4- Assumed

22.6K 352 2
                                    

CHAPTER 4- ASSUMED
(06-26-03)

Dedicated to: xakni_allyM
*KRYSTAL*

Nagising ako dahil sa pananakit ng pearly gem ko. Umupo ako ng maingat pero shemayss ang sakit parin. Bakit kasi ang laki laki niya.

"Nasaan kaya siya?" Lumingon ako sa kinahihigaan ko pero wala na si Boss Callis. Ang nakita ko na lang ay ang blood stains. Tanda na hindi na *lunok* virgin.

Dissapointed ako kasi akala ko nandyan lang si Boss, nakayakap parin saakin pero hindi pala. Sadyang assuming lang ako. Haist..

Pumasok na ako sa banyo at naligo. Tiniis ko lang yung sakit kasi mawawala rin naman ito. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Ang dami kong hickeys sa leeg tapos sa dibdib. Napaluha na lang ako.

Mahal na mahal ko si Boss

Lumabas na ako sa kwarto ni Boss at dumeretso sa kwarto ko. Nagbihis ako ng shorts at tshirt.

Bumaba na ako papuntang kusina at nadatnan ko si Manang Violeta na nagluluto na.

"Good morning, Manang" Nakangiti kong bati. Nginitian rin ako ni Manang pabalik. Tinulungan ko siyang magluto ng agahan.

"Manang, asan pala si Boss?" Tanong ko habang nag chochop ng sibuyas at kamatis.

"Maaga pa siyang umalis Iha." Yun lang ang sinabi ni Manang, kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagluluto.

"Atsaka nga pala, Krystal. May bisita si Sir mamaya mga 6pm, magluluto ka daw ng mga specialty mo." Tumango ako at ngumiti. Ang mga barkada siguro ni Sir ang tinutukoy ni Manang. Excited na tuloy ako.

Dumating ang alas kwatro ng hapon ay bored pa rin ako. Atsaka nawala wala na rin yung sakit sa pearly gem ko kaya medyo nakaka galaw na ako ng maayos.

Nagpasya na lang ako na lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para gumawa ng pancake. Pwede naman siguro diba?

Kumuha ako ng mixing bowl at whisker. Kumuha rin ako ng itlog, at yung nakahalo na lahat ng ingredients na pancake mix.

Nilagay ko yun lahat sa mixing bowl at hinalo halo. Pagkatapos ay nag painit ako ng butter sa frying pan at nagsimula ng magluto.

Nang maluto na lahat ay nilagyan ko ito ng chocolate syrup at sinet a side. Nilinis ko muna ang mga dumi.

Pumunta ako sa garden at umupo sa duyan dun at nagsimula ng kainin ang pancake. Tulog pa siguro si Manang.

5pm na ng matapos akong mag meryienda kaya nagsimula na akong mag handa ng ingredients para sa lulutuin ko.

Naisip kong lutuin ay beef steak, mash potato at chocolate cake. Sa totoo lang Culinary sana talaga ang kukunin kong course kung di lang talaga tumutol si Mama. Haist.

Tinulungan ako ni Manang maghanda at niluto na ang pagkain. Pagkatapos ay hinanda namin ito sa engrandeng lamesa ni Boss.

"Sana magustuhan nila Boss ito, Manang" Nakangiti ko pang sabi.

Pasado 6pm na ng marinig ko ang tinig ng kotse ni Boss. Tumayo ako at binuksan ito.

Pero laking gulat ko ng may babaeng naka hawak sa braso niya. Nakita ko naman ang barkada niya na nakasunod lang kina Boss at nung babae.

"Good evening, Boss, Maam" Yumuko ako at dinaanan lang ako nilang dalawa. Naramdaman kong may tumapik sa likod ko.

"Magpaliwanag ka mamaya, Krystal" Seryoso niyang sabi. Tumango na lang ako. Masakit sa puso na akala ko pagkatapos niyang gawin saakin yun. Ang pagkuha sa virginity ko. Haysss..

Luha wag munang tumulo.

Sumunod na lang ako sa kanila. Nakita ko namang masayang nakwekwentuhan si Boss at yung magandang babae.

Napayuko lang ako at dumeretso sa kusina. Kumuha ako ng tubig at uminom. Sumandig ako sa ref at pumikit.

Bat nangyayari ito? Nag assume na naman ba ako? Assuming na lang ba talaga ako forever??

"Krystal" Lumingon ako at nakita ko si Kraige na seryosong nakatingin saakin.

"Kraige bakit?" Umiwas ako ng tingin. Naramdaman kong lumapit siya.

"Kayo ba talaga ni Callis?" Nagulat ako sa tanong niya. Sino bang hindi mabibigla kong ipinakilala akong girlfriend ni Callis sa harap ng mga kaibigan niya tapos magdadala lang siya ng babae dito.

"H--hindi K--kraige" Nauutal ko pang sabi. Naramdaman ko na ang masaganang luha na tumutulo galing sa mga mata ko.

"Sino siya? Yung b..babae?" Tumikhim si Kraige at nagsalita. "Si Bianca, fianceé daw ni Callis" Naramdaman ko na naman ang sakit.

"G---ganun ba?? Hahaha kelan ang kasal?" Pilit akong tumawa.

"Tara na nga! Baka gutom ka na" Pumunta na kami ng hapag kainan at umupo na dun sa upuan na katabi ni Kraige. Malayo kay Boss.

"Are you the one who cooked this?" Nakangiting tanong ni Bianca. Halata namang plastic ang ngiti ng babaeng ito.

Tinaas ko ang kilay. "Yes" Tumango lang si Bianca at kinain ang chocolate cake. Uminom ako ng juice at kumain ng cake.

Nag kwentuhan lang sila habang ako ay tahimik lang na nasa tabi ni Kraige. Magaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Kraige.

Lumalim na ang gabi at nahagip ko ng dalawa kong mata ang paghahalikan nila Bianca at Boss Callis.

At bakit ko nga bang tinatawag na Boss si Callis. Ngumiti na lang ako ng mapait.

Nagpaalam na ako sa kanilang lahat para matulog. Ayaw ko nang masaktan pa. Siguro tama na rin itong gagawin ko.

Ang lumayo.

Makakaya ko ba talaga?

-TBC-

Thank you for reading! This chapter is already edited!

[Edited]

The Demon's Slave (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon