Panimula

2.7K 80 5
                                    


The Dream



Naglalakad ang isang binata patungo sa isang masukal na gubat. Hating gabi na at nababalot ng dilim ang buong paligid ngunit tanging nakatuktok ang buong atensyon niya sa isang gumagalaw na liwanag.


Napahinto siya ng makarinig ng tawanan na nagmumula sa maliliit na nilalang na animo'y kinikilig dahil sa nakakatuwang tinig nila. Doon niya lang napagtanto ang lugar na kinalalagyan niya.


"Lugar ba ito ng mga diwata?" Tanong na naibulalas niya sa kanyang sarili.


At mula sa kung saan ay natanaw niya muli ang liwanag na dahilan kung bakit siya nakarating sa lugar na iyon. Nagmumula sa isang dalaga. Hindi niya man maaninag ang mukha nito ay napangiti siya ng masilayan ito.


Ang ningning nito ay sadyang nakakapang-akit kaya hindi niya mapigilan ang sariling lapitan ito.


Nang magkatapat sila ay hinawakan nito ang kanyang pisngi. Dahil sa liwanag nabumabalot sa dalaga nahihirapan siyang tingnan ito.


"Anong pangalan mo?" Tanong ng binata sa dalaga ngunit imbis nasagutin ang tanong nito ay ngumiti lang ito.


Naaninag ng binata nag mapuputing ngipin nito ngunit hindi ang mukha.


Hindi nagtagal ay niyakap siya ng dalaga at nakaramdam siya ng kakaibang pintig ng kanyang puso. Sa simpleng yakap nito ay nakaramdam siya ng pagkakontento, sandaling nawaglit sa isipan niya ang kanyang mga problema, gumaan ang mabigat niyang nararamdaman. Na sa unang pagkakataon nakaramdam siya ng pagmamahal.


"Isa ka bang anghel?" Bulong ng binata sa dalaga.


Hindi na naman sumagot ang dalaga ngunit ang ulo nito ay gumagalaw dahil sa masusing pag-amoy-amay nito sa leeg ng binata.


"Huwag ka namang ganyan nakikiliti ako–." Natigil ang binata sa ano mang kataga na nais niyang sabihin ng gumuhit sa mukha niya ang isang masakit na pakiramdam.


Nilingon niya ang dalaga at nagulat siya ngayon sa anyo nito at ang ginagawa nito sa kanya ng sandaling iyon. Kinagat ng dalaga ang kanyang leeg at sinisipsip ngayon ang kanyang sariwang dugo.


Ubod ng lakas niyang itinulak ito palayo dahil sa ginawa niya ay napaupo ang dalaga.


"Isa kang halimaw!" Sigaw ng binata sa kanya. Hinawakan niya ang parte ng kanyang leeg na kinagat ng dalaga ngunit wala na ang bakas ng kagat nito.


Dahan dahan siyang umatras palayo ngunit tumigil siya ng marinig niya ang paghikbi ng dalaga.


Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam sya ngayon sa dalaga na gustong gawin siyang pagkain.


"Tulungan mo ako..." Unang pagkakataon na narinig niya ang boses nito. Malumay at sobrang lambing ng tinig ng dalaga.


Demon Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon