Shiny 4: The Shine Cold Princess

43 3 0
                                    

Kara Cleive POV


Pagtapos kong magpakilala ay agad na akong umupo. Nabadtrip kasi talaga ako dun sa antipatiko na yun. Pssh.



"Huy. Babae, ano problema mo? At bakit na-space out ka dyan?", bulong nitong ni Nathalie na nakatingin pa din sa harap na parang hindi ako kausap.




"Wala yu...




"Naku! Wag mong subukang magsinungaling sa akin, KC!", pagpuputol niya sa pagsagot ko, but this time nakatingin na talaga siya akin, mata sa mata. Huhu. Nakakatakot talaga tong bestfriend ko.




"Ehhhhh. Mamaya na lang natin pagusapan sa recess.", sabi ko naman na surrender na. Tapos tumango lang siya.




Eh. Sino ba namang hindi susurrender dun sa best friend ko na yun. Napakatapang. Tapos ang cold cold pa. Pero, syempre exempted kami na friends niya and family.




Mga friends and family lang talaga yung nakakapagpangiti sa kanya.




Mabait naman yun. Ayun lang ayaw niya ng madaldal, gusto niya tahimik lang. Not the typical model, right? Kasi pag sinabi niyong model, maarte, pabebe, masyadong fashionista, palaayos, gusto lahat ng attention sa kanya.




But not her. She is very different from all the models I've ever met. I love her like my older sister kahit na magkaedad lang kami. Eh kasi ang mature mature na niya magisip. Yung feeling na ako tawang-tawa na, siya ayun poker face pa rin -____- Hahaha.




Pero kahit ganun siya she knows me well. Alam niya kung may bumabagabag ba sa akin. Kaya nga nagtanong yun agad.




Very caring when it comes to me and her family. Pero kung ano yung pagkacaring niya sa amin, ayun naman yung pagkacold niya sa ibang tao.




That's why people called her The Shine Cold Princess.




Hindi naman ganyan yan dati nung mga bata pa kami eh. Masayahin nga yan eh. Palakwento. Palangiti. But all of a sudden bigla na lang siyang naging ganyan.




But of course, triny namin siyang tulungan pero wala na talaga. Ang huli lang niyang sinabi sa amin na hindi ko makalimutan ay yung, "Nakakapagod pala maging masaya".




That's when we stop to bring the old back Nathalie. I'm happy kasi hindi naman siya kabuuang nagiba. Hindi lang siya masyadong nakikihalubilo sa tao at ngumingiti sa ibang tao.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

An Ugly Duckling turns into SwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon