talaga? Kainis! Ano naman kung di ko na siya makita? Dapat lang naman na nag-sorry siya sa mga ginawa niya. But that does'nt mean a thing... Hindi ibig sabihin na siya na iyong destiny ko. It's just an accident. Coincidence. Ewan. " saloob-loob ng dalaga habang nakasakay pauwi na ng Quiapo.

~💕~

Matuling lumipas ang mga araw. Na naging mga linggo.

" Bes, attend tayo ng Batch Reunion natin ha? Magko-confirm na ko. Wala na itong urungan ha?", si Lei Amor. Nakaharap ito sa laptop habang si Michi naman ay namamalantsa ng uniporme na gagamitin kinabukasan. Araw noon ng Linggo.
" Eh kelan nga ba iyon?"
" Next month na. June 12. Friday. So uwi tayo ng Thursday night. Tapos balik-Manila tayo ng Sunday.", ani Lei Amor. Kinuha nito ang cellphone sa tabi ng laptop. Tatawagan niya ang boyfriend na si Kenneth.
" Class reunion iyon nung nasa grade school pa tayo di ba? Magkakakilala pa kaya tayo?" Kinuha ni Michi ang hanger sa closet saka ihinanger ang blouse matapos plantsahin.
" Well, siguro naman. Kami nga ni Dulce, nagkamukhaan sa facebook eh. Iyong itsura niya nung Grade 6 tayo, ganun pa rin itsura niya ngayon. Tumanda nga lang. Hahaha... " Si Dulce ang nag-oorganize ng kanilang reunion. Naalala ni Michi ito iyong Class President nila noon. Ito rin iyong Valedictorian. Samantalang Third Honors naman siya noong gumradweyt sila sa gradeschool.
" Ano ba naman tong si Kenneth! Di sinasagot ang tawag ko." Nakakunot-noo na si Lei Amor.
" Baka naman may importanteng ginagawa o kaya'y kausap...", iyong palda naman niya ngayon ang pinaplantsa niya.
Napasimangot ang kanyang matalik na kaibigan.
" Mas importante pa sa akin. Ganun?"
" Oy, baka awayin mo na naman siya pag nagkausap kayo ha? Matuturn-off na talaga sa yo iyong tao. Ikaw din."
Ibinagsak ni Lei Amor ang katawan sa kama.
" Hay naku..Sino ang nawalan? Siya, hindi ako.", anito.
Napailing na lang si Michi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon