Pagkatapos ng lunch break ay naghanap ako ng tahimik na pagtatambayan dahil mahaba pa ang oras bago ang susunod na subject ko. After ng lunchbreak ay vacant namin.
Napadpad ako sa likurang bahagi ng school. Perfect spot para makapagrelax.
May isang puno at malinis naman ang damuhan. Sumandal ako don sa puno and I close my eyes.
"Waaaaahhh! Bakit nandyan ka?!!" Napadilat ako ng may biglang sumigaw.
Tsk. Yung babae nanaman. Teka. Hindi ko papala alam pangalan nito. Di ko narin kasi tinignan nong chineck ko yong papel niya. Basta ang alam ko Lopez apelyido niya.
"Bakit ba?" Iritadong tanong ko sakanya.
"Teritoryo ko yan! Akin yang puno! Ako lang dapat ang nagpupunta dito. Kaya umalis ka dyan!" Nakatayo siya sa harapan ko sabay hawak sa bewang niya.
"At bakit ako aalis? May pangalan ka ba?" Tumingin ako sa puno pero wala naman nakaukit.
"Wala akong pangalan diyan, pero ako ang nauna dito. " Magkasalubong na ang kilay nito.
"As long as I remembered this is a school property so that means this is not your property."
"Eh ano naman kung school property to. For your information ako ang anak ng may ari ng school na to. "
"Really?"
Natatawa ako sa isipan ko , shiz ako pa talagang niloko niya. Ano yun anak din siya ng magulang ko ? Hahaha"Oo. At bakit ba english ka ng english dyan. Oy tsong asa Pilipinas tayo, tagalog ang salita dito. "
"Tsk. Dont care."
"Aalis ka ba dyan o sasapakin kita"
"Tsk. Hindi ako aalis dito"
"Ah ganon ah. ".
Hinila niya ako pero dahil mas malaki ako sakanya hindi niya masyadong nakaya." Alis na kasiiii". "Dont wanna"
"Okay fine! Papayagan kita manatili din dito sa teritoryo ko sa isang kondisyon. "
Napataas ang kilay ko sa narinig. Ano nanaman kayang iniisip ng babaeng to.
"Dapat magiging tutor kita sa math"
Ibang klase din ito eh, gagawin pa akong tutor. Anak ng. ..
"No." I answered
"Bakiit naman.?".
" Kasi ayoko lang"
"Bahala ka dyan. Hanggang hindi ka umaalis dito. Guguluhin kita hanggang hindi ka umaalis dito."
Mukhang seryoso talaga siya sa binabalak niya. Tsk.
"Okay fine. I'll be your tutor then"
"Yay! Yey! Okay. Pinapayagan na kitang manatili dito sa teritoryo ko.
Sabay talon niya. Isip bata. Tsk. Tsk. Now I have to deal with this childish creature. 😑