Kabanata 4

1K 59 1
                                    


>>>>>>


The Changes



Helayna


Kabilugan ng buwan ngayong gabi at malamig ang simoy ng hangin. Nandito ako sa isang lugar kung saan ako ang sikat. Ako ang hinahangaan at ako ang nagtatago sa isang misteryosang alyas si Hellaxa sa racing circuit sa loob ng Ground Zero Metropolis.


Ngayon araw na ito ay masusubukan ko pang lalo kung hanggang saan na umabot ang kakayahan ko sa pangangarera ngunit hindi ito pangkaraniwang karera. Ang Dare Devil Motocross Championship kung saan nagsama-sama ang lahat ng magagaling na mangangarera sa iba't ibang panig ng mundo ay isang karera ng kamatayan. Kahit ano pwedeng gawin dito at legal lahat ng ito.


Isang magarbong entrance ang ginawa ko nung pinakilala na ako. Nakasuot ako ng hot pink racing outfit napagkamalan pa nga akong miyembro ng isang gang dito sa GZM.


Nakapwesto na kaming lahat sa starting line at naghihintay na lamang ng hudyat mula sa host.


"Lahat pwedeng gawin dito sa Dare Devil Motocross, hangga't walang katawan ng isang racer ang nakakarating sa finish line tuloy lang ang karera." Pinapaliwanag ngayon ng host ang mechanics ng race sa mga manunuod na baguhan palang makasasaksi ng ganitong kompetisyon.


Hanggang sa pumagitna na ang isang babae at host sa harapan naming mga racer. Nagsimula naring magcounting ang monitor sa paligid kaya isa isa ng nagpapainit ng kani-kanilang motor ang mga kasama ako. Siyempre hindi naman ako magpapatalo pinaandar ko narin ang motor ko.


Dito palang sa starting line kanya-kanya ng gulangan ang ginagawa ng iba. May ibang motor na nagpapakawala ng malilit na bola pero kung sa malapitan ay mga spikes pala. Ang usok naman ng iba ay may chemicals na nakakapagpatulog, nakakapagpabahing at nakakalason. Kawawa yung mga hindi pa nakasuot ng helmet dahil mararamdaman nila ang epekto noon sa kalagitnaan ng race.


Isa pang pwedeng gawin dito ay ang paggamit ng kahit anong sandata. Baril, espada, pana at kung anu-ano pa. Kaya ang mga racer na kilala mo noon pagdating sa ibang leg wala na kung hindi injured ay sinamang palad na mapatay.


Sinasabayan nan g mga tao ang count down.


"3...2...1..." Isang malakas na putok ang narinig ng lahat. "GO!!!"


Humarurot ang mga motor ngunit hindi ang sa akin. Maging ang iba sa likuran ko ay hindi din umandar.


Bawat racer ay may kanya kanyang drone na nakasunod sa kanila kaya kita sa isang malaking monitor ang nangyari sa kanila.


Isang sobrang lakas na pagsabog ang naganap mula sa mga nag-unahang motor. Kung hindi mo kasi oobserbahan ang paligid hindi mo makikita ang mga pwedeng mangyari. Napansin ko na agad ang ginawang pagkakabit ng bomba sa isang motor at naka-set ang pagsabog sa oras na gumalaw ng 3 metro ang motor.

Demon Fairy TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon