Kabanata 11

399 30 6
                                    


>>>>>>


The Doubt



Helayna


Hindi ko mapigilan ang ngiti ko...gustong gusto ko ang nangyayari ngayon sa field. Kung pwede lang magpaparty after nito ginawa ko na hahaha.


Pinagmasdan ko ang pagkataranta ni Caroline at pagsigaw niya sa ilang staff upang tapusin ang video na pumapailanglang sa malaking screen.


It was a recent video na nakunan ko kasama ang ex boyfreind niyang si Luke.


Agad na hinanap ng mata ko kung nasaan ngayon sila Rumi. I don't want to see him in that state. He is confuse and hurting.


'I'm sorry Rumi but you need to know about this.'


Umalis na ako sa kinatatayuan ko upang magtungo sa tambayan ko dito sa school. Habang pababa ako ay nakita ko ang pagtakbo palabas ni Rumi sa field.


Gusto ko siyang habulin pero alam kong it's nit the right time.


'Patience Helayna! Patience...' Paalala ko sa akin sarili.


Alam kong matatagalan bago ko makuha ang loob ni Rumi after this. Ang kailangan kong gawin ngayon ay siguraduhing hindi na sila magkakabalikan pa ni Caroline at kailangan ko si Luke upang gawin yun.


Habang papasok ako sa main building ng school ay nakangiti lang ako.


"Helayna!"


Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin si Jenka.


"Akala ko hindi ka pumasok." Sabi niya habang papalapit sa akin."Hindi ako pumasok kaninang umaga ngayon lang hapon. Nakalimutan kong may rally ngayon sana pala hindi nalang ako pumasok. Bakit ganyan kang makatingin?"


Agad kong napansin ang mapanuri niyang tingin.


"Anong ginawa mo?"


Bakit ganito ang paraan ng pagtatanong nito? May alam kaya siya.


"Ginawa ko? Wala akong ginagawa Jenka. Halika na nga samahan mo nalang ako. Nagugutom na ako libre kita." Hinila ko nalang siya patungong cafeteria. Nagpatianod naman siya ngunit tuwing napapatingin ako sa kanya hindi parin nawawala ang pagdududa sa mukha niya.


Pinaupo ko siya at umupo naman ako sa harapan niya ng makarating kami sa cafeteria.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Demon Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon