"Hoy nerd! Bago ka dito? " Tanong ng isang maangas na lalaking bigla nalang nanghila sa akin sa likod ng school habang naglalakad ako sa hallway.
"Ah oo" mahina kong sabi. "ANO? Di ko marinig!" Sigaw niya sa akin sabay kuwelyo. "OO Bago ako!" Napalakas at parang sigaw kong sagot. " "Sinisigawan mo ba ako??" 😬
First day na first day ko dito sa school pero ganito na agad bumungad sa akin. "Hindi" Sagot ko ulit sakanya.
"Ano pare! Binyagan na natin yang bago dito! 😡" Sabat ng isa sa mga kasama niya.
"Oi masaya to!" "Ano umpisahan na natin ang pagwelcome kay nerdy? Haha" Pagsangayon naman ng isa. Bale lima silang pinalibutan ako.
Hindi ako natatakot. Yun nga lang ayoko ng away. Poker face lang naman ako habang nakapalibot sila sa aking lima.
"Hawakan na yan!" Utos ng parang leader ata nila.
Mukhang mapapaaway ako nito.
Hinawakan ako ng dalawa. At ng akmang sasapakin na ako ng leader nila ay may biglang.
"Hoy! Mga gago! Wala talaga kayong magawa sa buhay niyo ano?" Sigaw ng isang babae na hindi ko alam kung saan galing yung tinig na yun.
Lumingon ako sa likod ko,pero wala naman. I look at the left and right side but no one is there.
Biglang may nahulog sa ulo kong maliit na naputol na sanga ng mangga. And when I looked up I saw a girl seating at the branch of the tree.
Baliw ba siya? Nakapalda pa ang babaeng yan ngunit ang lakas makaakyat sa puno.
Nabigla ako ng bigla siyang tumalon galing sa itaas. Fudge! What kind of girl is this?
"Hoy! Potchokoy na mukhang unggoy! Tigilan niyo na nga yang pambubully mo sa bagong yan.
" Ano bang pakealam mong babae ka hah? Lakas mong makaangas parang kaya mo kami ah!"
"Sino bang nagsabing kaya ko kayo?" Ngisi naman niya.
"Yun naman pala eh. " "wala ka pala eh"
"Tara pre bangasan na yang si nerd para matapos na! "
Nabigla ako ng bigla akong sapakin ng isa. Pero ang mas kinabigla ko ay ng nakipagkarate ang babaeng nanggaling sa puno.
Pagkatapos niyang mapatumba yung lima ay bigla siyang nagpagpag.
"Hindi ko talaga kayo kaya, kasi Kayang kaya ko kayo" Then she smirk . And I find it cute.
"Psst nerd, tara na!" Sabay hila niya sa akin ng patakbo .
😇😀😇😀😇😀😇😀😇😀😇😀